Chapter 50 - Mga Babae

82 0 0
                                    

Chapter 50 – Mga Babae

"Dito." Kumunot ang noo ni Patrick nang pumasok kami sa building kung saan nagtatrabaho si Chleo. Naisipan naming maagang pumunta dahil may practice pa ako mamaya.

"Anong gagawin mo dito?" tanong niya habang pinipindot ko ang "22".

"Basta." Simple kong sagot, bigla kong naalala ang pagsulpot dito noon ni Patrick.

"Teka, anong ginagawa mo dito nung unang beses na nagkita tayo? Dito nagtatrabaho yung babae mo ano?" Hindi ko mapigilang magtunog bitter kahit alam kong hindi pa kami ni Patrick noon. Ngumisi lang siya sakin.

"Oo, dito." Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Ni hindi man lang niya dineny! Kainis!

Nakarating na kami sa opisina ni Chleo, may kausap siya sa loob ng silid niya kaya pinaupo muna ako ng sekretayra. Maganda siya at mukhang dalaga pa. Tamad na nakasunod sakin si Patrick na kanina pa iniikot ang paningin sa buong opisina. Nakita ko pang nataranta ang sekretarya sa pagdating ni Patrick.

"S-sir Patrick." Yumuko ito para bumati. Halata ang pagkislap ng mga mata ng sekretary. Nag-init na ng tuluyan ang ulo ko at tinawag si Patrick.

"Babe. Dito ka." Nagulat si Patrick sa ginamit kong term. Nakatunganga ito habang lumalapit sakin.

"Siya ba yun?!" tinaasan ko siya ng kilay at sinulyapan ang sekretaryang pangiti-ngiti sa mesa niya.

"Mmmm. Tinatawag mo lang naman akong Babe kung nagseselos ka." Ngumuso ito sa sakin. Naaninag ko ang nagtatampong mukha niya pero hindi ko pinansin dahil lumabas na si Chleo sa opisina niya para salubungin ako. Pero imbes na ako ang batiin niya ay si Patrick ang sinalubong niya habang nanlalaki ang mga mata.

"O my Gosh Patrick my dear!" niyakap niya si Patrick – his dear. Ako naman ngayon ang nagulat.

"Napadaan ka?" tanong ni Chleo sa naaasiwang si Patrick.

"Nagpasama yung girlfriend ko." Lumayo si Patrick kay Chleo at tinuro ako. Nakita ko ang malaking 'O' ang bibig ni Chleo. Dumapo ang mga kamay niya sa bibig niya at pabalik-balik kaming tiningnan ni Patrick.

"Selos much!" ngumuso si Chleo samin. "Anyways, come come Scarlet, madam wants to meet you." Tumayo ako at sumunod sa pakindat-kindat na si Chleo, ngumisi na rin si Patrick at sumunod samin sa loob. Urghhh! This is not right, pero selos much din ako. Lols!

Hindi ko muna ginambala ang sarili ko sa pagtatanong kung bakit magkakilala ang dalawa dahil medyo kabado akong makita si madam. Nakarating na kami sa silid habang nakasunod parin si Patrick. Naaninag ko agad ang nakatalikod na seksing babaeng naka little black dress. Likod palang parang nakakatakot na sa kaartehan baka hindi niya ako magustuhan. Lumingon ito sa amin at binalandra ang malaki na may halong gulat na ngiti. Ngunit hindi lang siya ang nagulat, maging ako ay gulat na gulat!

"Oh My God! Nagkabalikan kayo?!" napahawak din siya sa kanyang bibig. "I am so happy! Thank God". Tinapik niya ang noo niya.

Lumapit siya samin sa pormang yayakapin niya kami.

"You finally won her back huh?" sabay yakap kay Patrick.

"Of course Ma, ako pa! Scarlet, siya yung sinasabi kong babae kong nagtatrabaho dito." Matama niya akong nginisihan, alam niyang inis ako kanina sa sinabi niya. Medyo na-awkward ako sa mga kaganapan, all this time alam ng mama ni Patrick na true to life story ang ginawa ko? And worse, malamang si Patrick din ay may alam na?! I can't help but feel uncomfortable.

"You're so sweet" kinurot niya ang pisngi ng anak niya.

"You have such a beautiful story Scarlet kaya we want to extend your contract. Sikat ka na, kayo!" nag-init ang pisngi ko sa sinabi ng mama ni Patrick. Kinikilig siya habang sinasabi iyong lahat.

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon