Chapter 22 - What you resist persists

96 1 0
                                    

Chapter 22 - What you resist persists

Pinutol ng teacher ang nakakaasiwang topic namin ni Patrick. Pagkatapos ng klase ay kumaripas agad ako palabas.

I don't care kung nagkandakubakuba ako sa malaking librong dala ko gusto ko lang makawala sa pambibwisit niya. I'm not ready to give this feeling up. No!

“Oi Scarlet, sorry kung na-awkward ka dun. Kasi naman…”

Hinahabol niya ako. Ayoko siyang pakinggan, gusto ko lang ay sabunutan ang sarili ako dahil naaapektuhan ako ng ganito. Kung alam ko lang na hindi ko kakayanin ang deal sana iniwasan ko nalang, bahala na kung hindi bumilib yung Maddieng yun. I have priorities and love was not on list. So not on the list!

“Scarlet.” Hinawakan niya ang braso ko. Napatigil ako. Dumaloy na naman ang pamilyar na kuryenteng laging bumibisita sa mga kaugatan ko. What the hell is he doing on my system?

“Scarlet, Patrick!” bungad ulit ni Gabriel. Nakatingin ito sa kamay ni Patrick na nakahawak sa braso ko. Agad naman yung binaba ni Patrick.

Ngumiti ako sa kanya. “O Gabriel.”

“Aayain sana ulit kitang magdinner. Kung pwede.” Tumingin ito kay Patrick na parang humihingi ng permiso.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Umoo na ako sa alok ni Gabriel. Tama na ang panggugulo ni Patrick. Iiwasan ko na talaga! I will resist!

Kitang-kita sa reaksyon ni Patrick ang pagkadismaya. Yung feeling na umaasa siyang magdadahilan ulit ako para tanggihan si Gabriel.

“Sige. Mauna na ako.” Tinalikuran kami ni Patrick. May parte saking gumuho. Sh!t! Kailangan ba talagang ganito ang maramdaman ko? This is not right, bakit masakit? Bakit nakakatakot? Bakit takot akong tuluyan siyang lumayo?

“Tara na?” sumakay na ako sa motorsiklo ni Gabriel medyo nasanay narin akong sumasakay dito. Kinuha ko ang helmet at kahit pilit ay nginitian ko siya. Mabuting tao naman si Gabriel pero ewan ko kung bakit parang may magnet na nakadikit sa utak ko at si Patrick ang opposite pole nito.

Nagdinner kami sa isa sa mga restaurant nina Patrick na nakainan na rin namin. Mamukhaan ko si Hugo na siya ring nag-entertain samin. They seem to know Gabriel too.

“Ano sa’yo?” bumaling si Gabriel sakin. Kanina pa ako tulala sa menu at wala pa akong napipili.

Sa totoo lang, tuluyan na akong nawalan ng gana. Parang bumabaliktad na ang sikmura dahil sa mga iniisip ko. Kung sana si Patrick ang andito, hindi na niya ako tinatanong ng gusto ko, pinagseserve na dito ang kung anu-anong mga pagkain.

“Excuse me Mr. Montero. On the house na po pala. We have a full dinner meal for two. If it’s ok for you, we’ll serve it.” Singit na tugon ni Hugo.

“Talaga? Sinong andito? Si Tito?” tumingin si Gabriel sa may kusina.

“H-ha. O-opo sir. Pero paalis na po sila.” Nagtaka ako sa pagkautal ni Hugo. Pero pinalampas na rin namin ni Gabriel.

Baby back ribs with fries, inihaw na pusit, pinakbet at isang bandihadong kanin. Napanganga ako nang hindi pa natatapos ang paglapag ng waiters ng pagkain sa mesa. Is this a meal for two? Yung totoo!

“Ayos ah.” Napahalakhak si Gabriel sa mga nakikita niya sa mesa. May mixed fruit pa at leche flan. “Teka, wala atang food na may cheese. Ooder muna ako.”

“Gabriel! Wag na! O-ok na’to. Masyado na’tong marami.” Sayang naman kung mahahaluan ang mga foods na’to ng cheese. Medyo nakonsensya narin ako dahil hindi ko pa nababawi ang pang gugoodtime ko sa kanya patungkol sa mga bagay na may kaugnayan sa ex niya.

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon