Chapter 61 - Scarey

51 0 0
                                    

"Ang daming tao sa mundo ano?" sambit ko habang nakatingin sa mga tao sa baba habang naa taas kami ng ferris wheel.

"Huh?" takang tanong niya.

"Pero napakaswerte ko. Kasi sa lahat ng taong yun, binigay ka sakin. Paulit-ulit kitang hiningi sa taas. Kaya kahit layuan mo ako, paulit-ulit lang ang pagsunod ko sa'yo. Wala kang takas." hinawi ko ang buhok sa mukha niya. She's so beautiful. I can't help but smile when she lean on my chest.

I sang for her. It's been a long time.

"I love you." I said after the song. I don't expect an answer. Gusto ko lang malaman niyang mahal na mahal ko siya.

"I love you too." she replied. Nagulat ako.

"Sinasagot mo na ba ako?!" tanong ko.

"Oo." at naglabasan ang napakaraming imaginary confetti. I can't believe pag mamay-ari ko na ang pinakamagandang bituin sa buong kalawakan. All over again. And I'll make sure hindi ko na sya bibitawan.

"Don't leave me again." she said.

"Nasa iyo na ang puso ko, how can I leave you? Mamatay na ako nun." ngisi ko sabay halik sa kanya. She then murmured, "Happy Birthday."

Walang pagsidlan ang saya ko nung oras na yun! Hanggang sa dumating na naman ang asungot sa buhay ko.

"Dominic is trying to set up a meeting with us to discuss their investments in our hotels. I need your full attention, malaki din ang maitutulong nito para mas mapalago pa ang hotels natin." Aniya.

"Akala ko ba ayaw nilang mag invest hangga't di ako pumapayag pakasalan si Debbie?"

"Things change son. Nakita nilang maganda ang takbo ng negosyo." Sagot niya.

"Ok fine."

Nagtatawanan sina tito Dominic at si daddy. We're having dinner instead of a formal meeting dahil kasama dito si Debbie at si tita Deborah, mama ni Debbie. I felt awkward but I made sure this is purely business.

"Sya nga pala. Congratulations hijo for the success of your hotels. I heard you're putting up another hotel?" Baling ni tito sakin.

"Well Opo tito. It's kinda personal to me kaya di ko masyadong pinagsasasabi. Besides hindi naman kasing laki ng hotels ng Montero Group yung tinatayo ko ngayon." Paliwanag ko.

"You know Dominic, it's his project with his friends. Pinabayaan ko nalang siya. Ang importante eh mapag-usapan yung investments mo for the Montero Group hotels." Singit ni papa. Tumikhim si tito Dominic at sumulyap kay tita.

"There's no further discussion about this Raphael. Mag-iinvest kami. Pipirma na ako." He said without hearing our business plan. Napangiti ako sa tinuran niya but I still feel uneasy.

"So hijo. When are we scheduling the engagement?" Tanong ni tito. Biglang pinulupot ni Debbie ang kamay niya sa braso ko. Ngumiti ako dahil harsh ang mga susunod kong sasabihin.

"Tito. Sorry but I'm not going to marry Debbie."

"Patrick!" my father stopped me. Ngunit hindi ko siya pinansin.

"Tito. I'm marrying another girl. At alam kong makakakita pa si Debbie ng lalakeng bagay sa kanya. This talented and beautiful lady? Wala ba kayong bilib? And let her choose also tito. She deserves a guy na mag-eeffort para pasayahin siya." I'm firm by my words. Totoo naman at totoong ibang babae ang gusto kong pakasalan.

"What is the meaning of this Raphael?" Bumaling siya kay papa.

"Dad. Patrick's right. Gusto kong mamili. I want to be happy by my choices. Please dad." Napabuntung hininga ako sa sinabi ni Debbie. Salamat naman.

We closed the deal pero hindi si dad. Ano ba talagang problema nya at hindi niya kayang tanggapin si Scarlet?!

"Patrick! Take back what you said! We'll schedule another meeting with them to settle this!" Sinundan nya ako sa loob ng bahay.

"Dad. Ano ba talagang problema nyo? Ok na naman ang business, nag invest na sila? Bakit pinipilit mo parin akong ipakasal kay Debbie?! Is this something personal to you?!" Galit kong tugon.

"I just know what's good for you and what's good for the business!" Singhal niya.

"And that makes you just my business partner not my father." Umakyat ako at nilock ang pinto. Sinuntok ko ang kama ko para ilabas ang sama ng loob. He's a useless father!

Kahit nagpaschedule siya ng mga meetings with tito Dominic, hindi ako pumunta. I don't wanna deal with him again. Ipipilit lang niya ang gusto niya. Hinayaan ko nalang siya at sa halip ay pinaghandaan ang nalalapit na prom. Scarlet will be my date of course!

Hanggang sa nastroke si daddy.

Sobra ang iyak ni mommy nang makitang nakaratay sa kama si Daddy. He's in a coma.

Napag isipan ko ang mga kasalanang nagawa ko sa kanya. Pero pinilit ko namang maging mabuting anak. Ginawa ko ang lahat. Pero he's just so stubborn.

"Dad." Sambit ko nang mag isa nalang ako sa silid ni daddy.

"Alam kong marami tayong mga pinag aawayan. I tried dad. I tried to be a good son, the son you wanted me to be. Pero isa lang naman ang hinihingi ko sa'yo eh. Wag mong pakekealaman si Scarlet. She's the most important person in my life now. Taking her away is taking away my happiness. Please dad. Magpagaling ka at pag uusapan natin to ng mahinahon. Ok?" Nagbuntung hininga at nakatanggap ng tawag kay Scarlet. She likes to visit him also.

Lumipas ang ilang araw ay nagising na din si daddy. Hindi pa siya gaanong makapagsalita ngunit hinahanap niya si Scarlet. Hindi ako pumayag.

"Brother. Alam kong wrong timing. But you need to know this." May inabot si Kuya Ace na litrato sakin. Litrato ng isang batang nakangiti na may dala-dalang lollipop, nakakabit sa pulsuhan nito ang isang bracelet.

"Scarey." Sambit ko nang mabasa ang nakasulat sa bracelet.

"Bro. Hindi ko na kailangan ito. May Scarlet na ako, this girl, she's just a memory." Napangiti nalang ako sa alaala. When she stopped crushing my ears when I lend her my gameboy.

Wait what? Gameboy? Is this the same thing na hinanap ni Scarlet nung natrap siya sa elevator? Could it be.... lumingon ako kay kuya Ace. His smiling at me, knowing that I realized something.

"The long search is over brother. That girl's Scarlet." At umalis na siya. I'm still stunned. Gusto kong matawa, guess we're soulmates huh?

Kaya naging extra ganado ako sa prom. Kakantahan ko siya. I'll say that I am that boy. Marami akong plano. We're gonna face daddy pagkagaling niya. He cannot break us down!

Pero tadhana nga naman...

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon