Chapter 4 - Fall

136 2 0
                                    

Chapter 4 - Fall

   

Club day and it will all start here. First target ko ay si Gabriel dahil for sure madali lang paikutin yung Patrick. Gosh, first time kong ginawa 'to, I can't believe how cheap I am doing this, I just realized! Kakapressure din pala ang isang araw na'to, para akong nasa palabas na '24', everything's at stake within 24 hours.

Medyo kinulot ko ang dulo ng buhok ko at naglagay ng konting makeup dahil baka madala sila sa ganda.

So there they come. I am standing in front of them habang binabaybay nila ang corridor. Nakapamulsang nakikipagkwentuhan Patrick kay Aiden habang may kausap sa cellphone at malapad ang ngisi ni Ethan. Si Gabriel naman ay tahimik lang na naglalakad at kadalasa’y ngumingiti sa mga naririnig sa pinsan niya.

Pumwesto ako sa gitna ng corridor para mahagip ako sa paningin nila. I was about to smile nang pinagtutulak ako ng mga malalanding fangirl! Tumilapon ako sa gilid. I’m on my knees dala ng heels na suot ko!

Argggh! I really can't believe I'm doing this! And I really can’t believe those girls! They are pathetic bunch of fools! Sino ba itong mga lalakeng ito para gawin nilang diyos?! This is shameful, ayoko lang sabihin kay Bella dahil I'm a 'wo'man of  my words.

"SCARLET!" nagtinginan ang lahat. Pati ako napatingin. Lumapit si Patrick sakin. Kung madedescribe lang ang salitang awkward, irita, at pagkabwisit sa isang salita sinambit ko na, napakatahimik ng eksena na parang dumaan ang principal. Pinilit kong tumayo mag-isa pero agad niya akong dinaluhan.

"Ok ka lang?" he's on his knees at inalalayan ako. Badtrip, kung sana si Gabriel ang umalalay sakin, solve na ang plano ko kahit palpak ang first move. Sinubukan kong tumayo ng maayos pero biglang pumitik ang matinding kirot! SH1T! My ankle hurts so bad! Napadaosdos ako sa dibdib ni Patrick dahil sa pagkadisorient ko.

"I think I have to bring you to the clinic." sabi niya. God! This is like a cheap scene sa mga palabas na nagkukunwariang natapilok para mapansin ni crush. I'm highschool pero hindi jologs!

"I'm OK, I can manage to go to the clinic." syempre ganyan ang mga style para hindi halata, ayoko ring hinahawakan ako ng ibang tao lalo na ito. Ngunit sa pagmamatigas ko ay nalaglag pa ako ng isang beses. Nagtilian ang mga babae na nanonood samin, napaluhod ako sa nangyari.

Dinaluhan agad ako ni Patrick.

“I’ll help you.” May awtoridad niyang sabi. So stubborn! Ngunit nabigla ako nang biglaan niya akong kinarga. Napatili ako sa ginawa niya. Umigting din ang tilian sa paligid.

"I’ll never let you fall again." sambit niyang medyo naloka ako pero pinagkibit-balikat ko nalang. Nakita ko pang tumaas ang kilay ng mga fangirls. Hello! eh di sana nagkunwari kayong nagcollapse para kargahin din kayo, mukha niyo, kayong gumawa nito! Karma nyo lang!

Minabuti ko nang manahimik dahil mabilis siyang naglakad papuntang clinic. Napasulyap ako kay Gabriel na nakatingin samin at naglakad na din papuntang clinic. Napakapokerface niya. Walang emosyon, I can't read him. Dyahe!

"Bell. Please come here sa clinic. Natapilok ako, hindi ako makalakad ng maayos. I think I need to go home." nasa telepono ako kausap si Bella. Nasa vicinity parin sina Patrick, Gabriel at Aiden, umalis na si Ethan dahil busy sa hobby niyang pakikipagdate. Nakahalukipkip si Patrick sa may pintuan habang mariin akong tinitingnan. Naconscious tuloy ako.

“Hi Nurse, anong pangalan mo?” ngiting-ngiti si Aiden sa magandang nurse na naglalagay ng bandage sa paa ko. Kumislap ang mata ng nurse.

“Nancy.” At ngumisi.

"Scare!?" umalingawngaw ang boses ni Bella papasok ng clinic. Mapanganga siya nang makitang may mga lalake sa loob. Bigla siyang nanliit at lumapit sakin.

“Whatta beautiful lady.” Nanlaki ang mata ni Aiden sa pagpasok ni Bella. Napawi ang ngiti ng nurse na umaalalay sakin. Tulala parin si Aiden kay Bella kaya mas lalong naconscious ang kaibigan ko. Pinandilatan ko si Aiden, humalakhak lang ito.

"Hi Bella." kumaway si Patrick sa kanya. They seem to know each other gawa ng sumisit-in si Patrick sa klase nila. She shyly waved back. Crap! Kailangan ko na talagang turuang umakting na di nahahalata ang babaeng to! Nakita kong siniko ni Aiden si Patrick at tinuro si Bella, mukhang tinamaan ang isang ito.

"Ok ka lang? Tara na, iuuwi na kita." bulong sakin ni Bella. Parang secret lang? Pabulong-bulong? Ganun na ba siya ka-awkward kay Patrick?

"Ok, tawagan ko muna si Kuya Epi." Kinuha ko ang cellphone ko at nagsimulang idial ang numero ng driver namin.

"Hello po Kuya. Pwede po pakisundo muna ako sa school?” tanong ko, naririnig ko pa ang tunog ng busina ng sasakyan, nagdadrive ata.

“Ay Scarlet. May lakad kami ng mama at papa mo ngayon eh.” Sagot niya.

“Si Scarlet ba yan?” dinig kong boses ni mama sa background.

“Yes Scare, may kailangan ka ba?” boses ni mama.

“Ah, wala po kasing klase ngayon magpapasundo po sana ako, magtataxi nalang po kami ni Bella.”

“Are you sure? Nasa kalagitnaan narin kami ng byahe eh. We’re going to Batangas.” Aniya.

“Ganun po ba. Ah sige po. Mag-iingat po kayo, take care of papa. Bye po. Love you." Binaba ko na ang tawag. Medyo kinabahan ako sa layo ng biyahe, kababago lang kasi magpadoktor si papa dahil sa nararamdaman niya, medyo hindi na maayos ang health niya. It makes me worry too much.

Nidial ko ulit ang cellphone ko at nagbaka-sakaling may mahiraman si Liam na kotse ng kaklase o kaibigan niya, palagi ko siyang nakikitang nagdadrive ng sasakyan ng kaibigan niya tuwing hindi available ang sasakyan namin.

“Hello Kuya. May dala ka bang kotse ngayon?” may naririnig akong marahan na tugtog sa background .

“Yes, may dala ako. But I’m on a date Baby.” Napabuntung hininga ako. Date na naman? Kailan ba matatapos ang kapilyuhan niya?

"I can drive you home.” alok ni Patrick. “Pero pinacarwash ko pa.” dugtong niya.

"Ok, I will. Nasa parking lang sasakyan ko." it's Gabriel offering now. Wow, hindi pala ako tuluyang naging palpak sa plano ko! It's my time to shine!

"Uh! Thanks!" ako.

"No. Thanks." Bella.

Sabay pa kami nun. Pinandilatan ko siya secretly. Either ways, hindi kami pinansin ni Gabriel na diretsong tumungo sa parking lot. What's with this guy at parang galit sa mundo?

“I’m sorry Bell pero I will be out somewhere else, hindi kita masasamahan.” Ngumiwi si Bella sa nakangusong si Aiden.

“I-it’s Ok.” Tipid at nalilitong sagot ni Bella sa ngumingisi na ngayong si Aiden. Err, he’ll probably hit on my bestfriend in the future and I won’t even allow!

Inaalalayan na ako ni Bella habang nakasunod sa amin si Patrick sa likod. Nakapamulsa lang ito at tamad na naglakad patungong parking lot. Si Gabriel naman ay nakahanda na sa kotse niyang pulang Strada. Ni hindi man lang marunong magbukas for the girls!

“I think you should quit using heels.” Biglang puna ni Patrick sa likod. “And those clothes.” Dugtong niyang kinahighblood ko. Hindi naman talaga akong seksing manamit, ngayon lang dahil may mission ako. Either ways, I don’t want him noticing or demanding what I should wear.

“Kung marumi ang isip mo wala na akong magagawa dun, I wear what I feel is comfortable.”

“Wala naman akong iniisip na masama, it just that, I don’t see that you're comfortable wearing that.” Biglang nag-init ang pisngi ko. Ano ba kasi ‘tong napakajudgmental kong utak! Tama siya, hindi nga ako komportable sa suot ko. Naka-black skater dress ako taliwas sa usual Tees & Jeans na suot ko. Hindi nalang ako sumagot.

Pumasok ako sa likuran while Bella is on the passenger seat dahil gusto kong irelax ang ankles ko sa mas malaking area. Medyo nakahinga na ako nang bumukas ang pinto ng kotse ni Gabriel at pumasok si Patrick. Sasama siya?

Argh! Badtrip!

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon