Chapter 48 - Now and Forever

87 1 0
                                    

Chapter 48 Now and Forever

Masaya akong pumasok lunes ng umaga. Hindi ko na rin inaway si Liam sa pag-aapura niya sa akin dahil late na akong lumabas. Trip kong magpaganda ng todo dahil sa ideyang makikita ko na naman si Patrick, sumisigla ang sistema ko although pinagsabihan ko siyang less yakap at less halik kami dahil ayoko ng PDA at ayaw din ni Liam. Nanlumo siya sa narinig niya pero pumayag parin naman.

"Bakit ganyan suot mo?" nihead to foot ako ni Liam. Pinuna niya ang above-the-knee kong pink dress. Minsan lang kasi akong magdress kaya medyo OA magreact.

"Wala lang. Bawal?" marami namang nagdidress sa school naming walang uniform. May mga mas masahol pa nga yung suot eh lalo na yung mga models.

Dinaanan na naman namin ang mga babae sa building nina Liam. Nagulat ako kasi hindi parin nila nalalamang magkapatid kami.

"Balita ko pumunta si Liam sa party ng Business? Siya ata ang sinamahan." dinig kong chismisan sa gilid.

"Kuya. Hanggang ngayon ba hindi nila alam na magkapatid tayo?" bulong ko sa kuya kong bagong gupit. Nagkibit-balikat lang ito nang biglang dumating si Bella at pinulupot ang kamay niya sa braso ko.

"Scare. Hi Liam!" kumaway ito sa kapatid kong iniwan na namin, dumiretso narin kami sa building namin.

"Scarlet." Harang samin ng isang magandang babae. Mahinhin siyang tingnan at may natural na kulot na buhok.

"Hi." Sagot ko sa nakayukong babae sa harap ko.

"Ano. K-kasi. Kayo ni Liam diba?" hindi makatingin ng diretso ang babae sa akin. Hindi ko siya masagot.

"Pero bakit nakikipaglampungan ka kay Patrick?!" biglang nag-iba ang ekspresyon niya. May galit at pandidiri ang bumabahid sa mukha niya.

"Hey girl. Wala kang alam. Kanino ka ba fan, kay Liam o Patrick?" singit ng bestfriend kong nahighblood yata.

"It doesn't matter. Parang n-nakakahiya kasi kung ganun. Just view me as a concern citizen." Totoo naman talaga ang sinabi ng babae kasi mapagkakamalan akong malandi, pero syempre hindi naman ako affected kasi sa oras na malaman nilang kapatid ko si Liam mapapahiya lang ang mga iyon. And I don't care about what other people say. Pero hinatak ko parin ang babae.

"Thanks. I know. Pero sekreto lang ito ha. Kapatid ko si Liam." Nanlaki ang mata ng babae.

"M-magkapatid kayo?"

"Yep, same blood runs in our veins." Napafacepalm ang babae. Hindi ako sigurado kung bakit pero sa tingin ko ay may nagawa siyang hindi niya dapat ginawa.

"Hay naku Scarlet kasi naman ang gwapo ng kuya mo. Pinagdidiskitahan ka tuloy ng maraming babae. Hindi pa kasali ang boyfriend mo dyan ah!" talak ng talak parin si Bella hanggang makarating kami sa classroom.

"Sana ako nalang ang dinadala niya araw-araw at hindi ikaw! Ang gwapo kasi niya." Tumatawa na ang baliw kong kaibigan.

"Bella! May hidden desire ka ba sa kanya?! Nakakapandiri ka!" I threw her a disgusted look. Halimaw kaya yung kuya kong yun.

"Joke lang!" pinandilatan niya ako.

"Sino ba yan Scarlet?!" nagulat ako sa boses ni Patrick sa likod. Nakarating na pala siya, hindi ko napansin.

"Lage ko nalang naririnig yang lalakeng sinasabi ni Bella. May mga nanliligaw parin ba sa'yo? Gusto ba nilang magpasuntok!" umalingawngaw sa buong room ang boses ni Patrick. Natigilan sa pagchichismisan ang mga kaklase ko.

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon