Chapter 46 - Breaking News

92 1 0
                                    

Chapter 46 - Breaking News

“Oi, may siniseryoso ka na pala ngayon?” untag ni Shane sa hindi makapaniwalang tono. Nakasimangot ang mukha ni Patrick habang diretsong nakatitig sakin.

“Oo.” Simpleng sagot niya.

Natapos na rin ang araw at habang palakad-lakad ako sa hallway ay may biglang humatak sakin papasok ng stock room. Napasigaw ako nang tinakpan niya ang bibig ko.

“Anong ibig sabihin nun?!” dinig ko ang frustrations sa tono ng taong kaharap ko. Napabuntung-hininga nalang ako para mapawi na rin ang pagkagulat ko.

“Patrick. Kasi kailangan ko munang ihanda ang sarili ko. Si kuya, ang mga babae mo, ang… ang papa mo. Dapat isettle natin ito before we go public.” Kumunot noo niya.

“Bakit? Anong sinabi ni papa?”

“A-ah. Kasi diba, gusto ka niya para sa ibang babae. I mean, he even wanted you to marry Debbie?”

“I don’t care kung ano o sino ang gusto nila. Si Liam, kakausapin ko siya. Tsaka for God’s sake, wala akong ibang babae kundi ikaw.” Ginulo niya ang buhok niya sa inis. “You always bring that up! Pinagsisisihan ko na nga ang parte ng buhay kong yan.”

“B-baka ikaw wala na. Pero set things straight with them. Umaasa parin sila sa’yo.”

“Ok fine! I’ll give you this week. After that, no excuses, I’m owning you in public!” inis parin ang tono niya. Kahit madilim ay kitang-kita ko ang frustrations sa mukha niya. Oo na Patrick Montero, you own me since then.

Marahan kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya. Bahagya pa siyang nagulat sa ginawa ko ngunit mabilis din siyang naging komportable at pinulupot sa beywang ko ang mga kamay niya.

“Thank you.” Sambit ko bago ko siya hinalikan.

Lumalalim ang bawat halik niya. Naaadik na ata ako. Noon, ok na ako sa smacks lang pero ngayon, pag nakikita ko siya parang gusto ko siyang sugurin at abusuhin sa halik, lalo na pag napapakagat siya sa labi niya. Normal paba ‘to? Ang sarap na niyang humalik, kasi naman ang dami narin niyang experience. Nainis naman ako sa sarili ko dahil dun.

“So I’ll settle with Sarah for the meantime. Humanda ka pagkatapos nito!” pagbabanta niya bago kami lumabas sa stock room at malayang naglakad sa hallway.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging busy na rin ang lahat sa nakahandang Acquaintance party na Masquerade ang tema. Exciting siya, kaya lang naiinis ako dahil hindi ko makakasama si Patrick sa event na yun. Syempre kasama niya si Sarah. Hihihi.

“Kuya. Asan kana?”

“Papunta na diyan.”

Kanina pa ako nilalamok sa parking lot para hintayin si Liam. Ngayon ko sasabihin sa kanya ang tungkol samin ni Patrick kaya hindi na ako nagpahatid kay Patrick. Kumakalabog ang puso ko sa kaba.

“Instead of holding you, I was holding out. I should’ve let you in, but I let you down. You were the first to give, I was the first to ask. Now I’m in second place, to get a second chaaance.

“Kuya.” Nilingon ko si Liam na sumasabay sa nakakabinging kanta niya.

“Hmm?”

“May sasabihin ako.” Tinatapik niya ang steering wheel na hawak para sabayan ang beat ng rock song na dumadugundong sa kotse.

“Liam!” sigaw ko.

“O?” lumingon na ito sa wakas at pinatay ang music.

“May sasabihin nga ako.” Napakagat ako sa lowerlip ko.

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon