Chapter 38 - Great Wall

89 1 0
                                    

Chapter 38 - Great Wall

Weekend at walang pasok. Gusto ko sanang sugurin si Patrick sa kung saang lupalop siya nilagay ni Lord dahil sa balita ni mama pero wala akong numero niya. He's really a darn player well I'm changing the phase of the game. Huh!

Hinanda ko na rin ang sarili ko para pumunta sa building nina Chleo dahil kukunin ko sana ang sinasabing cheke ko. Pero bigla akong napaisip. Ano kayang ginagawa ni Patrick sa building nung araw na yun? Sinastalk ba niya ako? Tsss. Napaka-assuming ko naman!

Nagtaxi nalang ako dahil nowhere to be found si Liam. Busyng busy ata sa negosyo, o babae. Inakyat ko na ang building at nadatnan kong umiiyak si Chleo.

“S-scarlet. Andyan kana pala. Sorry.” Pinahid niya ang luha niya at ngumiti sakin. Naistorbo ko pa ata ang pagdadrama niya. Tsssss.

Bigla siyang natawa, “Ang drama ko. Naiyak ako sa pang 12th week ng storya mo, yung babae sa ulan. Grabe ano, kawawa si girl? Minsan talaga ang karma.” Napalunok ako sa pag-iling niya. ”Minsan, tayo ang nahuhulog sa sarili nating bitag. Pero ang galing ng pagkakasulat talaga kay naiyak ako.” Hindi ako sumagot dahil ako nga naman yung babae sa ulan. Ayokong maging defensive kaya tatanggapin ko ang comment niya.

“Pero kung sa totoong buhay yun nangyari, feeling ko may lihim si Peter. Bakit basta-basta nalang niya iniwan si Katy? Diba, come to think of it, maaaring may kailangan siyang gawin kaya siya umalis. Idagdag mo kaya yang twist na y an?” Unang beses akong napaisip sa konsepto niya. Kinailangan ba talaga akong iwan ni Patrick ng ganun para sa mas mahalagang rason? Bakit di nalang niya sinabi sakin? Hay naku! Unnecessary thoughts.

“Scarlet, ok ka lang? Eto pala, congrats.” Inabot niya sakin ang 15,000php check. Taimtim ko itong minasdan. Hindi ako makapaniwalang I made this money from my own efforts?! Parang nagsulat lang ako sa diary tapos binayaran agad ng ganito kalaking pera!

Pagdating ng lunes ay hinanda ko na ang script ko para komprontahin ang Patrick na yun. Hmp!

“Baby.” Ngumuso si Liam sakin nang pinarada niya sa parking lot ang kotse.

“Yes?”

“Hmmm. This is weird. Pero sumabay ka lang sa agos ok? I really need your help.” Para siyang natatawang ewan.

“Anong agos?”

“Basta!” lumabas ito sa kotse, lumabas na rin ako.

Nadadaanan ko ang building ni Liam, nasa kabilang gusali pa ang Business Admin building kaya nadadamay ako sa landian niya at ng mga babae twing nagkakasabay kami. Masyadong heartthrob ang kapatid kong ‘to kaya nakakairita siyang kasama.

“Just go with the flow.” Pinatong niya ang kamay niya sa balikat ko. Sanay na ako sa lambingan naming dalawa pero parang alam ko na ang gusto niyang gawin.

“How was your weekend baby?” malakas na tanong niya sakin. Ngumiti ako at sinabayan siya sa trip niya. Nakita ko pang nanglumo ang mga mukha ng mga babaeng nadadaanan namin. HAHAHA. Pero after a week siguro malalaman din nilang kapatid ako ni Liam kaya wala ring kwenta.

Matagumpay siyang nakapasok sa classroom at sumabay sa mga barkada niyang puro macho papa. Nakatakas siya sa mga babaeng humuhila o humihimas sa kanya. Yun lang ang dapat malampasan namin everyday dahil pag kasama na niya ang mga barkada niya, hindi na siya dinudumog, at least marami silang dudumugin. HAHAHA!

Pagpasok ko nang classroom ay naaninaw ko agad si Patrick na nakikipaglandian sa seatmate niya. Nakikita ko naman sa kabilang banda ang ibang classmates ko na naglalaway na nakatingin sa kanya. Lumapad ang ngiti nito nang napalingon siya sa kinatatayuan ko.

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon