Chapter 30 - My Cruelest Karma

110 1 0
                                    

Chapter 30 – My Cruelest Karma

Maingay parin sa loob ng hall, at parang hindi ata nahalata ang pagkawala namin ni Patrick. Dumapo ang paningin ko sa mga pinsan kong umiinom ng juice na may iba’t-ibang kulay. 

“Sab, Lucy, Jaco, si Patrick pala. Boyfriend ko. Patrick mga pinsan ko, si Sabrina, Lucy at Jaco.” Tinuro ko sila isa-isa. Halata sa mata ni Sabrina ang tuwa. Siya ang pinakaclose kong pinsan dahil magkaedad lang kami habang ambabata pa ng dalawa.

Patrick, in his manly built suited in his tuxedo, lent his hands to my cousins. He’s as charming as he could be.

“Nice to meet you guys.” Sabi niya.

“Nice to meet you too Patrick. I really admire your efforts para kay Carlota. I hope every man has your standards.” nanggigil si Sab habang kinukurot ako. Infairness, masakit yung kurot niya.

“Hindi naman. I don’t agree na kailangan pa natin ng standards sa pagmamahal. It just so happen na you can do things you taught you can’t do when it comes to that.” Kumindat si Patrick sakin na nagpainit ng pisngi ko. Sh*t, he’s flirting with me.

“So guys, enjoy your drinks. Iiwan ko muna si Scarlet sa inyo so that you can have quality time with each other. See you babe.” Nastatwa ako nang yumuko sya’t hinalikan ako sa pisngi. I checked around at mukhang hindi naman big deal sa kanila kaya ngumisi nalang ako kay Patrick.

Bumaling ako kay Sabrina na tila nakasimangot na ngayon.

 “Oi, mukhang may pinagdadaanan ah.” Ngumisi ako sabay kuha sa juice na color blue.

“Wala! Pero in fairness couz, super-hot at gwapo talaga ng jowa mo! Everything is perfect about him, except his status. Alam mo na, rich kids sucks. Sorry.” She threw me an apologetic look. Yah, alam ko. She has this history over rich guys na kinatrauma ata niya. She badly generalizes them as stupid, arrogant, self-centered crocs. Wala siyang patawad, kahit ata boyfriend ko di na sasantuhin.

“Hay naku! Yung crush mo na naman ba yung pinag-uusapan natin? Yung si A--- ano nga bang pangalan nun?” sinuyod ko ang bawat parte ng utak ko para sa pangalan ng lalakeng nakwento niya sakin. Nasa kabilang siyudad nag-aaral si Sabrina, mas tahimik pero napakaeksklusibo, napapalibutan sila ng malalaking bahay. Isa ang crush niya dun sa may malalaking mansyon, si A--- ay ewan!

Apparently, hindi siya pinapansin nun kaya galit siya. As in super harsh daw ikanga.  

“Sh1t!” nanlaki ang mata niya. Lumingon ako para tingnan ang dahilan ng pagkagulat niya. I don’t know if I saw it right but some guy’s stand at the door. He looks familiar but I can’t remember where I saw him. 

“Lota, excuse lang ha. May aasikasuhin lang ako.” Tumakbo siya sa direksyon ng lalake na halatang kinaladkad niya palabas. HMMMM. Fishy.

“Happy Birthday.” Lumingon ako at nakita ko si Gabriel. Nakangisi siya sakin, his usual tempting smile. Ok, I don’t have the right to be tempted anymore but he really has this alluring smile.

“Salamat.” Sinuklian ko rin siya ng ngiti. Napabuntung hininga siya. 

“How can I ever get over you?” Umiiling siya sa kinatatayuan niya. A pinch of pain washed me.

“But it’s ok, alam ko naman kung sinong nakakuha sa’yo eh, at wala akong laban sa kanya.” Nakatingin siya sa direksyon ni Patrick na nakikipagtawanan kay Mr. Yuzon.

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon