Chapter 44 - Happy Birthday

84 2 0
                                    

Chapter 44 – Happy Birthday

Dumilim ang buong hardin pagkaupo namin ni Patrick. Madramang tumugtog ang isang Audio Visual Presentation sa stage.

“Where have you been?” bulong ni Gabriel sakin habang inaayos ang pagkakaupo. Umiling lang ako at nagconcetrate sa show.

Titig na titig ako sa screen. Hindi ko mapigilang mamangha sa mga magagandang salitang nakavoice- over sa AVP para sa birthday boy. Panay mga pictures niya sa states ang pinaflash screen, yung mga pagkakataong wala ako. He seems --- happy, taliwas sa mga karanasan ko noong nawala siya. Agad kong napagtantong malayo ang mararating ng taong ‘to, and he doesn’t need me at all para maging masaya sa buhay. He is perfect. He has everything. Hindi ako kawalan sa pagkakataong bitawan niya ako.

Pinipiga ang puso ko sa mga larawang sumusulpot sa utak ko. Damn! The time he’ll let go of this heaven, matayog ang babagasakan ko. Lalagapak ako sa lupa! Ngunit biglang may mainit na palad ang dumantay sa mga kamay ko, pinagsalikop niya iyon. Lumingon ako kay Patrick na patuloy parin sa panonood ng presentation na hinanda para sa kanya. Naaninag ko ang kanyang perpektong features na bahagyang nakangisi pa gawa ng overwhelming statements ng narrator. He then turned to me, giving me an assuring look. Parang nababasa niya ang morbid thoughts na pinag-iiisip ko.

“Happy Birthday Pat!” bumeso ang babaeng bisita ni Patrick na parang kapatid ni Venus Raj sa kapayatan. Tingin ko ay kaya kong ipitin ang baywang niya gamit ang mga kamay ko.

“Come on! Open it!” excited na tugon ng babae. Medyo umigting ang bagang ko sa clinginess ng babae kaya pasimple akong tumikhim.

Ngumisi ang damuho sakin bago pinunit ang regalong bigay sa kanya. Tumambad ang isang magarang relong kulay black at gold. Nanuyo ang lalamunan ko sa kumikislap na bagay at napahawak ako sa clutch ko kung saan nakatago ang munting regalo ko kay Patrick.

“Uy! Ang mahal nito ah. Nag-abala ka pa.”

“Ano ka ba?! Wala lang iyan ano!” Napangiwi ako sa pagpapacute ng babae.

Humiwalay muna si Patrick para daluhan ang mama niyang kanina pa siya hinahanap. Nakikipag-usap sila sa mga mukhang bigating mga bisita habang nakatayo ako sa may table at lumalagok ang juice.

“Scarlet right?” nagulat ako sa pagsulpot ng papa ni Patrick sa harapan ko. Ang pinakaboss ng Montero Group of Companies kinakausap ako?

“Raphael Montero.” Inabot niya ang kamay niya. Ngumiti narin ako para tugunan ang kabaitan niya kahit medyo nakakaasiwa.

Lumingon ito sa kinaroroonan ni Patrick. “Patrick is such a busy boy. You see, he’s already handling our chain of Hotels. I once thought ibebenta ko na iyon, but he found a way para isalba ito. I’m so proud of him.”

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Naka one million pogi points ata si Patrick sakin. Humahagikhik ang kalooban ko.

“That’s why. I don’t want any distractions for him. Anyone.” Tumigil ang paghagikhik ng puso ko nang mamataan ko ang seryosong tono ni Mr. Montero. Nakatingin parin siya sa malawak na hardin habang nakangiti.

“You know, I enrolled him in an online university. Para makapag-concentrate siya sa pagpapalago ng negosyo, I mean, mamanahin naman niya itong lahat. He’s doing well when he’s on the states. I think it’s a wrong decision na pabalikin ko siya dito dahil he is now starting to interfere on my decisions. Like nung nag-enroll siya sa paaralan ninyo. You’re classmatre right? Ms. del Castillo?” madiin ang pagtawag niya sa apelyido ko. Hindi ako makapagsalita, alam ko na kung saan papunta ito. Hinanda ko na ang sarili ko sa pagbuhos ng sakit.

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon