Chapter 41 - Second Chance

96 1 1
                                    

Chapter 41 - Second Chance

"O labas na ang first five!" sigaw ng referee pagkatapos umigting ang tenga namin sa pito niya.

Nakatayo na sa court ang mga basketball players habang nasa gitna si Patrick at Uno para sa jumpball. Unang tingin palang parang dehado na kami dahil sa sobrang tikas at taas ni Patrick. 6-footer na ata siya ngayon at parang mas humubog pa ang pangmodel na katawan nito. At halatang pambasketball ang porma.

Kanina pa masama ang tingin ni Patrick kay Uno kaya panay din ang tanong sa kung anong meron kaming dalawa dahil sa insidente kanina sa flag raising.

"Scarlet." Lumapit sa akin si Shane.

"Shane." Pormal kong sagot. Naasiwa ako sa pagngiti niya. Napakaganda niya, kamukha niya si Kristen Stewart, morena version. Hahai. RIP Self-esteem.

"Wag ka masyadong paapekto kay Patrick. He's just so playful." Babala niya sakin habang taimtim na pinanonood ang nagsestretching na si Patrick.

"Hmmm. We have been together for one year sa states and I saw what a wreck he was. You know, yung araw-araw umiinom, laging wala sa sarili." Tulala parin nitong minamasdan ang ngayo'y nakayukong si Patrick.

"Ah-I understand. I already know what kind of person he is." Sagot ko. Biglang siyang tumawa at lumingon sakin.

"You don't know him. Sa oras na naging mahina si Patrick, dalawa lang kami ang naging sandalan niya, ako at si Debbie." Napalingon ako pagkarinig ko sa pangalang Debbie. Pumito na ang referee at naagaw ni Patrick ang bola. Nagdidribble na ito papuntang courtside nila. Gayunpaman, naka focus ang atensyon ko kay Shane.

"Yung bestfriend ko na yung talaga, masyadong obsessed kay Patrick. Iniwan ba naman ako sa states dahil sinundan si Patrick dito sa pinas." Umiiling siya habang nakatulala sa kawalan.

"Alam mo bang muntikan na yung mabaliw nang lantarang nireject siya ni Patrick? Eh hindi mo naman mapipilit ang tao diba?" patuloy ito sa pag-iling.

"So why are you telling me this?" tanong ko sabay lingon sa mga nagalalaro. May dalawang lamang ang team nina Patrick.

"Masyado siyang nasaktan sa kung anong bagay na naiwan niya dito sa pinas. Araw-araw umiinom at dahil likas na lapitin ng babae kahit sino nalang ang tsumatsansing sa kanya hanggang sa dumating ang araw na pumatol na rin siya. Though always hear him cry. Kawawang nilalang." Kinurot ang puso ko habang tinitingnan si Patrick na sumisenyas sa mga kasama niya.

"Ang totoo, ipapakasal dapat sila ni Debbie pero dito palang, hindi na pumayag si Patrick. Nangako siya sa papa niya na isasalba niya ang nalulugi nilang hotels basta wag lang siyang itali sa kung sino. Pumayag ang papa ni Patrick pero naging kondisyon ang pananatili niya sa New York para mag-aral. Biglaan nga iyon na hindi na nakapagpaalam si Patrick, hindi nga kami nakapaghanda sa bahay." Tumawa ito.

"Huh? Sa bahay nyo tumira si Patrick?" pagtataka ko.

"Oo, ayaw ng papa niya na mag-isang mamuhay si Patrick at si Ace sa bahay nila kaya sa bahay namin sila tumira. Kakatuwa nga sana kaya lang sobrang kawawa 'tong pinsang kong 'to." Huh? Ano daw?

"P-pinsan?" kumunot ang noo ko. Hindi ko na nasusubaybayan ang laro dahil nakatuon na ang buong atensyon ko kay Shane.

"Oo, Shane Montero Madrigal." Ngumisi ito at inabot ang palad niya. Kinuha ko narin yun at gumanti ng ngiti. All this time, I thought may kung anong relasyon si Patrick sa kanya, ganun pala, magpinsan!

"I know who you are that's why I'm telling you this, but still, beware." sinundan ko ng tingin si Shane habang lumalakad palayo.

So ganun pala yun, hindi pumayag si Patrick na ipakasal kaya nakipagdeal siyang mag-aral sa Amerika. Napalingon ulit ako kay Patrick na pawisan na't dinidribble ang bola. Sumikip ang dibdib ko na gusto ko siyang yakapin.

Minabuti kong lumayas muna sa gym para pahupain ang kurot sa puso ko. Sunud-sunod ang buntung hininga ko sa mga narinig ko.

"S-scarlet." Napalingon ako at tumambad ang mukha ni Paul aka potential stalker. Umupo ito sa kabilang dulo ng bench na kinauupuan ko. May malaking salamin siya sa mata pero gwapo naman. Inabot niya ang isang pulang rosas na may pre-written messages sa card.

"Paul, wag ka nang magpadala pls. Nalalanta lang yung mga bulaklak, sayang naman. Tsaka may isa ka na kanina diba?"

Nagtataka ang mukha ni Paul. "Huh? H-hindi naman ako nagpadala kanina? Ngayon lang." binalandra niya sa mukha ko ang pulang rosas niya, tinaggap ko na rin.

"Hindi, ito pa nga yung iba eh." Kinulikot ko ang bag ko na may tatlong puting rosas na nadaganan na ng mga notebooks na dala ko.

"O diba ito." Binasa ko ang mensahe na nakasulat kamay. "A flower cannot blossom without sunshine, and man cannot live without love. You're my love and I can't live without you." Biglang nanlaki ang mata ko. Hindi naman nakasulat ang pangalan ni Paul ah? Tanging '-P' lang.

Hinalungkat ko pa ang dalawang puting rosas sa bag ko.

How are you? I've long to hold you. Sana sa pagkakataong hawakan mo ang mga kamay ko, hindi ka na bumitaw dahil ako hinding-hindi na.

PS. Hindi na kuha sa internet to ha. -P

Nababasa na ng luha ang mga mata ko. Ang tanga ko naman, kaya pala lagi nalang siyang nagrereact kung pinapakealaman ni Bella ang mga bulaklak!

Hope you can give me a second chance. I'll let you win if this is just another game. I'll always let you win Scarlet just as long as you're beside me.

Nagsipatakan na nga ang mag luha sa mata ko nang basahin ko ang huling card na yun. Kanina pa yun binigay yun eh. Tsaka, sulat kamay talaga ni Patrick 'to sigurado.

Inabot ni Paul ang panyo niya sakin. Sobrang saya ang nararamdaman ko na para akong sasabog sa tuwa. MAHAL KO TALAGA SI PATRICK. Sh1t, it has been 2 years and I still love the same man? Shucks! Bigla ko nalang niyakap si Paul.

"Sorry Paul pero may iba na akong mahal. Sorry." Humahagulgol akong nakayakap kay Paul. Hinimas nito ang likod ko.

"I understand Scarlet. I'm happy when you're happy."

Ngunit biglang may humablot kay Paul at sinuntok ito sa mukha. Napahandusay si Paul sa lupa na agad ko namang tinugunan.

"ANO BA?!" tumambad sakin ang galit na galit na mukha ni Patrick. Basa pa ito sa pawis galing sa paglalaro, nanlilisik ang mga mata niya at nakakuyom pa ang mga kamao.

"WHAT THE FVCK SCARLET! Hanggang kelan mo ba ako sasaktan?!" tumalikod ito at lumakad palayo samin.

Too impulsive that man!

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon