Chapter 3 - Natameme

149 3 0
                                    

Chapter 3 - Natameme

"I accept your challenge."

    

"Whoa! For real? So when will the game start?" puno ng excitement ang tono ni Maddie. Actually, OA ang reaksyon niya. But I'm doing this not because of that Patrick, it's because of that grumpy Gabriel. I want to give him a lesson na hindi dapat binabastos ang mga babae lalo na ang isang Scarlet del Castillo.

So what's the catch? Pwede ko namang gawin to without giving in to Maddie's challenge diba? Well, gusto ko ring matutunan ni Maddie ang lesson niya, that she is in no position to doubt my ability. Let's say, she should just watch and learn. And for Gabriel and Patrick, well tutuhugin ko kayo just like hitting two birds with one stone. Actually it’s three birds in one stone, isali na natin sa usapan si Maddie. 

Ilang ulit kong pinag-isipan ang desisyon kong iyon. Ilang beses din akong nagsisi pero sa tuwing naiisip ko ang kabastusan ni Gabriel ay mas lalong tumitindi ang kagustuhan kong turuan siya ng leksyon.

"What? Ano bang kabaliwan na naman yan Scarlet!" lukot pa sa amplaya ang mukha ni Bella. Nasanay na rin ako sa mga sermon niya. She was innocent pero mas matured siyang mag-isip sakin. Mas madalas akong gumagawa ng mapangahas na desisyon na hindi kinakaya ng puso niya. Well, ako naman talaga kasi ang mas mataas ang pangarap kaya marami akong gustong gawin habang siya itong madaling makonteto at mababaw ang kaligayahan.

"Wala kang mapapala dyan sa Maddieng yan Scare kundi sakit ng ulo. Believe me! That manipulative b*tch! Hindi na nga dapat natin yan kinakausap eh!"

"Wow ha! Sungit mo teh. Try mo ngang sabihin yan sa harapan nya para maniwala ako." ngumuso ito. Alam kong hanggang salita lang ang pagmumura ng babaeng ito dahil halos di makabasag pinggan pag iba ang kasama. Minsan nga lang sa kainosentehan ay hindi niya napapansing nagiging masyado na siyang straightforward.

"This will not hurt Bell. And you know what, I also hate Maddie and I promise, after this, she will back off."

Umiiling lang ito. "Ewan ko sa'yo. Karmahin ka jan eh."

"Wow ha, napakasupportive mo naman friend." pinisil ko ang checks niyang lagi siyang nacoconscious para magtigil sa kamalditahan niya. Umiilag pa pero huli.

“You know I don’t like this game Scare. It’s freaking me out.” Nakasimangot niyang tugon. Well, I don’t blame her, wala sa nature niya ang adventure, but me, I love it!

"Ok, Gabriel Froilan Montero. He is the son of Gabriel Montero Jr., owner of 2nd biggest winery in town. Also a son of Franchesca Navarro Montero, the well-known pastry chef na may chain of coffee shops and bakery. Hay Scare, tigilan na natin 'to." nadistract ako sa concentration ko. Sarap alugin sa ulo nitong babaeng 'to, nag-usap na kami tungkol dito pero wala paring patid ang reklamo.

"Continue please." pagtataray ko. I'm plotting a scene here kaya dapat walang istorbo sa modus ko.

Umirap si Bella pero nagpatuloy na rin. "He enjoys motorcycles. Marami siyang collection ng mga latest model ng motorsiklo at kadalasan pinapacustomize niya ang mga ito. Lahat ng mga motor niya may pangalan.  Walang sports except sa chess." Chess? Sports ba yun? Baka bakla, wag naman problema yun pag nagkataon.

"O eto na. Patrick Ryan Montero, son of the renowned Raphael Montero, owner of the largest Construction Firm in town. He also is a shareholder of many multi-million companies like Airlines, Advertising, Electric and Hotel & Restaurants. His mother, Patrriece Ortega Montero, is a freelance writer who already published sold-out fiction, non-fiction and educational books, aside from that she also owns the recently opened Print Ad Company which is a huge success and already shares big part in the market." 

"Wow, hanep ah. Galing ng mga magulang niya. Malas nga lang sa anak." singit ko. Para akong nakikinig ng narration ng MMK na walang kabuhay-buhay na sinasalaysay ni Bella.

"Naku. Baka mashock ka sa babasahin ko. Kung makapanlait ka kay Patrick." 

"Get it on girl. Kahit ano pa yan." ano bang maeexpect ko sa taong yun.

"Okies. Patrick, at 15, is already engaged in relief operations, charity movements and peace movements sponsored by his parents’ company. Madalas siyang nag-eexcuse sa mga klase niya at binibigyan lang ng special arrangement with the exams and lessons, one of those ay ang pag sit-in niya sa section namin. He is a natural-born musician who plays drums, piano and his favorite guitars. Sports is his second name, magaling siya especially sa basketball, madalas siyang nagiging MVP sa mga liga at school events. No girlfriend since fetus, mapili sa kinakausap at in fairness hindi chickboy." Tumigil si Bella para tingnan ang ekspresyon ko. Natawa agad ito sa mukhang pinakita ko.

Natameme ako dun ah. Kaya pala lagi syang umaabsent at nagcucutting classes dahil sa mga abubot ng kompanya nila. May talent din pala ang mokong. Pero No! Bakit palagi siyang nagpapass twing tinatanong ng teacher namin? I know mahina ang kokote niya.

"O ano ka ngayon? Kaya sinasabi ko sa'yo. Tigilan na natin 'to." pasingit ni Bella.

"O. Diba mas maganda. Bakit mo ba ako pinipigilan? May gusto ka ba kay Gabriel o kay Patrick?" biglang napipi si Bella. Nagtaas ako ng kilay sa pagkakatahimik niyang iyon at biglang nagconclude.

"Ahh. Huli ka! You like Patrick! Kanina, tinanong ka sakin ni Patrick, bakit di raw kita kasama. Uyyy. Namumula na siya!" napalitan ang blangkong ekspreson niya ng pagkairita, sinapak niya ako sa braso.

"Magtigil ka nga Carlota! Wala akong gusto kay Patrick!" angil niya. Nagkunwari itong umiinom ng tubig at busybusyhan. Aha, nagkakacrush na ang bestfriend ko. Pero kay Patrick? No! Hindi parin pasado, engot parin siya sa paningin ko.

So, the plot is ready. The show is cooked. GAME ON!

    

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon