Chapter 49 - Mr. Montero

91 0 0
                                    

Chapter 49 - Mr. Montero

"Hay naku! Kasi naman pinatulan pa yung deal, iniwan tuloy si Katherine, ayaw pa kasing makinig kay Trix." Pinag-uusapan ng mga estudyante ang sad chapter ko. Tumawa si Bella sakin nang marinig niya iyon at pinambelatan ako.

"Sabi ko sa'yo eh, makinig ka lage sakin."

"Hi girls." Bati ni Aiden kasama ang tatlo niyang naggagwapuhang pinsan. Hindi na tumabi sa akin si Ethan dahil sa presensya ni Patrick na sobrang lapad ang ngiti ngayon.

"Pero feeling ko may something si Trix at si Edward." Nagtatawanan na ngayon ang mga estudyante sa likod. Sumabog mula si bibig ni Bella ang iniinom niyang tubig. Bigla akong natawa sa reaksyon niya. Karma! Hahaha!

"Oi, anong nangyari sa'yo?" dinaluhan siya ni Ethan na inabutan siya ng tissue.

Natatarantang kinuha iyon ni Bella. Patuloy sa pag-uusap ang mga estudyante sa likod habang dinig na dinig namin ni Bella. Wala namang kamalay-malay ang mga boys.

"Oo kasi nga diba yung sa birthday ni Katherine, nagalit si Trix dun sa mga kinakausap si Edward na babae. Nataranta naman si Edward. Feeling ko talaga may secret feeling si Edward kay Trix. AYEEEE!" nagsabunutan na ang mga babae sa likod habang patuloy sa pagkasamid si Bella at dinadaluhan ni Ethan. Mapapatay talaga ako ng bestfriend ko mamaya.

"May praktis kami mamaya." Usal ni Patrick habang pinapapak ang chichiryang nakahain sa mesa.

"Uhmm. Samin bukas pa."

"Sinong maghahatid sayo?" nag-aalala niyang tanong.

"Ano ba, kaya ko lang namang mag-isa ano. O magpapasama nalang muna ako kay Gabriel mamili ng damit pamvolleyball. Ok lang?" nilingon ko si Gabriel na tahimik na kumakain sa gilid. Tumango ito sakin.

"Hindi nalang ako magpapraktis, ako nalang sasama sa'yo."

"Magtino ka nga!" sumimangot ulit ang mukha niya. Kahit kailan napakabantay sarado ko talaga sa isang ito. Pero sa halip na mairita ay parang kinikiliti ako sa pinanggagagawa niya. Ginulo niya ang buhok bago pumayag, tiningnan niya isang beses si Gabriel na parang may pinaparating na ewan.

Mabilis natapos ang araw at sasamahan ako ngayon ni Gabriel sa mall. Dala niya ngayon ang kotse niya dahil daw pinapacustomize na naman niya ang motorbike niya. Pero di pa lang napaandar ni Gabriel ang makina kay tumunog ang cellphone ko.

"Ano?"

"Ako nalang kasing sasama sa'yo." Pagmumukmok ni Patrick sa kabilang linya.

"Tumigil ka ha. Magpraktis ka diyan. Galingan mo ha." Paglalambing ko kahit nasa tabi ko si Gabriel. Napasulyap ako sa pagtikhim niya bago binaba ang phone.

Ngunit ilang sandali lang ay tumunog ulit ang cellphone ko. Napangiwi na ako sa kakulitan ni Patrick, baka tuloy pumayag na ako.

"Hello?"

"Where's my son?" nagulat ako sa sagot sa kabilang linya. Sh1t! Papa niya! Nataranta ako sa narinig ko kaya di ko mapigilang mabulol.

"A-ah. N-nasa gym po siya, nagbabasketball." Lumingon si Gabriel sakin na halatang nagtaka sa kinilos ko.

"Good. I want to meet you right now. Please come at my building." Binalot ako ng matinding kaba. Nanginginig ang buong katawan ko, may trauma na ata ako sa daddy ni Patrick. Napansin ata ni Gabriel ang panginginig ko kaya hindi pa niya binubuksan ang makina ng kotse.

"S-samahan mo naman ako sa building nina Patrick oh."

"Saan dun?" oo nga pala, marami silang building. Namataan kong nagkasalubong na ang kilay ni Gabriel ngayon.

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon