Chapter 20 - Weakness

109 2 0
                                    

Chapter 20 - Weakness

   
   
Para akong nakalunok ng isang malaking bato. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok nang ibulong niya sakin yun. Paksyeeet!

Nakatingin lang ako sa notes ko all d time. Pinipilit kong hulihin ang concentration ko. Brainsss!  Bumalik ka na. Parang naiwan ko ata sa bwisit kong katabi!

Bigla akong siniko ni Patrick. Napapitlag ako. Ilang sandali na pala akong nasa ibang dimension.

"Ms. del Castillo!" nanlaki ang mata ko sa tawag ni ni Mrs. de Leon. '

"M--mam?"

"I said. Give me an example of a molecule. Are you even listening?" kumunot ang noo ng guro namin. Hindi siguro sanay na hindi ako attentive sa klase niya.

Kinakabog na ako ng kaba. Hinay hinay akong tumayo. Napatunganga lang sa malaking salamin niya na nakatutok sakin. Eto naba yung tinatawag nilang Mental block? Punyeta, tinablan ako ah! Bwisit na Patrick! Hindi pwedeng araw-arawin ito.

Binubungkal ko ngayon sa isip ko ang sagot, marami namang molecules eh, anong nangyari sa utak ko?!

"Waaaattterrr" bulong ng katabi ko. Sumulyap ako sa kanya, hindi ko masyadong nakuha ang binubulong niya.

"Water." mas malinaw niyang coach.

"What's that Mr. Montero?" nakahalukipkip ang guro namin sa harapan. Nakatuon ang pansin niya kay Patrick na ewan kung tinutulungan ako o mas lalo akong pinapahamak.

Bumaling si Mrs. del Leon sakin. "So Ms. del Castillo?"

"W-water mam." tumaas ang kilay niya. Nahalata sigurong tinuturuan ako ni Patrick.

"Are you sure?" tumaas ang noo niya. Sure naman eh. Alam ko na naman yun. Naunahan lang talaga ako ng kaba.

"Yes mam." simple kong sagot.

"Ok then. Give me the elements which composes water." nainis ako bigla. It seems like walang tiwala sa sagot ko. She's like measuring if I really know the answer.

"Hydrogen and Oxygen mam." matabang kong tugon.

"Give me another molecule." bwisit! She's really testing my patience. Bakit yung iba kung magbukakbol banyad lang yung reaksyon niya, pero pag ako konting distraction lang, tinutorture na ng ganito.

I sighed. "Salt, Sodium Chloride, Sodium and Chlorine. Phosporic Acid, Hydrogen, Phosphorous and Oxygen." I blurted confidently. Kabadtrip!

"Hmmm, Ok good. You may take your seat." medyo padabog akong umupo.

It’s already dawning on me. This feeling is making me a person I don’t know. I become a stranger of my own self. Yung hindi mo alam na mahina ka pala. I think I just found my weakness.

Nagdismiss narin si Mrs. de Leon.

"Galing mo ah." sunod parin ng sunod si Patrick hanggang sa hallway. Sana naman tantanan na niya ako. Naiinis na ako masyado sa feelings na'to, sana matapos na.

"Oi..." inungusan niya ako ngayon. Napatigil ako at napakamot.

"Bakit ba?"

"Umamin ka nga sakin." napahalukipkip siya sa harapan ko. Medyo mahangin sa labas kaya mas gumulo pa ang buhok niya. Ang gwapo lang!

"Bakit ba napakamoody mo? Minsan ok ka naman, pero most of the time, ang sungit mo. Tell me, iniiwasan mo ba ako kasi may gusto ka sakin?"

Nalaglag ang panga ko sa tinuran niya. Medyo hindi na ako nagulat dahil nasabi na niya yun pero hindi ko parin alam ang dapat na reaksyon. Leche!

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon