Chapter 19 - Bizarre Love Triangle

110 2 0
                                    

Chapter 19 – Bizarre Love Triangle

Mabilis kong tinungo ang cafeteria dahil ginutom ako dahil sa inis.

"Scarlet!" nairita sa tawag galing sa likod. Inis na inis ang utak ko sa pagmumukha nila. Hindi pa ako nakaramdam ng ganito katinding inis noon sa mga taong wala namang nagawang mali sakin. Urgh!

"Scarlet!"

Kiniliti ang puso ko dahil sa pagsunod niya. I felt so special and important. Gayunpman, minabuti kong alisin ang sayang nararamdamang ito, masyado lang akong mahina, I need to be firm and I have to remember that this time, I hate him.

"ANO?!" galit kong tono. Marahas akong lumingon para harapin si Patrick ngunit bumulaga sakin ang mukha ni Gabriel.

Hindi ko maintindihan pero matinding panlulumo ang namutawi sa akin. My heart sank the moment I knew that it was not Patrick.

"M-may problema ba?" nagulat ko din ata siya. Nahimasmasan tuloy ako sa kinatatayuan ko.

I cleared my throat and flashed a big smile.  

"Ay, sorry sorry. Akala ko kasi y-yung makulit kong kaklase." nagpuppy eyes ako sa kanya. Nabigla ko pa tuloy to dahil sa kumag na yun!

Tumaas ang kilay niya.

"Anong makulit? Nililigawan ka?"

Hindi ko maiwasang maging awkward sa tanong niya. Ayokong mag-assume pero pakiramdam ko ay iniisip niyang may ibang lalakeng pumuporma sakin. He said he like me so it’s not bad to assume he’s acting – jealous.

"H-hah? Hindi ah." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, ayokong maramdaman niyang na-aawkward ako sa kanya. Ayokong magkalamat ang pagkakaibigan namin dahil sa ipinagtapat niya sakin.

"Good. Tara cafeteria tayo. Libre kita." hinawakan niya ang braso ko. Parang niya akong kinakaladkad dahil nagdadalawang isip pa akong sumama pero I keep up with his steps. Lahat nalang ng tao gusto akong ilibre, ano ba ako, hampaslupa?

"Araw-araw kitang ititreat ha, twing recess." Nilapag niya ang tray na may sandwich at juice at malapad na ngumiti, kitang-kita ang nakakapanghinang dimples niya.

"Wag namang ganun Gabriel. May pang recess naman ako. Tsaka minsan hindi ako nagbibreak." tinablan na ata ako ng hiya. Alam kong dumadamoves na 'to. Madali lang basahin ang mga lalake minsan. And I can see it on how he stares at me.

Sumimangot ito, humalukipkip at sumandal sa bangko habang tinitingnan akong kinakagat ang sandwich na binili niya. Sobrang nakakailang ang sitwasyon ko, ni hindi man lang niya ginalaw ang pagkain niya. Nakikita ko sa peripheral view ang mga tsismosa sa kabilang table. Baka machismis akong nag-totwo time, lagot ako!

"Sca-" patakbong dumating si Patrick. Pareho naming siyang nilingon si Gabriel. Gulat ang ekspresyon ng mukha nito nang makita kaming dalawa.

"Patrick, dali, kain tayo." aya ni Gabriel.

Mabagal na lumapit sa amin si Patrick parang may sinusuri o whatever. Tumabi ito sakin at tinaas ang kamay niya sa sandalan ng upuan ko. Napatingin si Gabriel sa ginawang iyon ni Patrick. I can sense a tension right here.

"Bro, alam ko na nagkukunwari kayo ni Scarlet na magboyfrriend, I respect that, because it's for her. But I just want you to know that, I'm courting her."

Napaawang ako sa tinugon ni Gabriel. Alam ko namang sinabi niyang like niya ako pero ngayon ko lang nalaman na manliligaw pala siya. Umiecho ang boses niya sa utak ko. This is all messed up! Me, tangled with a bizarre love triangle with these cousins.

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon