Chapter 13 - Rainbows & Butterflies

107 3 0
                                    

Chapter 13 - Rainbows & Butterflies

"Hi Pretty girl!" pangungulit ni Bella sa akin pagdating sa school. Medyo naglagay ako ng onting blush-on at lipgloss, wala lang naisipan ko lang lagyan ng buhay ang mukha ko. Pero in fairness naman sa natural beauty ko, minsan lang akong magmakeup per normal na talaga ang kaputian ko, di nga lang kasing puti ni Bella though tama lang ito sa mga features ko.

Minsan naiisip ko, bakit nga ba marami paring lumalapit sakin? Hindi sa pagmamayabang, kaya siguro galit sakin ang ibang mga kaklase ko ito’y dahil sa effortless kong ‘beauty’, dinadaan nalang nila sa paseksihan kasi alam nilang hindi nila ako kaya sa pagandahan. Sa fashion kasi, comfy over style gusto ko kaya madalas akong nagpapants, hindi din naman ako pumupunta ng school para magmodelmodelan.

Ewan ko lang talaga, I’m not even the friendly type, I only choose the ones I want to talk to. Magmula nung bata ako ay wala akong masyadong kinakausap na ibang tao. Mahilig akong magstereotype, boys if not geeks are assh0les and girls if not feeling inferior are b!tches. Though I don’t know to which type I belong.

"Duh, Bell. Kumusta naman ‘to kompara sa mga kaklase nating kada Segundo kung buksan ang face powder?" I fixed the hair that fell down from my bun. It is a happy day and I don’t know why.

“May point ka dyan.” Tumawa siya habang pinapasadahan ng tingin ang mga kaklase naming maiingay.

Binuklat ko ang notebook ko para magreview ng leksyon namin ngayon nang bigla kong maalala ang imbetasyon ni Gabriel.

“Ai sya nga pala! Magdala ka na ng gamit bukas ha. Tomorrow na yung outing natin.”

“Yeah right. Pero gagawin mo parin yung plano mo? Give it up Scare.” Humalukipkip siya sa tabi habang inuusisa ang notebooks kong puno ng post-it.

“Come what may Bell. Let’s see.”

“Hmp, maghinay ka nga. Baka magsisi ka tulad nung sa crush mo noong Grade 7, si Cash ba yun? Hihi.”

I rolled my eyes on her.

“Excuse me, hindi ako nagsisi. Saving the shuttle cock from the tree is not as great as my Knight & Shining Armor. Dadating din siya.”

“Hay naku! Ayan na naman si Knight & Shining Armor, hindi na yun magkakatotoo. Love is not always rainbows and butterflies Scare. Grow up.”

“Whatever Bell.

Mabilis namang natapos ang araw but I’m unbelievably ecstatic. Palinga-linga ako sa paligid checking out something, ahhhm, someone? Dumako nalang kami ni Bella sa mga lockers namin, tatlong araw ko nang hindi nabibisita ito since nung pinaulanan ako ng ‘dedications’. Pero nagulat nalang ako't nakita itong malinis. Binuksan ko at isang note ang halatang sinuksuk sa butas. (Ok the sentence is awkward. hihi)

'We took care of it. -P.' ang sabi sa note.

P?

Umusbong ang katakot-takot na kalabog sa puso ko.

‘P’ lang ang nakita ko pero bigla akong binulabog ng kaba! May drum ba sa puso ko't bakit parang dinig na dinig ko ang bawat tibok nito? Paulit-ulit nalang. Oo na, alam ko na kung sino pero fvck, I don’t even have to know his full name to make me shake like this!

Whatever this freaking palpitations means, it's not meant to grow! No freaking way will I associate myself with a**holes. Pero diba parang hindi naman ganun si Patrick? Diba parang napatunayan na naman niyang hindi? Habang lumilipas ang mga araw at mas lalo ko siyang nakikilala ay sapol na sapol ako sa pagkahulog sa butas ng pag-ibig niya. Ayan na! Pag-ibig na talaga.

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon