Chapter 5 - Meron

130 2 0
                                    

Chapter 5 - Meron    

"Idaan mo nalang din ako sa carwash Gab. Kanina pa yun eh." sumisiksik si Patrick sa backseat. Hindi ako masyadong makagalaw dahil sa sprain pero pinilit ko parin para hindi magkadikit ang mga balat namin.

“Wait, do you have license to drive?” dumungaw ako sa walang imik na si Gabriel.

“Relax, I’ve eyes everywhere, walang LTO sa daan.” Unang beses kong nakausap ng matino si Gabriel. Sabagay, maging si Liam nga kahit 17 pa ay nakakapagdrive kahit saan, dapat maging mapagmasid ka lang sa mga surprise check-up. But still, this is illegal huh!  

Napakadistracted ni Bell habang tinuturo kay Gabriel ang daan papuntang bahay kaya ang ending ay ako ang nagdidikta. Baguhan pa talaga ‘tong kaibigan ko, maturuan nga.

“Kumanan ka sa susunod na likuan.” Turo ko. Sinundan ko lang ng tingin ang daang tinuro ko dahil sa halip ay dumiretso siya. Hindi niya ako sinunod.

"No, you should have taken the next right turn. I told you. Malayu-layo na'to dito, hindi mo na madadaanan yung carwash." nag-uumpisa na akong mapikon kay Gabriel. Yung totoo? Si Patrick ba yung engot o siya? Pumipitik na ang ugat ko sa ulo sa inis lalo na nung humahalak siyang parang nananadya! I really hate him!

"Sorry, is there something wrong?" nakataas na ngayon ang kilay ko. Isa pa at babatukan ko na talaga. Bahagya siyang lumingon pero hindi niya tuluyang natumbok ang posisyon ko pwera nalang kung kaya niyang paikutin ng 360 degrees ang ulo niya. Sa rearview nalang siya nagsettle.

"Does it still hurt? I'm thinking of dropping by Mcdonalds kaya dumiresto ako. It will be fast." he smiled. Biglang kumalam ang tiyan ko sa sinabi niya. Oo nga, it’s lunch time at gutom na ako.

"Hindi na siguro. Baka kasi mamaga pa ang ankle ni Scarlet. We'll take taxi from here." sabat ni Bella. Napalingon ako sa kanya. Pahamak talaga tong si Bella, may misyon pa akong tinatapos! Sino ba talaga ang engot? Si Patrick, si Gabriel o itong inosente kong bestfriend? Kita na ngang may misyon ako nag-iinarte pa. Grabe!

"No it's ok Bell. Gutom narin ako. Tanghalian narin." nagkunwari akong tumingin sa relo ko for props. Lumingon si Bella and I threw her a wag-ka-nang-kumontra look. She sighed.

"Sure ka ha? Inuuna mo pa yung sikmura mo kaysa jan sa injury mo." Gosh, nagmukha tuloy akong PG (patay-gutom). Pero infairness magaling ang segwey niya para di mahalata ang secret language namin. Now she's getting me.

Todo alalay si Patrick sakin. It still hurts you know, pero di 'pa' naman namamaga. Si Gabriel ay dumiretso sa loob. Kahit si Bella man lang di niya pinagbuksan ng pinto. Di ba uso sa kanila ang salitang 'gentleman'? Gosh! Where are the manners?!

Hindi na ako nahiya't umorder ako ng 1pc chicken meal with extra rice. Mahilig kasi ako sa kanin. Ganun din si Bella, magbestfriends talaga kami.

"Kayo lang ang nakita ko sa school natin na ganyan kalakas kumain." napahinto ako sa sinabi ni Patrick. Ano yun, compliment o insulto? Ipit na tawa ang sinagot ni Gabriel. Bumaling ang tingin ko sa kanya. Kahit kelan bastos talaga 'tong taong to!

"No. Pls don't mind what I just said. I mean it as a compliment. Bihira lang kasi ang tulad niyo." Utas niya bago sumubo. Good. Mabuti na't malinaw. I just replied a smile. And as for Gabriel, I hate him officially.

Nagkakwentuhan kami ng kaunti ni Patrick. Di ko parin siya feel kahit gwapo siya pero dahil medyo may sense siyang kausap pinatulan ko na rin. Sina Bella at Gabriel naman, kung pwede lang magpasound effect ng mga kuliglig sa background para medyo may ingay naman.

"Ya. I have a dog. Husky din. Si Dagger." kwento ko. Mahilig pala si Patrick sa aso.

"Dagger? Meron din akong pet Dagger." at ngayon sumisingit na si Gabriel sa usapan.

"He means yung motor niya, Dagger din yung pangalan." paliwanag ni Patrick. Tumango lang ako. I don't even want to look at Gab's face na walang kaemoemosyon.

“Ow? I thought you treat those stuffs, uh your bikes, as your ‘bride’ bakit sa’yo pet lang?” sambit kong medyo may pinaghuhugutan.

Ngumisi lang si Gabriel. “I have many of those stuffs, uh bikes, Scarlet. I have my bride, I have my toy, and I have my pets. It just that Dagger happens to be my pet.” Umusok ang ilong ko sa angas niya. Unang beses niyang binaggit ang pangalan pero pakiramdam ko ay nababoy ang pangalan kong iyon. Masyado siyang suplado, hindi ko gusto ang tabas ng dila niya.

"How does it feel na laging first honor? Boring ba?" nakakabadtrip na tanong ni Gabriel.

"Being boring is not because nag-eexcel ka sa klase. Kung boring kang tao, problema mo talaga yun." Mariin kong sagot sa kanya. This time, this is not about the plan, inis talaga ako sa kanya na gusto ko syang tirisin.

“Gab.” Matalim siyang tiningnan ni Patrick pero patuloy lang siya sa pagngisi at pagsubo.

"Bakit parang highblood ka? Meron ka ba?" the hell with his manners! Umakyat ata lahat ng dugo ko sa ulo. I hate him. I hate him, did I already say I hate him?

"Alam mo, minsan lang akong mahighblood. Una, kapag nagkakamali sa isang madaling tanong sa test, pangalawa pag iniistorbo ako sa pagtulog at pangatlo pag may kaharap akong bastos at taong walang modo. At oo, highblood ako, at wala sa choices ang sinabi mo. Tara na nga Bell!" tumayo ako. Ayokong masira ang walkout face ko kaya ininda ko ang sakit ng paa ko. Hindi pa tayo tapos Gabriel!

"Ahhhhh Ansakit ng paa ko!" nagdadabog ako sa loob ng taxi. Pinilit ko kasing maglakad ng diretso kanina. Masyadong lang ding nag-aalab ang galit ko sa taong yun kaya hindi ko napansin ang sakit. I really got into my nerves!

"Gusto ko siyang tadtarin ng pinong-pino! Bastos talaga! Mas maganda pa yung breeding ng aso ko! Bwisit!" I don't care kung marinig ni manong driver basta galit na galit ako. I am certain we can’t be friends even if we say we met in a different circumstance, hindi ko parin masisikmurang maging kaibigan!

"O ayan. Ginusto mo yan ha. Diba sabi ko sa'yo, tigilan na natin 'to. Ayan, nasprain ka na nastress ka pa."

"Bella! Are you with me?! Sana sinungitan mo din yung ungas na yun ano. Palibhasa speechless ka kay Patrick." inirapan ko siya. Siya narin nagbayad ng taxi dahil kumaripas na ako papasok ng bahay.

Damn Gabriel Froilan Montero, you'll regret this in your whole life!

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon