Chapter 16 - Look Up

106 3 0
                                    

Chapter 16 - Look Up

 

Hinawakan ko ang nag-aalburoto kong tiyan. Hindi naman ako gutom or gassy pero parang pakiramdam ko ay may nagdidisco sa loob. Nagkakantahan na sina Ethan at yung mga babae habang nagigitara si Aiden, si Gabriel naman ay hindi ko marinig kung asan pati narin si Patrick. Siguro pumunta dun sa bar para uminom, di naman din kasi ako sumusulyap sa dako nila kaya nanghuhula nalang ako. Nakatunganga lang ako sa madilim na dagat para iwasang tumingin sa direksyon nila, baka aksidenteng mahagip ko pa ang tingin niya’t mamula ako sa hiya. Napagtanto kong lumalalim na ang gabi, matatapos na nga ang araw at hindi man lang kami nakapag-usap dalawa, hindi ko mawari kung may away ba kami o something pero ang alam ko ay ayaw ko rin siyang kausapin dahil naiinis ako.

Sinisi ko agad ang sarili ko. Ayan kasi, nahulog pa sa isang taong alam kong hindi naman ako kayang saluhin o kung kaya man ay hinding-hindi talaga ako sasaluhin.

Nilingon ko si Bella at kausap pa rin niya ang mga magulang niya sa phone. Humugot ako ng malalim na hininga at minabuti nalang na tumayo at magwalkout sa nakaka-OPng eksena.

Kinagat ko ang tali ko sa buhok at pinagsalikop ang mahaba kong buhok para talian. Bumagsak sa bugkos ang bangs kung medyo tumutubo na. Dinampot ko ang tsinelas ko at imbes na suotin iyon ay naglakad ako palayo ng nakapaa. Binabaon ko ang mga paa ko sa bawat hakbang na ginagawa ko dahil nakakarelax ng mainit na ulo ang lamig na dala nito.

"San ka pupunta?" napatunganga ako habang tinitingnan si Patrick na patakbong tinutungo ang direksyon ko. Tinalikuran ko siya at nagpatuloy sa paglalakad. Ewan ko ba, naiinis ako pero imbes na inis ang maramdaman ko ay abot-abot na kaba ang pumeste sakin.

“Oy!” hinabol niya ako.

"Just wanted some air. Wag mo nga akong sundan." hindi ko na alam kung san na ako nakarating sa mga hakbang ko basta gusto kong lumayas sa sitwasyong ito. I awful! Pero halos mapatalon ako nang bigla siyang sumulpot sa tabi ko at inakbayan ako.

"Ano ba! Pwede ba. Wala tayo sa school so we're not a couple. We're not even friends." marahas kong hinawi ang kamay niya sa balikat ko. Biglaang bumalik ang inis na naramdaman ko dahil hindi ko siya matiis. Kahit sabi kong umalis siya, ang totoo, gusto kong umalis kasama siya.

"Grabe ka naman. May konti naman tayong pinagsamahan, kahit friends hindi pwede? Ang lupit mo naman." napatigil ako. Nilingon ko siya. Kani-kanina lang hindi niya ako pinapansin pero ngayon kung bumuntot naman!

Nagkibit balikat lang ito at ngumisi. He's bluffing! Pero naiinis ako sa nunal niyang gumagalaw sa bawat pagngisi at pagsimangot niya. Naiinis ako sa buhok niyang magulo pero seksi, sa mata niyang mapungay at expressive. Nakakainis ang mala-demonyo o mala-anghel niyang pagmumukha!

"Urgh!" tinalikuran ko ulit siya at inirapan ngunit hinawakan niya ang kamay ko. Parang kidlat na dumaloy ang kuryente sa buong katawan ko parang may fireworks sa loob ng tiyan ko. Napako ako at hindi makagalaw.

"Scarlet. May problema ka ba sakin? Gusto ko lang naman makipagkaibigan." napalingon ako and I can see sadness in his eyes. Hindi mahirap basahin ang mga sinasabi ng mga mata niya, they're too expressive that I can read his soul. Napatingin ako sa kamay ko.

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon