Chapter 6 - Pretend

133 2 0
                                    

Chapter 6 - Pretend

   

It's a good thing occupied ang whole week ng mga club activities kaya di ko kailangang magmadaling pumasok, masakit parin ang paa ko dahil sa mga hinayupak na yun! I can manage maglakad ng kaunti but damn I have to settle with these flats!

“What happened Baby?” usisa ng magaling kong kuya. Bitbit niya ang susi ng sasakyan, siya yata ang maghahatid sakin.

“Natapilok lang kuya.” I lied.

“Next time you need to take care of yourself huh.” Ginulo niya ang buhok at inakbayan ako palabas. Minsan naiirita ako sa kanya pero agad naman nalulusaw kasi madalas niya akong nilalambing. Kahit madalas niya akong inaasar, siya parin ang takbuhan ko sa mga problemang hindi ko kayang sabihin sa mga magulang ko gawa ng siya lang din naman ang nag-iisa kong kapatid. Hindi naman siya mahirap kausap kaya lang naiinis ako sa pagka-‘player’ niya.

Pinasok na ni kuya sa parking lot ang kotse at hiwalay naming tinungo ang kanya-kanyang gusali. Matanda ng isang taon sakin si Liam kaya hindi kami madalas magkasama school. Naglalakad ako papuntang canteen para bumili sana ng sandwich nang hinarang agad ako ni Maddie.

"Scarlet! Anong balita? I heard nagkakilala na kayo ni Patrick? Do you have his number na?" ang isa pang leche sa buhay ko. At nagkandaloko-loko na't walang nangyari kahapon aside sa nabwisit ako sa mga lalakeng iyon! I tried to look like I didn't care pero actually pinag-iisipan ko kung panu lusutan ang mga tanong ni Maddie.

“Uh---” I can’t find words to say. Humalukipkip si Maddie sa harap ko at naghihintay sa isasagot ko. Buti’t tumunog ang cellphone ko.

"Yes. Hello?" 

"Ah-Hi, is this Scarlet?" sagot ng nasa kabilang linya. Hindi nakarehistro ang number at hindi ko matunugan yung boses.

"Si Patrick 'to."

Biglang may light bulb na sumulpot sa ulo ko. Now I can use this as alibi.

"Ahh. Yeah. Patrick." nilingon ko sina Maddie at sinigurado kong naririnig niya ang mga sinasabi ko. Bigla siyang naging attentive sa kinauupuan niya.

"Ah. Tumawag ako kasi naiwan mo yung wallet mo kahapon. Sorry, binuksan ko na baka sakaling may calling card or whatever, nakuha ko yung number mo sa id-card mo." sh1t! Hindi ko napansing naiwan ko pala ang wallet ko. Buti’t hinatid ako ni Liam dahil pag nagkataon murahin pa akong ng mga jeepney drivers.

"Ah. Hindi ko napansin. Thanks anyways. So san tayo magkikita?" inimbento ko lang ang sagot na yun para kunwaring magkikita kami at maasar si Maddie. Pero sa kabilang dako ay diring-diri ako sa ginawa ko. Makita kong ngumisi si Maddie at humilig na wari’y naririnig niya ang sinasabi ni Patrick.

"Ha? Ah. Andito lang naman ako sa cafeteria. Pwede mo nalang kunin kung 'di ka busy." 

“Is that Patrick you’re talking to? My God! Can I have his number?” napangiwi ako kay Maddie. I know she’s just using me for that thing and I will not allow it!

“No Maddie.” Mariin kong sagot. Kumunot ang noo niya.

“Ah yes of course, my one month allowance.” Ngumisi siya at kumuha ng pera sa pitaka niya.

“No Maddie. Keep that. I don’t need that.”

Natigilan siya sa sinabi ko.

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon