Chapter 36 - Dejavu

96 0 0
                                    

Chapter 36 - Dejavu

Tumakbo ako hanggang sa mapagod. Kailangan kong itatak sa sarili ko na wala na akong aasahan sa amin ni Patrick.

But I can't help but wonder. Hindi pa ba siya kasal? Kung gayun man, too bad he has become 'someone' else. I reckon nagiging katulad na siya ng kuya ko (noon).

“Ouch!” napaupo ako sa curb ng kalsada, ang sakit ng paa ko, may sugat na ata. Pero yun oh, limang kanto pa ang bahay namin, pero sakit sa bulsang magtaxi, ayoko namang tawagin si Liam para sunduin ako dahil I'm sure, sesermonan lang ako nun! At trip kong madurog ang paa ko sa kalalakad!

Nagpapahinga ako ng konti sa gilid ng kalsada nang dumaan ang isang Mercedes Benz. Dumungo ako agad para di ako mapansin.

KREEEEEEK!

Tunog ng break. Napansin niya ata ako! Umaatras ito, kitang-kita ko ang nakakunot-noong expression niya dahil nakababa ang convertible top ng kotse niya. Pero mas maasim ang mukha ng babaeng sakay niya.

“Anong ginagawa mo dyan?” tanong niya at tumingin pa talaga sa legs ko! Pinagdikit ko ang mga hita ko. Manyak ‘to!

“Nagpapahinga.” Matabang kong tugon. Nakakaturn-off naman ang kamanyakan nito. Parang ayokong isiping naging syota ko siya noon.

“Sumabay ka na” dumiretso siya ng tingin. Biglang sumariwa ang kahapon sakin. Pero yung pakiramdam ng pagkainis sa t’wing nakikita ko siya, yun ang nagfaflashback.

“No worries. I can handle.” Tumayo ako at nagsimulang maglakad. Pero parang napunit na ata ang balat ko sa paa. Ang hapdi! May paltos na ata. Pero inayos ko pa rin ang paglalakad. Para akong robot. Errrr.

Pero lumabas siya sa kotse niya at hinila ako papasok. Nasa backseat agad ako. Nalaglagan agad ng panga ang babaeng kasama niya parang yung tipong nagseselos.

“Hindi kita ihahatid kaya wag kang mag-inarte.” Ako naman ngayon ang nalaglagan ng panga. KAPALMUKS! Mag-inarte ka dyan!

Hindi ako nagsalita. Ibibigay ko ang araw na'to sa kanya. Though I dismissed the thoughts of saying thank you to him. Next time nalang pag di siya nag-iinarteng kung sino.

Tinitingnan ko nalang ang kamay niyang hinihimas ang batok ng morenang babae. Umaarte namang nakikiliti ang babae. “Ano ka ba.” Sabay ng marahang hampas sa binti ni Patrick. Umirap na talaga ko. NAKAKASUKA NA DITO!

Biglang nagring ang cellphone ko. Nakita kong tumatawag si Liam. Mainit parin ang ulo ko kaya ang sarap pagbuntunan ng galit ang kapatid ko!

“Hello baby?” malambing niyang tugon.

“O?” sa medyo aburidong tono.

"Ahmm. This is really important, can I borrow a shirt and pants from you?” biglang kumulo ang dugo ko! Isa pa ‘to! Lord, tinitest nyo ba ang pasensya ko?

“Baby?”

“Wag mo nga akong mababy-baby. Kung di lang talaga kita…Tsss” bakit ang sarap magwala? Biglang nagkatinginan kami ni Patrick sa rear view mirror niya, umiwas lang naman agad siya ng tingin.

“No. it’s not what you think. Iba ‘to. Please baby.”

“Oo na, oo na. Hintayin mo ako dyan.”

Nagpadrop ako kay Patrick sa sakayan ng tricycle na isang kanto lang ang layo sa bahay kaya nilakad ko nalang. Pagkarating ko sa bahay ay nakita kong nakapark ang motor ni Gabriel. Nasa hapag na sila pagpasok ko maliban kay Liam. Pumasok ako sa kwarto, kumuha ng gamit at kinatok si Liam. Nasa phone siya at parang galit na galit. Inabot ko lang ang gamit ko ng walang tanong-tanong.

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon