Chapter 9 - Betrayal

130 2 0
                                    

Chapter 9 – Betrayal

  

Binaba ko agad ang cellphone ko. Hanep mang goodtime! Nakaka-init ng ulo! Pinaypayan ko nalang ang sarili ko sa nag-uumapaw na inis---at kaba. Wait, why am I nervous? This can’t be! Inalog ko ang ulo ko at napagdesisyunan na ipagsawalang-bahala nalang ang mga walang katuturang bagay na pumapasok sa kokote ko.

Ilang segundo nga ay may pumaradang BMW sa harapan ko. I know who it is. Napansin ko agad ang pagtili ng mga babaeng nakaupo sa may labasan, malamang kilala nga nila ang lahat ng bagay patungkol sa mga Montero, stalkers. But kahit ako ay alam kung anong sasakyan ang ginagamit nila, bakit nga ba?

Umirap lang ako. 'Tseh! Manigas ka dyan, ano ako bali, I'm not getting on that car!

Makalipas ang ilang sandal ay lumabas na nga si Patrick. Hindi ko mawari ang nangyayari sa sistema ko’t parang may kung anong kumukulog sa loob, parang pinipiga ang intestines ko sa bawat paghakbang niya palapit sakin. Nakakunot ang kanyang noo habang matama akong tinitingnan. Pagkarating niya ay humilig siya palapit sakin tsaka bumulong.

"Hindi ka ba marunong umarte? What if they see na hindi kita sinusundo, o hinahatid, o hindi tayo laging magkasama. They'll think na hindi ako seryoso sa'yo. You'll look like a loser.”

Yeah, he has a point and as much as gusto kong umiwas at umalis dahil sa kaba, ay walang akong magagawa. Nagbulungan ang mga babae sa gilid, alam kong kaming dalawa ni Patrick ang pinag-uusapan nila. Narinig ko nalang ang sunod-sunod na buntong hininga ng mga ito.

Humakbang na nga ako palapit sa kotse niya at umambang bubuksan ang pinto, ngunit, humarang ang kamay niya.

“Let me.” Sabi niya sabay bukas para sa akin. Hindi ako sanay, hindi naman ako tinatrato ng ganito ng kuya ko, maliban nga lang minsan sa driver namin. Napabuntung hininga ako pagkapasok ko. Kailangan kong kumalma. Kinuha ko nalang ang cellphone ko’t nidial ang numero ng driver namin at nagpaalam na hindi na ako magpapasundo.

"San ba tayo pupunta?" nakahalukipkip akong nagmumukmok sa kotse niya. Kanina ko pa siya tinatalakan about sa rules of engagement sa deal naming ito.

"Pwede ba. Can you at least be quiet, ang init ng dugo mo. Lagi ka nalang ganyan. Nakakasuya na." bumuntung hininga siya parang ang bigat ng loob niya. Hindi na rin ako nagsalita. Maybe I'm really getting too far in hating them.

Inusisa ko nalang ang mga drawers ng sasakyan niya at kinalkal ang mga laman nito.

“Oi! Wag mo ngang pakialaman ang mga gamit ko!” hawi niya sa kamay ko habang abala sa pagmamaneho.

“Ano ba, magconcetrate ka nga sa daan!”

“Kainis!” pagmumokmok niya.

“Huh, wag mo kasi akong inisin at magiging mabait ako sa’yo.”

“Ano? Iniinis ba kita? Kaw nga ‘tong palaging galit!”

Humalakhak lang ako habang tinatrash ang kotse niya. Masaya ako sa ginagawa ko. Ngunit nanlaki ang mata ko nang may mapulot akong isang bagay. Itinaas ko ito sa mukha ni Patrick.

“Yuck! Kadiri ka!”

Nanlaki ang mga mata niya’t hinablot ang porn tapes sa kamay ko. Tinapon iyon pabalik sa drawer at sinara.

“Hindi akin yun! Kay Ethan yun!” matinding pamumula ang dinanas ni Patrick habang kumukurap-kurap sa kaba. Na-awkward ako sa mga iniisip ko, of course, they boys, boys will be boys.

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon