Chapter 45 - Si Sarah

88 2 0
                                    

Chapter 45 – Si Sarah

Nanlaki ang mata ko nang biglang kumislap ang flash ng camera. Di ko namalayang huminto na pala sa pag-ikot ang ferris wheel. Napatayo ako nang namalayan kong kinunan kami ng picture ng isang lalakeng malaki ang ngisi habang nakayakap at nakasandal si Patrick sa balikat ko.

Nagulat ko rin ata si Patrick at napatayo narin ito. Nilagpasan namin ang binata habang binabalandra ang nakakapanindig balahibong ngisi niya. Binigyan ko siya ng matalim na tingin at umirap.

“Bakit ka nakatingin kay August?” reklamo ni Patrick. Sinulyapan ko ulit ang August at kinukunan naman niya ng litrato ang mga batang paslit na tuwang-tuwa habang nilalaro ang balloon na Dora the Explorer. Sana ‘wag niyang ipagkalat yung picture namin.

“Scarlet!” frustrated na tono ni Patrick. Napabaling ako sa kanya.

“Bakit ka nakatitig sa kanya?!” pumula ang mukha niya habang tinuturo si August.

“Kasi kinuhaan niya tayo ng litrato. Ipapabura ko sana. Kilala mo? Ipabura mo naman.”

“Bakit ko naman ipapabura? Dun lang yun para malaman niyang may nag-mamay-ari na sa’yo.” Binatukan ko siya gamit ang clutch na dala ko kaya humandusay sa sahig ang mga gamit ko, pati ang isang maliit na kahong nakabalot ng red na wrapper.

“Ano yan?” akmang dudukutin pa niya pero inunahan ko na’t isa-isang sinaksak sa bag ko ang mga natapong gamit.

“Ano yun? Patingin.” Inagaw niya ang clutch sakin.

“Wala!” sambit ko pero huli na dahil hawak-hawak na niya ang maliit na kahong iyon.

“Para sakin ba’to?” tinago niya sa likod ang regalo para iwasan ang paghablot ko.

“Hindi! Akin na nga!” inabot ko naman sa taas kaya napatukod ang isang kamay ko sa abs niya. Bahagyang tumigas ang muscles sa pagkakahawak kong iyon kaya umurong nalang ako.

“Akin to eh. May nakasulat oh!” malaki ang ngisi niya habang binabalandra ang nakasulat sa card na For Patrick.

“Kasi --- Nakakahiya.”pumula na ata ang mukha ko sa hiya. Nakakainis naman! Pinunit na niya ang regalo ko. Tumagilid ako para iwasang makita ang reaksyon niya.

Nagmumura ako sa hangin dahil walang akong salitang narinig kay Patrick. Ngunit bigla nalang bumalot ang mainit na katawan sa likuran ko. Binaon niya ang mukha niya sa kanang balikat ko.

“Salamat. I love you so much.” Malambing niyang tugon. Tinaas niya ang pulso ko.

“Couple watch ito diba?” pinagtapat niya ang puting relong suot ko at ang kapartner nitong niregalo kong itim na may parehong disenyo.

“Ano. Pwede namang idisplay mo nalang sa kwarto mo eh. M-mas maganda yung Rado na bigay sa’yo kanina.” Giit ko.

“Ayoko nun.” Humigpit ang yakap niya sa baywang ko. Wala na namang tao dahil nasa parking lot na kami.

“Kasi hindi ikaw ang nagbigay. Walang value para sakin pag hindi galing sa’yo.”

“Pinapagaan mo lang naman ata ang kalooban ko eh.” Ngumuso ako.

Hindi siya natinag sa posisyon niya. Parang batang nakakapit sakin. Biglang umalingawngaw ang tunog ng cellphone niya, hinahanap na siguro. Bahagya siyang ngumisi bago sinagot ang tawag, tumaas ang kilay ko.

“O, bosing?” nakangisi ito habang pasulyap-sulyap sakin.

“Oo na. Sige na. Relax ka lang.” nakangiti parin itong bumaling sakin.

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon