Chapter 42 - Game

96 2 0
                                    

Chapter 42 – Game

“Sorry, sorry Paul. Sorry talaga.” Dinaluhan ko muna si Paul bago ako kumaripas ng takbo para habulin si Patrick. Hinihingal pa ako nang makarating sa labas ng school. Wala na ni anino ni Patrick ang nagpakita. Bwiset naman oh, ngayon pang narealize ko nang pwede pa ang second chance.

Sinuyod ko pa ang buong paligid pero wala na talaga. Dyahe!

“Oo Bell, kay Patrick pala galing ang mga bulaklak na yun! Kaw talaga, napakamisleading mo!” bulalas ko sa bestfriend kong gulat na gulat.

“Sorry naman ano. Pero asan na siya? Umalis kasi agad nung matapos yung game. Uy, panalo kami kanina. The score is tied.” Bumelat pa ang isang ito kahit seryoso ako sa mga pinagsasabi ko.

“Pero Scare, sigurado ka na bang handa ka na ulit kay Patrick? Diba nasabi mung nag-iba na sya. Isa pa, diba sobrang dami na niyang mga babae? Panu mo nasisigurong hindi ka lang niya gagawing isa sa mga koleksyon niya? Ang dali mo naman atang magdesisyon.” Bigla akong nanlumo sa sinabi ni Bella. Masakit, pero may point siya. Baka masyado lang akong nagpapadala sa emosyon ko? Hai naku, bahala na!

Maaga akong pumasok kinabukasan para paghandaan ang volleyball match namin at para kausapin si Patrick. Nakita kong nagsisimula ng magwarm-up ang mga kasamahan kong maaga ding dumating. Wala pa si Patrick.

“Hi Scarlet.” Tumabi na naman sakin si Shane. Hay, pagtitirikan ko na talaga ng kandila ang self-esteem ko sa ganda ng katabi ko. Para akong gusgusing tao sa tabi niya.

Hi Shane.” Hindi ko mapigilang mapatitig sa perpekto niyang mukha. Ano bang secret ingredient ng angkan nila at napaka-goodlooking nilang lahat? TSsss.

“Hahai. Hindi na naman nadala si Bettina.” Umiling ito.

“Huh?” napatingin ako sa direksyon ng mata niya.

“Tingnan mo. Nakikipaglokohan na naman sa pinsan ko. Ganyan ba talaga ka irresistible yang pinsan kong yan? Kaya ikaw, sinabihan na kita ha. Anyways, goodluck sa match natin later.” Ngumiti ako sa patalikod na si Shane. Hindi matanggal ang titig ko sa dalawa. Nakaupo silang dalawa sa bleachers habang pinupulupot ni Bettina ang kamay niya sa braso ni Patrick. Napatingin si Patrick sa direksyon ko at bahagyang sumeryoso ang mukha. Iniwas ko nalang ang tingin ko. Hay, bakit ko pa kasi naisipang bigyan siya ng second chance eh napakawalang hiyang tao naman niya!

“Del Castillo. Kumusta na kayo nung nerd na yun?” biglang sumulpot si Patrick sa likuran ko.

“Bwiset ka!” yun lang ang tanging nasambit ko.

“Anong sabi mo?” biglang bumalandra sakin ang mukha ng galit na si Bettina.

“Na bwiset siya?” Tinuro ko si Patrick na kanina pa ngumingisi. Siraulo.

“Bettina. Kami na muna mag-uusap.” Pinigilan niya si Bettina na mukhang handa na akong sugurin.

“Anong nangyari? Bakit ka galit?” hindi parin natatanggal ang nakakabwiset na ngisi nito. Umigting na naman ang inis ko sa mukha niyang napakagwapo!

“Pwede ba. Wag mo akong kausapin. Dun ka sa mga babae mo!” umalis ako sa harapan niya baka mabigwasan ko pa’t masira ang mukha.

“Nagseselos ka lang.” sumigaw ito sa may di kalayuan. Puminta sa mukha ko ang pagkagulat sa nakakasuyang tugon niya. Bigla nalang siyang humalakhak sa kinatatayuan niya at naglakad palayo. Tuluyan nabang nasira ang ulo ng taong ito?

Tatlong lalake at tatlong babae kada team sa volleyball match namin. Pumila na ang kabilang team na sina Shane, Bella, Bettina, Doug, Harold na pinangungunahan ni Patrick. Habang sina Greg, Sherwin, Jeremy, Janine ats Nice ang mga kateam ko. Sana nga hindi magkalat ang mga ito na bago ko lang tinuruan.

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon