Chapter 43 - Babe

79 1 0
                                    

Chapter 43 - Babe

Tumatagaktak ang pawis ko habang inaayos ang gamit. Sa kabila ng pagkapanalo ng grupo namin sa mini sports fest, nararamdaman kong pinagbigyan lang ako ni Patrick. At pagkatapos ng lahat, nararamdaman ko ang mga lungkot sa mga mata niya. Nakayuko siyang dumaan sa harap ko, di ko siya pinansin pero I changed my mind. Kumaripas ako ng takbo para habulin siya.

“Patrick!” halos umabot na kami sa parking lot sa tagal kong makapagdesisyong kausapin siya. At andito ako sa harapan ng tanging taong nakapagbibigay sakin ng katakot-takot na goosebumps.

“Y-yung nakita mo. Mali yung iniisip mo.” Tumuwid ang tayo niya at nakapamulsa.

“San dun?”

“Y-yung kay Paul. At alam ko na y-yung mga bulaklak.” Kumuyom ang panga niya. Bigla itong naasiwa.

“Yun ba. Forget about it.” Akmang tatalikod na siya nang hinigit ko ang mga kamay niya.

Napatigil siya sa kinatatayuan niya at taimtim na tinitigan ang kamay kong nakahawak sa mga palad niya.

I’ve long to hold you. Sana sa pagkakataong hawakan mo ang mga kamay ko, hindi ka na bibitaw. Di ba, ito yung sabi sa sulat mo? Hindi na ako bibitaw Patrick.” Namumuo na naman ang mga butil ng luha sa mga mata ko. I’ve never imagined how much I missed this person so much! Gulat parin siya at hindi makapagsalita.

Ito na ata ang pinakahumbling experience sa tanang buhay ko. Masakit man sa ego na habulin ang isang taong minsan mo nang kinamuhian. Pero ewan ko kung bakit sobrang laki ng puwang sa puso tuwing binabalewala niya ako. Sobrang mahal ko pala siya. Sa bawat araw na dumadaang hindi kami nagpapansinan ay matinding pangungulila ang namamayani sakin, kaya siguro madalas ko siyang awayin dahil kahit papano, alam niyang I exist. Kaya nang malaman kong may nararamdaman pa siya sakin, hindi ko mapigilang magalak ng todo. Sobrang mahal ko talaga siya.

“Patrick? And Scarlet?” sumulpot si Bettina sa eksena at matalim na tumitig sa kamay kong nakahawak sa mga kamay ni Patrick.

Naramdaman ko ang unti-unting pagbitaw ni Patrick. Unti-unti ring napupunit ang puso ko sa pagdulas ng kamay niya.

“Sige. Ah. P-Patrick, Bettina.” Tumalikod ako dahil hindi ko na mapigilan ang paglandas ng mga luha sa aking mga pisngi. Tandang-tanda ko pa yung sulat niya eh, sabi niya: Sana hindi ka na bumitaw dahil ako, hinding-hindi na. Eh tang’na naman ang bilis magbago! Bumitaw agad!

“Scarlet!” tawag ni Patrick sa likod. Naririnig ko na ang mga yapak niya papalapit sa’kin. Hindi ako makalingon dahil panay ang tulo ng mga luha sa mga mata ko.

“Akin na ang cellphone mo.” Hinablot nito ang cellphone kong hawak-hawak ko. Pumipindot-pindot siya habang marahan kong pinapahid ang basa kong mukha. Nilapat niya sa tenga ang cellphone ko at biglang tumunog ang cellphone niya.

“This is my number. I’ll call you. Let’s talk after this. And –-“ inangat niya ang mukha ko at tumambad sakin ang mapupungay niyang mata at masaya niyang mukha. “and I’ll expect you tomorrow, you’ll be my date.”

Hindi ko maintindihan ang huling pangungusap niya. Gumuhit ang gulat sa mukha ko.

“Anong meron bukas?”

“Tss. It’s my birthday.” Lumakad siya palayo kasama si Bettina at tinungo ang parking lot.

Hindi ko maintindihan ang puso ko. Kinakabog na naman ito na parang hinahabol ng torong galit. Sa kabilang banda, may kung anong sumasakal sa sikmura ko nang makitang magkasama si Patrick at Bettina. Para akong nairita sa mga assumptions na pumapasok sa utak ko. Pano kung isa lang talaga ako sa mga koleksyon niya. Ano ‘to per schedule?!

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon