Chapter 37 - Deal

95 0 0
                                    

Chapter 37 - Deal

Naghuhuramentado na talaga ang puso ko. Muntik ko nang makalimutan ang feeling na’to. Ganito nga pala yun. Pero inalog ko ang ulo ko. Lord, ilayo nyo po ako sa tukso!

“Whatever Patrick.” Yun lang ang naging tanging sagot ko. Gusto ko pa sanang dagdagan ng mga masasakit na salita para hindi na ako guluhin pero pinili kong manahimik. Gusto ko nalang na manahimik siya.

“Kunwari pa.” aba! This time, umusok na talaga ang tenga ko. Hindi ko na mapapalagpas ang kabastusan ng taong ‘to! Lumingon ako sa kinauupuan niya. Hinila ni Bella ang braso ko para pigilang magwala.

“I told myself na hindi ko sasayangin ang laway ko sa mga worthless na taong kagaya mo pero hindi ko na matagalan ang kabastusang lumalabas dyan sa bibig mo. Magpakasasa ka sa mga babae mo. At wag kang mag-ooffer sakin dahil di ako interesado.” Umirap ako at tumalikod. Parang half ata ng klase ang nakarinig sa pag-aalburuto ko.

“Good.” Tinig ni Patrick. Good na hindi ako interesado sa kanya? Dahil hindi narin sya interesado sakin? Bigla akong nanlumo, pero ganun naman talaga, it’s been a long time, both of us have moved on. ‘Both’ talaga huh?

“Good that you’re still the Scarlet I used to know.” Biglang nagfreeze ang utak ko. Pwedeng bawiin ang ‘both’ sa sinabi ko kanina? Dahil parang biglang nagsilabasan ang kilig sa buto ko! ANO BA’TO!

Tumatakbo si Bella habang kinakaladkad ako palabas after ng klase.

“Oh My Gosh Scarlet! Kanina pa talaga ako nagpipigil. He is still into you!” namimilipit siya sa kilig. Nag-init naman ang ulo ko.

“Hindi mo ba siya narinig? Napakabastos niya Bell!”

“Kahit na, kung ako yun, magpapabastos ako sa kanya.” Nasisiraan na ata ng ulo itong bestfriend ko kaya binatukan ko na.

Isang linggo na ang nakalipas ay patuloy parin akong pinipeste ni Patrick. Buti nalang at weekend na bukas, makakapahinga na ako sa kasutilan niya.

Nagkukumahog kong kinuha ang cellphone kong kanina pa nagriring. Nagmamadali kasi ako dahil mukhang uulan pa yata.

“Hello?” agad kong sagot.

“Scarlet!” boses ni Chleo. Bigla akong kinabahan. Naku, baka bad news, sabi ko na nga ba, this is a bad idea!

“Congratulations! Maganda ang reception ng masa sa section mo! Bukas na bukas pwede mo nang makuha ang cheke mo, advance for this month!” napanganga ako, hindi ko inexpect ang magandang balitang ito. My God! Is this my stepping stone for my career as a writer?

Halos halikan ko ang cellphone ko sa tuwa. Para akong nakalutang sa langit. Unexplainable!

“Hi.” Biglang napawi ang ngiti ko nang may humarang sa dinadaan ko. Nakita ko ang nakangising si Patrick.

Tumaas ang kilay ko. Ano na naman ngayon?

“What?!” ok na sana eh, masaya na sana ako.

“I have a deal for you. Magaling ka naman dun diba?” ewan ko kung nananadya ba siya pero tunog sarcastic ang boses niya.

“Anyways, I know nag-aapply ang mama mo ng trabaho sa kompanya namin. Hmmm. Papapasukin ko siya. In one condition.” Tumaas ulit ang kilay ko. Hindi parin ako nagsalita dahil inis parin ako, ayokong sayangin ang laway ko sa kawalanghiyaan niya.

“Be my pretend girlfriend hanggang matapos ang sem na’to.” Nalaglag ang panga ko sinabi niya. Quotang quota na ako sa Dejavu!

“Ano to Patrick joke? O gusto mo lang talaga akong bwesitin? Oo na, masama ang loob mo sa deal na yun, pero pinagbayaran ko na yun and at least naging mabuti naman ang buhay mo after that diba? Kung yan ang way mo para tortyurin ako, nakikiusap ako, kalimutan na natin yun. Matagal na yun.” Umirap ako sa kanya. Tatalikuran ko na siya pero hinigit niya ang braso ko. Bigla akong nakuryente sa hawak niya. Oh Gosh! He’s invading my system again!

Ewan ko pero parang nabadtrip ata sya sa sinabi ko. Biglang sumeryoso ang kaninang nakangising mukha.

“Wag mong sasabihin na bumuti ang buhay ko dahil wala kang alam sa pinagdaanan ko.” Nacurious tuloy ako. Anong bang nangyari sa buhay mo? Wala na bang mas sasaklap pa sa namatayan ng tatay? Ok, it’s not his fault pero doble doble ang hirap na dinanas ko noon dahil iniwan niya ako ng walang pasabi.

Lumiwanag ulit  ang mukha niya. Bipolar batong taong ‘to? “So, would you accept it? I-i really need it.” his eyes looked weary then. Sinuri ko ang mukha niya, ang expressive niyang mga mata, ang matangos na ilong, ang labing nakangisi at yung paborito kong mole sa left cheek niya. Nakakalaglag panty parin, lalo na ngayon na parang mas lalo siyang naging super HOT!

Napangiwi si Patrick. Bigla akong natauhan. Hindi kaya tumulo ang laway ko? Lol! Inaalok parin niya ang kamay niya. Tinapik ko lang ito. “No thanks.” At tumalikod. Duh, siniseduce lang niya ako. You must be stronger than your desires Scarlet. Tama na ang kamunduhang pagnanasa! Errr.,

Ok. I understand. Take care.”

“Hi mga Anak…”  masayang bati ni mama. I’m relieved hindi kami naabutan ng ulan kundi babaha na naman ang daanan samin.

“Masaya ka ata?” tanong ni Liam kay mama,

“May good news ako.” Ngiting-ngiti siya samin ni kuya. This is exciting!

“Ano yun ma? This better be good huh.” Napaupo sa sofa dahil nahawa ako sa excitement ni mama.

“I GOT THE JOB! And guess what? Triple pa ang sahod ko sa current employer ko!” malapad ang ngiti ni mama.

“WOW! CONGRATS MA!” niyakap ni Liam si mama habang ako ay nginunguya pa ang weird na impormasyong nasagap ko.

“Wow, sinong may sabi?” medyo hilaw pa ang reaksyon ko.

“Tinawagan ako. Ni Patrick.” Napatigil sila sa pagsasaya dahil siguro involve na naman si Patrick. Napalunok ako. “Kelan siya tumawag?”

Tumaas na ang kilay ni mama. “5 minutes ago?”

Naramdaman kong bumalot ang kaba sa katawang lupa ko. 5 minutes? Diba kani-kanina lang nag-usap kami sa deal. Parang wala naman akong natatandaang pumayag ako dun diba? Anong nangyayari?

“Ok ka lang nak?” lumapit si mama sakin.

“O-opo ma.” Pinilit kong ngumiti. Hindi sa wala akong tiwala na kaya ni mamang makapasok sa kompanya nila pero ang weird lang ng mga timings ng mga pangyayari. Is he pulling a game against me?

Hayyyy, well then, I guess I have to play better.

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon