Chapter 24 - Friend

98 2 0
                                    

Chapter 24 - Friend

Nakasandal ako sa balikat ni Liam habang naghihintay ng balita. Buong magdamag akong nag-iiiyak. Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama kay papa. Umaatake na naman ang sakit niya sa puso. Humagulgol ulit ako at pinatahan nalang ni kuya.

Naisip ko rin ang pagiging aligaga nina mama at papa these past few days malamang dahil sa trabaho. Kaya siguro humantong sa pangyayaring ito, masyado nang nasistress si papa.

"Mga anak. Umuwi muna kayo. Stable na daw ang papa niyo pero under observation pa. Ako nalang ang magbabantay dahil may mga pasok pa kayo."

Matamlay na ginulo ni mama ang buhok ko.

"Ayoko po, babantayan ko po si papa." umiling-iling ako. Ayokong iwanan si papa. Kahit hindi ako matulog, babantayan ko siya. I felt so guilty dahil hindi ko man lang sila natanong sa mga problema nila, masyadong akong pre-occupied as sariling kong nonsense problems. Gusto kong bumawi.

"Wag nang matigas ang ulo! May pasok ka pa bukas. Liam, kaw na muna magdala ng sasakyan tapos dalhin mo nalang bukas ang mga gamit ng papa mo. Dito muna si Epi para may katulong ako sa papa niyo. Ihatid mo 'tong kapatid mo. Scarlet." Tinapunan niya ako ng ‘wag-ng-matigas-ang-ulo-look’.

"Opo ma. Sige po." bumaling silang dalawa sakin na pasinghap-singhap sa gilid.

"Tama na nga yan, ok na si papa." ginulo ni Liam ang buhok ko at niyakap, tinapik din ni mama ang balikat ko at bumaling na sa doctor na kakarating lang.

Tuliro ako buong magdamag. Ang daming problema! Hindi ako mapakali sa kalagayan ni papa kaya hindi talaga ako nakatulog.

Tuluyan nang namugto ang mga mata ko. Hindi ko parin hinuhubad ang shades ko dahil katakot-takot na eyebags ang namayani sa mga mata ko. Pero minsan may benepisyo din ang pagsusuot ng shades dahil nasisilayan ko ang kapogihang angkin ni Patrick na hindi nahahalata. Pero mas lalong sumikip ang dibdib ko nang makita kong sabay silang dalawang ni Debbie sa hallway, kumaway si Patrick kay Debbie na papunta narin siguro sa klase niya. Ang sakit aminin but - they look good together. Hayyy! Kung mamalasin naman oh, sabay-sabay pa!

"Ms. del Castillo!" pasigaw na usal ni Mr. Yuzon. Tumuwid ako sa pagkakaupo. Kanina pa pala nagkakagulo ang lahat pero tulala parin ako.

"Assignment mo nalang ang wala dito." tinaas niya nag kabundok na papel na hawak-hawak niya.

Biglang nag sink-in sakin ang mga pangyayari. Patay! Hindi ko na naalala ang assignment dahil kagabi! Shet! Tuluyan na talagang nawala sa isip ko. 

"W-wala po akong assignment sir." yumuko ako sa kahihiyan. Unang beses kong malagay sa sitwasyong ito. Napalingon si Patrick sakin, malamang nagulat siya, malamang hindi. I don’t get a fuss on it anyways, mas malaki pa ang ibang problema ko kesa sa isang assignment na hindi ko nagawa sa buong buhay ko.

"Unusual. Ok class get one whole sheet of paper and answer these equations." nagsulat na siya sa pisara. Parang sumasayaw ang mga math signs sa ulo ko. Napabuntung-hininga ako nang tiningnan ko ang papel kong wala ni-isang sagot. Tanggap ko na mangangamote ako sa quiz na’to, I’ll just let this day pass, bawi nalang ako sa susunod.

Scares and TricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon