Chapter 23 - I Like You

102 1 0
                                    

Chapter 23 – I Like You

Mahahaba ang mga hakbang ko papunta sa kinatatayuan ni Patrick. Halo-halong emosyon ang namumutawi sakin. Palapit ng palapit ako sa pigurang nakatalikod na ngayon.

“Patrick?! Sumagot ka nga!” nag-uumapaw ang emosyon ko, di ko na maipaliwanag. Nanginginig ako sa galit, sa takot at kaba.

“Anong ginagawa mo dito? Kanina ka lang ba? Sinusundan mo ba ako?” lumapit pa ako sa kanya. Para na akong sasabog sa inis! Hindi parin siya sumasagot. I need to know kung ano ang nasa isip niya, kung galit ba siya o ano.

“Patrick naman!” maiyak-iyak na ako sa pag-aalala. I need him to say something, his silence is tormenting me!

Sunud-sunud ang mga mabibigat na hininga niya. He opened his mouth. At last!

"Bakit ka pumunta dito?! Pano kung hindi ako ang nakatayo dito?! Pano kung ibang tao?! PANO KUNG NAPAHAMAK KA!" hindi ko matantya ang pagkakasabi niya. Una ay mahinahon pero hinahabol naman niya ang kanyang hininga. Malalalim at mabibigat. His head moved sideways, nakatalikod parin siya at hindi man lang ako nilingon.

"A-alam ko namang ikaw eh. And you don't---" sinubukan ko siyang hawakan.

"KAHIT NA!" napapikit ako sa sigaw niya. This time he turned to me. Matatalim ang mga tingin niya't bigla akong nanliit.

"Damn!" Sinapak niya ang punongkahoy sa harapan niya. Ramdam ko sa kanyang kilos at pananalita ang sobrang frustration. I want to comfort him but I don't know how.

"Sorry na. I'm sorry." ang tanging nasabi kong hindi ko alam kong makapagpapagaan ng loob niya.

Hindi ko siya maintindihan sa galit niya sakin. Hindi ko rin maintindihan ang galit ko sa kanya. Bakit nga ba? Kung tutuusin ay maayos naman kaming nakipagpaalamanan kanina, bakit ganito nalang ang pag-aalala ko?

Mas dumistansya pa siya sakin. Nakapamewang ito habang hinahabol ang hininga. Marahas niyang ginulo ang buhok niya na tila may kinaiinisan.

"Oi. Sorry nasabi."

Napahawak siya sa noo niya na wari'y sumasakit ang ulo at bumaling ng tingin sakin. And I can see his eyes sparkling, lalo na nang mailawan ng mga street lights. Kumislap ulit ang mga mata niya, napuna ko agad ang pulang pulang mga mata nito.

"O-ok ka lang ba? Ba't parang..."

"I'm not OK Scarlet!"

Pinutol ulit niya ang sinabi ko at gumalaw palapit sakin. Napaatras ako at napasandal sa kanyang kotse. He's leaning towards me. I'm pinned in my position with his hands imprisoning me. I can see clearly now. His teary eyes full of anger.

"Sorry. Hindi ko na uulitin. Hindi na ako lalapit pag..."

"Sorry ka ng sorry! Alam mo ba kung anong kinagagalit ko?!" sabat niya ulit. Hindi niya ako pinapatapos sa pagsasalita. He was leaning on me, we're too close that I can barely breathe. Wala akong ibang ginawa kundi ang mag-iwas ng tingin.

"You! You're making me fvcking jealous!" napapikit ako sa kiliting dulot ng sinabi niya. How does he make those bad words sound so sweet? Ngunit sa kabila nito ay kinurot ang puso ko lalo na nang nakita kong nahulog ang isang patak ng luha sa mata niya. 

"Fvck!"

Tumalikod siya at suminghap. Pinahid ang luha. Hindi ako nakapagsalita, nag-overload na ata ang utak ko. I felt like a volcano waiting to burst the lava inside of me. Damn Patrick I'm so into you! Why are you crying for me? You make me fall harder, deeper, and it's scary.

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon