Chapter 8 - Don't Mess With Her

134 2 0
                                    

Chapter 8 - Don't Mess With Her 

   

"What?! Pretend girlfriend? Are you out of your mind?! Naisip mo bang may dalawang taon pa tayo bago grumaduate? That means, you will be his girlfriend for 2 years. Not unless magpretend breakup kayo which is then sasalubungin ka ng hukbo ng mga mahaderang fangirls na yun!" naghuhuramentado si Bella sa loob ng kwarto ko. Even me, I feel lost. Natatakot akong baka I’m just clouded by my emotions, baka pagsisihan ko lang ang mga naging desisyon ko.

"Look Bell. I know you like Patrick, but promise, everything will just be fake. Kailangan kong gawin 'to, my name is at stake. I don't want to let that Maddie win and ruin my life!" tinapon ko ang sarili ko paupo sa kama.

"Excuse me. Wala akong gusto kay Patrick. Naiirita lang talaga ako sa presence nila." tinitigan ko siya ng mabuti pero umiwas siya. Liar!

"Anyways, may gusto ka man o wala, I'm not getting 'that' close to that guy. I'm not even attracted to dull people. Gusto ko yung smart." sinabi ko yung salitang 'that' habang pinagdidikit ang dalawang hintuturo ko. Pero may kung anong bato ang sumasagabal sa lalamunan ko. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako sa t’wing may sinasabi akong hindi maganda tungkol kay Patrick o t’wing binibiro ko si Bella tungkol sa kanya.

"Hindi nga bobo yun. Tamad lang siguro minsan." pasingit ni Bella.

"Ganun rin yun." pairap kong sabat. Pinipilit kong maging tulad ng dati, ayokong maapektuhan sa mga iniisip ko. It’s not healthy.

                                                                                                                                                 

"HAYYY! Mabuti nalang talaga isang linggo 'tong activity ano. Kakatamad mag-aral." sinisimot ko ang binili kong drumstick habang naglalakad kami ni Bella sa hallway. Tumango lang siya na halatang nahihirapan sa drumstick niyang tumutulo na sa mga daliri niya. Stickiness!

Nakaheels ulit ako dahil nawala na naman din yung sakit, although may konting kirot pero nakakaya narin sa lakaran. Pinilit kong mag-isip ng maayos kahit nahahagip parin ng utak ko ang takot, takot na baka may mas malala pang pananakit at pang-iinsulto ang gawin sakin. Pati na rin ang usapan namin ni Patrick. Hindi ko pa siya nitext, wala din naman siyang text sa akin, hindi ko alam kung anong klaseng reaksyon ang ipapakita ko sa pagkakataong magkikita kami ulit.

Nakalutang pa ang iniisip ko nang marahas na hinablot ang buhok ko. Umikot ang mundo ko at sumemplang ako sa lupa pero patuloy parin ang pananabunot sakin.

"ARAYYYYY! SH1T!" pakiramdam ko ay makakalbo na ako! Tulong! Sinubukan kong bawiin sa kamay ng babae ang buhok ko pero parang nagkabuhul-buhol na ata sa daliri niya dun. Dapak!

"Yan ang bagay sa'yo. Akala mo makakawala ka sa pambubuhos mo ng juice sa mukha ko!" now I know who's speaking. Biglang kumulo ang dugo kaya buong lakas kong hinawi ang kamay niya at hinampas ang mukha niya ng librong hawak-hawak ko, yung tipong hampas na dudugo yung ilong niya.

Nakakatawa siyang tingnan habang na-a-outbalance sa ginawa ko. Parang tanga lang.

"You b1tch!" ayan na! Sinugod na ako ng monster pero this time lima na sila. Punyeta! Asan naba si Bella? Shocks! Wala bang guard ang school na'to, ansakit na ng anit ko! Shiiiiit! I again landed on the ground, I sprained my ankle again! Hindi na kinaya ang digmaan.

"Anong ginagawa niyo?!" a mighty voice from behind. Hallelluiah! Inayos ko ang nagkabuhul-buhol kong buhok. Para silang nakakita ng demonyo, OA ang pagkakanganga ng bunganga ni Maddie, kabaliktaran naman ang uber na pagkakanguso ni Ynna

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon