Chapter 25 - History

94 1 0
                                    

Chapter 25 - History 

Naputol ang usapan namin ni Patrick nang dumating si Debbie.

"Oh, LQ?" ngumiti ito samin. Alam naman niya ang pretend relationship namin ni Patrick kaya kahit alam kong may gusto siya kay Patrick ay hindi sarcastic ang pagkakasabi niya. Confident siya dahil alam niyang she's too much of everything para di magustuhan ni Patrick, as for me.

Bigla akong nanliit. Ako naman ang sinabihang 'gusto' diba? Pero bakit ang liit parin ng tingin ko sa sarili ko? O baka naman niloloko lang ako ni Patrick? Or baka narerealize niya na ang mga sinabi niya ngayong nandito na ulit si Debbie? Iba parin ang may past, malalim yun na alam kong hindi ko kayang punan dahil mababaw lang ang pinagsamahan namin.

"Sige, mauna na ako." tumalikod na ako at pumara ng taxi. Lang'ya! Sa tanang buhay ko ngayon lang ako ginapangan ng insecurities at totoo pala talaga, kahit katiting na bagay na hindi mo napapansin sa iba ay kinaiinggitan mo sa kanya, tulad ng red lipstick na sinuot niya, gusto ko rin ng ganun!

Nakauwi na si papa sa bahay at tuwang-tuwa akong nakikita siyang malusog ulit. Bangka na naman siya sa kwentuhan, nakakatuwa ulit house arrest days ko.

Nagdaan ang isang linggo at naagapan ko ang kapalpakan na ginawa ko noong last week. Bumawi ako sa oral recitation at sa mga board works para naman maimpress ulit si Mr. Yuzon. Gumagana na ang utak ko kahit hindi ulit ako kinikibo ni Patrick. Bakit kaya?

Excited na din akong matapos ang linggo dahil intramurals na next week and it's going to be fun! Gusto kong maglaro para maibsan ang pangungulila ko sa isang tao.

Masaya kong tinatahak ang gym para magpraktis ng volleyball. Ok na sana pero humarang-harang na naman si Maddie sa daanan ko.

"Oh. Bakit parang madalang nalang kayong magkasama ni Patrick? Hindi na kinaya si Debbie?" saan ba talaga may galit 'tong si Maddie? Sa lahat ng nalilink kay Patrick o sakin personally? Bakit ang galing mambadtrip?! Pero fvck this name, fvck this status, I don't care. Hindi ko na kailangan magpanggap para tanggapin ng mga tao, kung hindi nila ako gusto, then it's there problem! I DON'T CARE ANYMORE!

So I blurted the magic words para tapusin na'to lahat.

"Break na kami."

Hindi ko na hinintay ang reply niya at tinalikuran na sila.

At sumigaw pa talaga para mas lalo akong inisin! "You deserve that!"

TSSS! Eh di mamatay ka sa saya. Sana kinaganda mo yan!

As expected naglaro ako ng volleyball for our team. Isang team each sections, unang opponent namin ang Junior team sa kabilang section.

Magaling akong spiker kaya naagaw ko lagi ang atensyon ng madla. But this time, I can see may kahati na ako, dahil sa kabilang junior section, spiker din si Debbie.

Mahahaba ang legs nito at ang kinis pa. Kainis! Sana ganun din sakin. Napatingin tuloy ako sa legs ko, ok naman siya, medyo kinapos nga lang and I admit, hindi ko kinaya si Debbie sa part na'to.

"Let's give the audience a good fight." inabot ni Debbie ang kamay niya. Bakit parang feeling ko hindi bola ang pinag-aawayan namin dito? Ano kayang nangyari at parang masama ang timpla nito? Kinamayan ko narin siya.

"Pat!" iniwan niya ako para tumakbo papunta kay Patrick na nakajersey. Bumalik nalang ako sa pwesto ko at pinilit na hindi magpadistract. Pero nakita ko sa gilid ng mga mata ko na inabutan niya ng tuwalya at tubig si Debbie. ANG SWEET HA! PUCHAKS! Ako ang girlfriend pero asan ang sakin? Wait, break na pala kami. GRRR!

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon