Chapter 14 - Overdrive

98 2 0
                                    

Chapter 14 - Overdrive

   

OO NA! Crush ko na siya. Tama na ‘tong mga deny-deny na ‘to because the more I discard the feeling, the more it blossoms. I’m afraid I’m feeding the devil inside me. I didn’t know that this feeling can be as bad as this. Iniisip kong katulad lang ako dun sa mga fangirls ni Patrick, falling because of shallow reasons.

Bakit ba ako na-attract sa kanya? Lumilipad ang buhok ko, ganun din ang utak ko.

"Ok ka lang?" tanong ni Gabriel pagkababa ko sa motorbike niya. Nasa tapat na ako ng bahay naming pero sumasabog parin ang mga tanong sa utak ko.

"Scare?" tawag ulit ni Gabriel nang sigurong mahalatang wala akong reaksyon sa tanong niya. Biglang bumalik ang wari ko sa mundong ibabaw.

"H--ahh. O-Oo, may iniisip lang." pinilit kong ngumiti sa kanya na tinitingnan akong mabuti.

Napakunot ang noo ko.

“May sasabihin ka?” I asked.

“H-hindi. Wala. You just seem to lose your concentration. May problema ba? You can share." Tumikhim ko para pakalmahin ang sarili ko. Isa pa’to, bigla nalang bumait? Noon, kahit siguro sumayaw-sayaw pa ako sa harapan niya, hindi parin ako papansinin. Weird talaga.

Umiling lang ako. "Wala naman. Di bale, pag may totoong problema na talaga, hahanapin kita." I flashed my most convincing smile at him.

“Talaga ha? So friends? I mean, formally. We didn’t started well ano so I’m making up to you.” Napangiti ako sa tinuran niya.

Well, we started rough I know, but it really astounds me to see that I’m proven wrong. He is really something. I feel comfortable with him, opposite to my sentiments noon. Opposite to what Patrick makes me feel.

Ngumiti narin ito. "Ok sige, matulog ka na. Maghanda ka para bukas ha, See you." ginulo niya ang buhok ko at humarurot palayo. Nakatayo parin ako sa labas ng bahay namin, out of focus, tulala.

 
"CARLOTA!" napalundag ako para habulin ang puso kong nalaglag ata sa kanal.

"BELLA! YOU'RE SO MEAN!" humagalpak sa tawa ang lintik kong bestfriend. Nakapajamas na ito, magsisleepover parin siya sa bahay naming hanggang sa linggo.

"Para ka kasing engot jan eh. Pumasok ka na." inirapan ko siya papasok. Sasabihin ko ba kay Bella? Or masyado pang premature ang feelings ko? Siguro baka hindi ito magtatagal, this is just a fad, once masanay na ako, mawawala rin 'to.

“Sino yung naghatid?” nginuso ni Bella ang tahimik na kalye kung saan dumaan si Gabriel.

“Gabriel.” I said before going inside.

“Talaga? Iba na yan ah. May something na ba?” natawa ako sa sinabi niya. Gabriel is just a misunderstood ‘friend’, no more, no less.

“Gaga! Wala noh.”

“O baka naman wala kasi si na kay Patrick na?” biglang napanganga ako sa sinabi niya. Biglang bumilis ang tibok ng pulso ko. Magkakaaltaprsyon na ata ako sa pagtatago ng feelings ko eh.

“Hoy! Wala ah! No way!” sabat ko sa tumatawa kong kaibigan. Ay naku!

“Bakit defensive ka? Halata ka masyado.” Sabi niya bago ko siya binatukan.

Naka-assemble kami sa tambayan sa school after our last period, maaga natapos ang mga klase naming kaya alas dos palang ay nakahanda na kami. Maingay ang mga kasama ni Ethan, nakabusangot akong nakaupo sa concrete table ng tambayan. Tatlong magagandang babae ang dala ni Ethan ngayon. Hay! Ang bobobo naman ng mga babaeng ito para magpauto sa sagad sa butong pagkaplayboy ni Ethan. Si Aiden naman ay nakikipag-usap sa isa sa mga babae ni Ethan habang suot-suot parin ang beats na headphones, may gitara ding nakasabit sa likod niya.

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon