Chapter 35 - Changes

88 1 0
                                    

Chapter 35 – Changes

"Bye Scarlet..."

"Bye Patrick..." that moment revealed that I might not over him yet. Gusto kong manatili siya habang unti-unting sumasara ang pinto. Gusto ko siyang hatakin pabalik.

The door went narrow till a slight blast materialized. Namatay ang ilaw sa loob ng elevator at wala sa isip akong napasigaw ng malakas.

It all went back like when I was six. I'm trapped, nearly suffocated. Iniisip ko nga mamatay na ako nun.

"SCARLET!" sigaw ni Patrick sa labas. Halos hindi ko na siya marinig dahil sa pagsigaw ko pero dinig ko ang hampas niya sa bahagyang nakabukas na pinto.

"Calm down. Here, take my hand." siniksik niya ang kamay niyang kasyang-kasya lang sa nakabukas na pinto ng elevator. Walang pagdadalawang isip na hinagip ko ang kamay niya.

"Calm down alright? I'm gonna call for help. I'll be here. I'll never leave you." he sounds so calm.

Patuloy ang paghikbi ko. Bawat minuto ay humihigpit ang hawak ko sa kamay ni Patrick.

"Papa." iyak ko habang nanginginig sa takot. Elevators gonna f*cking kill me!

"Shhh baby. The power will be back, I already called. Tell me, what do you need?"

"G--gameboy." I was stuttering. Everything was blurred already. Ang konting ilaw na dala ng liwanag sa labas ay unti-unti ng nawawala. Then it went black.

"Scare?" I woke up in my room. Gabriel, Bella and Liam is there.

"You fainted. Dinala ka ng guard dito. Natrap ka sa elevator. But you're fine."

Tumango lang ako sa paliwanag ni kuya. Everything went clear. Ang elevator,  si Patrick. Do they know? Asan si Patrick ngayon?

I took dinner and everything went back to normal.

“Hi anak! Are you okay?” bati ni mama sakin. Hindi ako umimik. My hangover pa.

“Uhm. Bukas, may interview ako sa kompanya nina Patrick.”  Napatigil ako sa narinig ko.

“Bakit? Ayaw mo na sa current company mo?”

“Hindi naman. Pero malaki ang sahod sa kompanya nila nak. At malaki ang chance ko since dun naman dati nagtatrabaho ang papa mo.”

“Ganun po ba. Basta po. Wag na po kayong mag-alala sa allowance ko. Nakagawa na po ako ng paraan.” Tinahak ko na agad ang kwarto, it’s been a long day.

Kinaumagahan, naghanda na ako for school. Nahihirapan akong kumuha ng masusuot dahil lumaki ang katawan ko since highschool. Hindi naman sa tumaba pero in fairness humubog lang ng onti ang katawan ko.

“Scarlet?!” nanlaki ang mata ni Ethan nang makita niya ako.

“Dapat araw-araw kang ganyan. Mas gumanda ka pa lalo.” Ngumisi ito. Binatukan tuloy ni Gabriel. Nihead to foot naman ako ni Gabriel.

“Bakit ka nagpapasexy?” tumaas ang kilay niya.

“Magsitigil tigil nga kayo! Hindi ko na masuot yung mga pants ko kasi lumaki ata ako. Hmp! Ito lang yung nagkasya.” Pinasadahan ko ng hawak ang skirt na sinuot ko. Hindi kasi ako nagsusuot ng ganito kaya nabigla sila.

“Wow! Ang lawak naman talaga ng school grounds! Tsaka ang daming estudyante! Ang dami pang gwapo!” nanggigil si Bella nang inikot namin ang buong campus. “Siguradong magkakalovelife tayo dito Scare!”

“TSSS! Grumaduate na ako sa mga ganyan Bell. Ngayon no room for mistakes na ako. Concentrate. FOCUS!” Ngunit nang binigkas ko ang salitang ‘FOCUS’ ay nahagip ng mga paningin ko ang isang matipunong lalake. Nakacheckerd poloshirt na sinapawan ng leather jacket. Nandun parin ang usual na magulong buhok. Pero. Ngumingiti na siya – sa mga babae. He’s changed. He’s not my Patrick anymore.

But should I approach him? Hindi niya ako iniwan kahapon though I don't know what happened next? I should say thank you at least. Pero nagwagi ang kaba ko.

“Tara na Bell. Ah, dun tayo sa kabilang building!” tinuro ko ang kung anong building nayun para maiwasan ang flashbacks sa utak ko. Pero hindi ko maiwasang maitanong, nag-aaral din siya dito?

Natapos na rin ang mga introductions and knowing to know each other. Magclassmate kami ni Bella sa lahat ng subjects, late enrollees kasi kami kaya yun, halos maubusan na ng units. Nauna na si Bella dahil may gagawin daw.

“Ohhh~~~” ungol sa kung saan. Shet! Tumindig lahat ng balahibo ko. Haunted school ba’to? Madilim pa naman. Aalis na sana ako nang…

“You naughty boy.” Boses ng babae. OMG! Para may nag-aano… Hinanap ko ang boses. Nasa dulo na pala ako ng building kaya medyo liblib, wala ng tao at gumagabi na. Sumilip ako sa gilid ng mga locker. Shet!

May naghahalikan! Napanganga talaga ako. Ganito ba’to dito? Tinangka kong umalis pero...

“You’re such a tease...” husky voice of a man. From—from a man I used to know. Sumilip ulit ako para kompirmahin. Nakatalikod ang lalake while he’s pinning the girl on the wall. Hindi ko maaninag ang mga mukha.

“Baka m-may makakita Patrick.” Lumipad na talaga sa bigbig ko ang aking palad. Siya nga! They’re making out on school premises! AMBABASTOS!

Nabwesit na talaga ako kaya medyo umuga ang locker. Bumagsak ang mga nakapatong na karton doon. Bago pa ako mahuli, kumaripas na ako ng takbo. Na may luha sa mga mata.

He has changed.

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon