Chapter 12 - Somewhere Between

110 2 0
                                    

Chapter 12 – Somewhere Between

Nanlaki ang mata ko. Halos maluwa ko na ang puso ko sa kaba. Napahawak ang mommy ni Patrick sa bibig nito. "Son! Seriously?"

Hindi na kinaya ng makapal kong mukha ang hiyang inabot ko. This guy is certainly a freak!

Napahawak si Patrick sa tiyan sabay hagalpak sa tawa. What's with this guy?! Naluto na ata ang utak ko sa init ng ulo ko pero kung makatawa ito ay parang walang masamang sinabi!

"Joke! You should have seen your face. Priceless!" Iniwan niya akong nakatunganga at inakbayan ang mommy niyang halos magka-altapresyon sa gulat. Ang bata pa namin para magboyfriend. Hindi pa nga ako nagdedebut!

Kung pisikalan pa lang ang mga pagmumurang pabalik-balik sa isip ko malamang pumutok na ang mukha nang Patrick na yun! Langya! Kinabahan ako dun ah.

Nakarating kami sa isang mall. Kumuha agad ng tiket si Patrick pagkarating namin.

“Iha. I hope you and Patrick will be very good friends. I know he’s been obsessing with some girl noon. But I hope ikaw na ang makakapagbago sa kanya.”

I can’t help but feel awkward. She really thinks we have something special.

“Ah, m-magkaibigan lang po kami ni Patrick.” Dahilan ko.

“Yeah I know, but I know my son.” She winked at kinilabutan agad ako. There’s something wrong about this.

“He’s a responsible young man. Bata pa siya pero bukas sa loob niyang tinanggap ang hamon ng papa niya sa negosyo. Such a treasure.” Dugtong niya.

Dumating bigla si Patrick habang nasisira pa ang mukha ko sa tinuran ng mama niya.

“O ma, what did you say to her? Look at her face.” Tinuro ni Patrick ang ngumingiwi kong mukha.

"Nothing anak. Are we going in?” tanong ng mama niya sabay sulyap sa tickets.

“Not yet, puno yung next screening. Let’s just go sa gamezone maybe?”

“GOOOO!” masayang pinulupot ng mama ni Patrick ang kamay niya sa mga braso namin. She was dragging us to the gamezone na parang batang sabik maglaro. Patrick took care of the tokens.

"Yey! Panalo ulit ko." nagfacepalm nalang ako habang nagtatatalon si Mrs Montero sa kabilang side. Magaling siya sa dance pad habang ako ay unang beses palang nakatuntong sa pad na’to. Pinanganak ako sa henerasyon ng teknolohiya at bumungad agad sakin ang Xbox kaisa na ang Kinect na paborito ko. So I had no time or interest to learn how to do the ‘pad’ thing.

“Tara. Let’s try basketball.” Hinila ako ni Patrick papunta dun sa machine na replica ng isang maliit na basketball. Humilera kaming tatlo sa kada machine at hinulog ang kanya-kanyang token. Bumilang ang machine at tinaga ko sa isip kong dapat mas makarami ako ngayon. At least I know this game.

Binabato ko ng wala sa sarili ang mga bola sa ring. Tumalbog-talbog ang mga ito nung una dahil hindi ko pa nakukuha ang tamang posisyon ng kamay at tanstya sa distansya but later naging madali nalang ang pagsoshoot sakin. I got high confidence on this. I chuckled in between shots seeing 22 on my score clock.

“Yey! I got 18!” sigaw ng mama ni Patrick sa gilid.

“Me, I got 32.” I’m proud, I know I’m good.

Ngunit napanganga kami nang bumaling kay Patrick.

“Whatta!” sambit ko habang hinihintay niyang matapos ang pagluwa ng tickets sa machine niya.

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon