Chapter 33 - Celebrations

97 1 0
                                    

Chapter 33 - Celebrations

 

Unti-unti ko nang nakakalimutan ang mga masasakit na pangyayari. Natutunan ko nang maging masaya, less drama.

“Isang linggo nalang gagraduate na tayo. San kayo makokolehiyo?” tanong ni Gabriel saming dalawa ni Bella.

“Syempre dun sa pinakasikat na school sa Maynila.” Confident na tugon ni Bella. Tumaas ang kilay ko.

“Sure ka ba na makakapasok ka? Eh kailangan pa nating ipasa yung pinakamahirap nilang scholarship exam para makapasok dun.” Umirap lang si Bella sakin. Umaasa nalang ako ngayon sa mga scholarship programs ng mga prospective schools ko sa college, wala na si papa, si mama nalang ang bumubuhay saming dalawang magkakapatid. Pero mabuti naman ang pamumuhay namin, si kuya, consistent topnotcher sa engineer classes niya sa college kaya wala ding problema sa bayarin.

“Tse! Bakit ba kasi hindi ako nagmana sa’yo. I’m sure no sweat sa’yo yung exam. Tsaka I’m sure may further discount ka pa pag grumaduate ka as valedictorian.” Nakangusong untag ni Bella. Cross-fingered ako sa sinabi niya, sana nga maging valedictorian ako nang hindi na masyadong mahirapan si mama.

“Scarlet!” biglang dumating ang nagtatatakbong si Aiden.

“Lumabas na ang result. Valedictorian ka!” nanlaki ang mata ko sa balita ni Aiden. Napatayo kaming dalawa ni Bella at nagtatatalon.

“I’m so proud of you!” niyakap niya ako.

“I know you can do it.” Untag ni Gabriel. Niyakap ko na rin siya, he’s been there for me all this time kahit wala akong kwentang kausap minsan.

“How about me? Wala bang yakap?” nguso ni Aiden.

“And me?” singit ni Ethan na kararating lang.

Niyakap ko na silang dalawa. Naging close ko na sila kahit high-profiled personalities sila sa school. Down to earth silang kasama. Nagyakapan narin sina Ethan at Bella. Tseh! Playboy talaga.

________________________________0000000000____________________________

Bukas ay graduation na. It’s been over 1 and a half years nang mangyari ang insidente with Patrick and mamatay si papa. Though I know hindi pa siya tuluyang nabubura sa sistema ko, but I’m confident I’m happy now. I’ve recovered. Thanks for these guys. Tiningnan ko silang masayang nagjajaming sa school ground habang kaharap ko ang laptop.

Nagsimula akong magtype:

Story Title: Deal Gone Bad

 

Inopen ko rin ang facebook ko. Maybe it’s time to let go. Kaya ko na, no bitter feelings. Masaya na siguro siya sa kung anong buhay meron siya, baka may anak na nga siya. And me, I’m about to get my wildest dreams, I’m so excited!

“So ready to embrace it huh?” tumabi si Bella sakin. Nakita niyang nakabukas ang facebook sa laptop ko. Tumango ako.

First post ko after reactivating my facebook, our Graduation pic. Ako, na nasa gitna, buhat-buhat ang napakaraming medals sa leeg ko. Ang laki ng tawa ko! Lolz! Nakaakbay sa right side ko si Bella na hinahawakan ang grad cap niyang muntik nang mahulog. Nakaakbay naman si Gabriel sa left ko na nakanganga habang hinahagis ang cap niya, blurred tuloy ang kamay niya. Katabi ni Bella si Ethan na siya palang gumugulo sa buhok niya kaya muntik nang mahulog ang grad cap nito. At si Aiden sa tabi ni Gabriel na nilapit sa camera ang kaisang-isang medal niyang Athlete of the Year.

Photo caption: Thank you for these people who made my rough journey smooth. Love you guys. @isabellaglaizeeynares @gabrielfroilanmontero @aidensebastianmontero @ethanmarcusmontero @montero. Photocredits to @williamtrencedelcastillo

 

Oh well, anim sana kami dito sa picture na’to, but there’s always hope to see @(p)montero  in the near future, & at least reconcile and get along with life as friends.

“HOOOOOH! Nakapasa ako!” hindi na kumatok si Bella nang pumasok sa kwarto.

“Scarlet. Classmate tayo sa college!” napanganga ako sa balita ni Bella. Nagtatatalon kami sa kwarto at lumabas sa sala para ibalita sa kung sinong nandoon.

Naabutan namin si mama na nagluluto ng dinner at si Liam na nagbabasa ng maraming papel. “Ano yan?” inusisa ko ang napakaraming papel na nagkalat sa table. Hindi niya ako sinagot, masyadong pre-occupied sa pagbabasa.

“Wag nyong isturbuhin yan. May pinag-aaralan yang business na itatayo nila ng classmate niya sa college. Siya ang gumagawa ng plano.” Nginuso ni mama si Liam na patuloy parin sa pagbuklat ng mga dokumento.

“Anyways, ma. Nakapasok si Bella sa school ko sa college. Magluluto ako ng spaghetti! Yey!” hindi ko na hinintay ang sagot ni mama at tumakbo patungong kusina. Tinawagan ko ang mga Montero para pagsaluhan namin ang magandang balita.

“Pano ba yan Ethan, kasama na natin si Bella. May babakod na sa mga girls mo. HAHAHAHA.” Tumatawa sa hapag si Aiden. Umirap lang si Bella. Kumunot ang noo ko, bakit ba, binabakuran ba ni Bella ang mga girls ni Ethan?

“Anong kukunin nyo?” tanong ko sa lahat.

Sabay-sabay silang nagsalita, including Bella. “Business Administration.” Nagkatingian sila at tumawa. “Oh well, business it is!”

 

Nagring ang cellphone ni Gabriel. “Hello.” Ako lang ata ang nakatuon ang pansin sa kanya. Busyng busy ang iba sa pagkekwentuhan. Pero biglang nag-iba ang ekspresyon ni Gabriel. “Excuse lang ha.” Tumayo si Gabriel at lumabas.

Pagkatapos ng hapunan ay nanood kami ng Insidious 2. Kakasimula palang ng palabas sumisigaw na si Bella.

“Hoi, wala pa oi!” sabat ni Ethan sa kanya. Sumiksik si Bella kina Ethan at tinakpan ng unan ang mukha. Linapitan ko si Gabriel na nakasandal sa pinto.

“Ok ka lang? Sino yun?” nakangisi siya habang pinagmamasdan ang tatlong nagtatakutan. Bigla siyang sumimangot at tiningnan ako.

“Uhmmm. May binalita lang.” Ahhhh, tumango lang ako. At napabaling narin sa tatlo. May dala na ring unan si Aiden.

“Balitang dumating na si Patrick sa bansa.”

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon