Chapter 55 - Not for Me

81 2 0
                                    

Chapter 55 – Not for Me

"Wow ang ganda naman ng kapatid ko." Malapad ang ngisi ni Liam habang inaayos ang tuxedo niya. Ngumiti ako sa sinabi niya't tinulungan siya sa pag-aayos ng necktie.

"Bolero. By the way, congrats." Ribbon cutting ngayon ng bagong opisina nina Liam. Medyo hindi pa nagsisink-in sakin ang mga pangyayari, parang napakabilis lang nagdaan ng lahat. Ngayon, Liam is already reaching his dream while I'm stuck in the middle of nowhere. I can hardly feel my pride, no egos, no bitterness, just plain heartache.

"Shall we?" tumango ako't sumakay sa kotse niya. Madali kong kinabit ang seatbelt ko't pinigilan ang panginginig.

Habang buhay na siguro akong matutrauma. Tatlong buwan na rin ang nakalipas nung naaksidente ako ngunit hindi parin natatanggal sa sistema ko ang takot. Pero higit sa lahat, hindi parin nagbabago ang sakit ng pagkawala ni Patrick. Maybe he's in some place beautiful, sana masaya siya. He deserves every joy in the world. I want to think that he's just here somewhere, watching me closely pero three months is too long to stay away. It's time to stop fantasizing, nanalo narin sa wakas si tadhana. Nagbuntung hininga nalang ako sa mga naiisip ko.

"Are you Ok?" usisa ni Liam.

Tumango lang ako. Sa may di kalayuan ay natatanaw ko na ang matayog na building na kinatatayuan ng opisina nina Liam, halatang high-end ito at pang-firstclass. I still can't believe magiging ganito kaagad ang break ni Liam, he's such a secret achiever, nagulat nalang kami na multi-million na pala ang mga transactions niya di man lang nagsasabi.

Puno ang lugar pagkarating namin. Pormal ang salu-salo kaya medyo uneasy sa pakiramdam. Maraming mga guest from other companies na binati si Liam, maaaring mga tie-ups nila ito at mga investors. Hindi ko masyadong maintindihan ang mga pinag-uusapan nila kaya umupo lang ako sa gilid at uminom ng juice. Habang tinitingnan ko si Liam, hindi ko maiwasang isiping ikompara siya kay Patrick. Malamang ganito din ang mundo niya o mas malala pa.

"Scare!" patakbong dumating si Bella kasama si Ethan na nakasimangot.

"O, ba't nakabusangot yang kasama mo?" nilingon ni Bella si Ethan na tamad na naglalakad papuntang table namin. Nagkibit-balikat lang si Bella at malapad na ngumiti.

"Pinakilala na ba ni Liam sa'yo yung business partner niya?"

"Hindi pa."

"OMG! Gwapo!" nanggigigil na sambit ni Bella. Padabog na umupo si Ethan sa table kaya siya naman ang inusisa ko.

"Asan mga pinsan mo?"

Biglang nag-iba ang mood niya't ngumiti.

"Si Aiden, anjan lang sa tabi-tabi. Si Gabriel hindi daw makakapunta, may inaasikasong importante." Tumango lang ako sa balita niya. Sumisipsip ulit ako sa juice nang tawagin ako ni Liam.

Lumapit ako sa kanya habang kausap niya ang isang matipunong lalake. Seryoso ang kanyang mukha at halatang tahimik.

"Scarlet, I want you to meet my business partner, my classmate, Kael Seven Ledesma."

"Hi." Inabot ni Kael o Seven ang kanyang kamay. Medyo naawkward ako sa seryoso niyang aura pero hindi maipagkakailang gwapo siya, he has those perfectly-shaped jaw at malambing na mga mata though his stares are fierce and cold. Kinuha ko na rin ang palad niya't nakipagkamay.

"Seven, my beloved sister, Scarlet." Inakbayan ako ni Liam. Ngumiti naman ng kaunti ang kausap niya.

"I heard a lot about you." Sambit ni Seven habang iniinom niya ang wine na dala.

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon