Chapter 2 - Challenge

194 2 0
                                    

Chapter 2 - Challenge

Patrick Ryan Montero. I remember him from my PE class last year. Madalas siyang magcutting classes at medyo mahina ang utak, laging nagpapass kung tinatanong. Ewan ko kung anong ginawa nya't umabot pa ng Grade 10, baka binabayaran niya ang mga teachers. Napailing ako sa research ko. Medyo naintriga ako sa kanya dahil sa makahulugang niyang titig at ngisi niya sakin. May iniisip ba siyang masama tungkol sakin? Why do I have this feeling na gusto kong malaman ang nasa utak niya? Am I even sure? Ayoko pa namang umaaligid sa mga taong mahihina ang kokote. 

Pinagmamasdan ko lang sila sa malayo. Konektado ata ang mga bituka nila sa isa’t-isa't walang araw na hindi sila magkasama. Palagi ko silang nakikitang nagtatawanan at nagbubulungan, malamang babae na naman ang pinag-uusapan ng mga ito. Well for the record, hindi naman masyadong malandi itong si Patrick, sa katunayan ay suplado ito at parang palaging umiirap. Hindi nga lang ako masyadong sigurado pero kung titingnan wala pa atang committed sa mga ito. Si Gabriel ang pinakatahimik sa kanilang apat, kadalasan ay nakasandal lang siya na nakikinig sa satsat ng ibang pinsan niya. Si Aiden naman ay nakikitang tumatawa o nagkikwento, siya ang pinakamagulo sa kanila. At si Ethan, well isa lang masasabi ko kanya, makati!

Ang alam ko ay pare-parehong malalaki ang negosyo ng mga pamilya nila. Kaya pala mga garapal ang ugali, palibhasa sikmura lang ang pinapakain hindi ang utak. Napailing nalang ako.

"So? Ano na?" biglang sumulpot si Maddie sa harapan ko. Marami siyang mga gawaing nakakabagabag tulad nalang ng pagnguso niya sakin habang pinupuno ng kulay ang labi niya gamit ang lollipop.

“What?” nagkunwari akong hindi interesado. Naisip kong ginagawa lang niya akong paing para makilala ang ugali ni Patrick. Siguro sinusukat niya kung hanggan saan ang effort niya at kung gaano kalaki o kaliit ang pag-asa niyang mapansin din ni Patrick. I'm the bait.

“Yung usapan natin. Yung deal.”

“You know Mad, you don’t have to make this deal. You can just make it work for yourself. I know you have what it takes.” Ngumuso pa siya lalo. Iniisip ata ang sinabi ko.

“Nope.” Umiiling ito na parang kumbinsidong-kumbisido sa kung ano mang naisip niya. Nagkibit balikat lang ko sa pag-iling niya.

“I also want to know, how you do it. Baka magkaidea din ako.” Humalakhak siya kaya naaninag ko sa close-up view ang pulang-pulang dila niyang gawa ng lollipop na nakasabit sa gilid bibig niya.

She’s just too persistent and it tempts me.

“For now wag nalang muna.” Sambit kong kinalaglag ng panga niya. Nakita ang bahid ng disappointed sa kanyang mukha.

"What? Lame! Scare, it’s just a game, wala ka namang masasaktan. Walang sasabit. Let’s just try!" puno ng pagkabigo ang tono nito.

"Just, I’m not in the mood right now." umirap ito at nagwalkout sa cafeteria, nagalit ata? Paki ko sa kanya, eh di magalit siya. I don't care.

I was eating my sandwich dahil umiikot na ang paningin ko sa gutom, hindi ko na nahintay si Bella. I was enjoying it when someone approached and ruined my mood.

"Can I join you?" malapad ang ngiti niya habang hawak-hawak ang tray. There he is, in front of me is Patrick Ryan Montero. Lumingon ako sa paligid, punuan nga at ako lang mag-isa sa table ko. Umusog ako palayo at tumango sa kanya. Wala akong planong makipag-usap.

"I remember you. Klasmeyt tayo sa PE last year." he was talking while his mouth is full. Mayaman nga wala namang breeding. Pero hindi ko maiwasang mapatingin sa pormadong panga niya, gumagalaw ito sa bawat pagnguya niya. At napansin ko agad ang maliit at faint mole sa kanyang lower left cheek.

Tumango lang ko at ngumiti ng onti sa tanong niya, ayoko namang magmukhang bastos, I have good manners. Unti-unti, napapansin kong nagtitinginan na ang mga tao sa gawing table namin. May nagbubulungan din, patuloy lang sa pagkain si Patrick na parang walang napapansin sa paligid. Seriously? Ni hindi nga kami nag-uusap, chinichismisan agad? Mga walang magawang maganda sa buhay!

Marami siyang tanong ngunit tango at iling lang talaga ang sinasagot ko.

"Nasan na yung kaibigan mo, diba lage kayong magkasama nun?" ayaw talaga akong tantanan at nagtanong pa talaga ng hindi answerable by yes, no, smile, tango o iling. Ugh!

"Busy eh." tipid kong sagot and I don't want to expound. Nagsalubong ang kilay ko nang maaninag kong kinukunan ng litrato ng mga babae sa kabilang table si Patrick . Humahagikgik sila while checking ang malamang naka-sideviewng picture nito. Lumingon si Patrick sa mga babae, halos mangisay na sa kilig ang mga ito, may isa pang halos mapanot na sa sabunot ng katabi niya. Akala ko magpapacute siya, pero dinedma lang pala niya, in fairness.

Ilang sandali pa, dumating na ang mga pinsan ni Patrick which means, I'm outnumbered. Nakakainis ang ganitong feeling, yung ikaw yung nauna pero dahil mas marami sila kailangan mong umexit dahil nakaka-awkward! Isa-isa kong niligpit ang mga gamit ko.

"Ah, guys. Si Scarlet nga pala. Scarlet, si Gab, Ethan at Aiden." may gana pang magpapakilala 'tong taong to, imbes na nagliligpit na'ko. Tipid ko silang nginitian at tumayo na.

"Going to soon Scare? Aiden." inilahad ni Aiden ang kanyang kamay, naexperience ko na in person ang kakulitan niya. I shook hands for respect and so as with Ethan. Nilahad ko rin ang kamay ko kay Gabriel thinking na nagpapakilala din siya, ngunit nanatiling naka hang sa ere ang mga palad ko at hindi parin ito tinatanggap, bagkus ay umupo siya sa  tabi ni Patrick at walang ganang sumandal. WTF!

“Uncool man!” sambit ni Aiden.

“Pasensya ka na Scare hah. Ganyan talaga yan eh.” Paumanhin ni Patrick sakin ngunit inirapan ko siya at umalis. Kasalanan niya ito eh! Fvck those cousins! Nakakapanggalaiti lalo na tuwing naaalala ko ang malamig na mukha nung isang Montero, napakawalang-modo!

Matulin akong naglakad sa pasilyo. Checking every room. I was literally searching for Maddie, gawa ng wala akong number niya dahil di naman kami ganun ka friends. And at last, nakita ko siyang nakikipagtawanan kasama ang dalawang asungot niya.

"Maddie. I changed my mind." I blurted.

"Hmm?" bewildered.  

"I accept your challenge."

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon