Bulletproof 3

111 4 1
                                    

Napahigpit ang paghawak ko sa camera. Lumapit si Tita kay Yoongi at hinawakan ito sa balikat.

"Anong oras ka nakauwi? Akala ko sa susunod na araw ka pa makakauwi."

Binaba niya ang hoodie niya at tinanggal ang cap niya. Inayos ni Tita yung buhok niya, nagulo kasi ito ng tinanggal niya ng kanyang cap. Malumanay niyang tiningnan si Tita pero nang tumingin ito sa akin ay bigla itong lumamig. I swear I feel my backbone tingling.

"Si Lily yung sinasabi ko na fan ng BTS na palaging kumakain dito. Isa itong ARMY Yoongi."

Tita giddily said. Kumunot ang noo ni Yoongi habang nakatingin sa akin. I swallowed my saliva. Hindi ko sinasadya. Akala ko kasi isang fanboy tapos.. tapos... GAHHHH spare me! Yoongi hindi ko sinasadya! I know how hot tempered Yoongi is. Kinulit ko pa siya kanina. Tiningnan ako nito ng maigi pagkatapos ay huminga ng malalim.

"Anong nangyayari dito?"

Napatingin ako sa kakarating na si Ahjussi. Ahjussi~ please save me.
Nagulat ako sa pagbow bigla ni Yoongi.

"Nakauwi na po ako."

Sabi nito ng pormal pagkatapos ay tumayo ng maayos. Tumingin ako kay Ahjussi na may hawak na Ramyeon sa kamay. Nilagay niya sa table ang Ramyeon bago tiningnan si Yoongi. Nagkatitigan sila ng ilang segundo bago ibinaling ni Ahjussi ang mga mata niya sa akin.

"Yung Ramyeon mo."

Sabi ni Ahjussi sa akin. Tumingin si Yoongi sa akin. He gave me a confused look. Tiningnan niya ang Ramyeon na nilagay sa mesa pagkatapos tingin ulit sa akin. Binigyan niya ako ng galit na mga mata. I was scared but as long as I look in his eyes. The mixture of anger and pain are in there. Or maybe I was wrong. He is just angry.

"May bagong album na naman kayong ginawa?"

Pormal na tanong ni Ahjussi.

"Opo."

Sagot ni Yoongi. Feeling ko habang tumatagal parang may tensyong namumuo. Napakagat ako ng labi. They are just staring each other. Nakita ko rin ang pag aalala sa mukha ni Tita.

"Ah! Ha. Ha. Ha. Ahjussi~ maraming salamat sa Ramyeon!"

Pumalakpak pa ako. Bahala na kung mapahiya hindi lang mag kasagutan ang mag ama.

"Bayaran mo yan."

Sabi ni Ahjussi bago tumalikod.

"Yahhh Ahjussi!"

Sigaw ko. Narinig kong tumawa si Tita. Nginitian ko ito.

"Ahjumma~ kamsahamnida."

"Sige na kumain kana. Yoongi ano gusto mo? Beef stew."

Umupo ako na parang wala akong naririnig. Nakakahiya talaga! Hindi ko naman kasi alam na si Yoongi yun. Ahhhhh! He hate me now!!

"Ramyeon Ma."

Napatingin ako kay Yoongi. Nanliit ako ng nakatingin ito sa akin na tila may kasalanan ako. Umubo ako at yumuko.

"O sige sige. Madali lang to hah. Lily kumain kana diyan bata to oh!"

Hilaw na ngiti ang naibigay ko kay Tita. Ah ano Tita. It's truly an honor to be with Yoongi but please wag mo naman ako iwan ngayon. I know how savage he is. The KING of savages!

"Tsss."

Rinig ko sa harapan. Hinay hinay akong tumingin. Nakatingin ito ng masama sa akin. Yumuko ako at lumamon ng napakaraming Ramyeon. Nakalimutan kong mainit at maanghang ito dahilan para mapaso ang dila ko at kinuha yung basong dala ni Tita. Napasigaw ako. HOT CHOCO NGA PALA TO!

The Bulletproof Fan (Forever) Series IIWhere stories live. Discover now