Natapos nalang yung fansigning lutang pa rin ako. Hindi nga ako nakapagpaalam ng maayos kay Yoongi.
"Seriously?! Bakit sila lumipat?!"
Napatigil ako ng ma realize ang mga taong nakatingin sa akin sa bus.
"Aish! Jinjja?!"
Bulong ko. Nagbow ako sa mga napatingin sa akin. Napakagat ako ng labi at yumuko na lamang. This is embarrassing. Napapikit nalang ako at tumingin sa bintana. I touch the glass of the window and tried to write Bangtan in hangul.
"Well the building is too old and they only own the 3rd floor. Maybe BangPD decided to get a bigger space."
Sayang lang talaga. Hindi pa ako nakapasok doon. I want to see their old practise room and their office. I didn't notice that i'm biting my fingers. Tinigil ko ito at tiningnan ang relo ko.
"Eh? It's already 1pm."
Di ko man lang namalayan. Tumingin ako sa labas. Mukhang malapit na ako sa bus stop. Hinanap ko ang aking phone para tingnan kung may nagtext o tumawag. Napatigil ako ng may naalala at tumawa ng konti.
"Sino naman ang magtetxt sayo eh si Ahjumma busy, si Shin busy at si Luke ewan ko kung saang lupalop."
Nagpakawala ako ng malakas na hininga. Kumunot ang noo ko ng marinig ko ang tunog ng phone ko.
"Sinong tao naman-"
Napatigil ako ng makita ang mensahe ni Ahjumma.
'San ka?'
Huh? Naulyanin na. Alam niya namang nasa Seoul ako tapos pinadala niya pa nga yung damit ni Yoongi.
'Ahjumma~ nasa Seoul po ako.'
Sagot ko. Biglang tumigil ang bus.
"Ommo! Baba na ako."
Agad akong bumaba. Napatingin sa akin ang mga taong nakatayo sa bus stop. Nahihiya akong nagbow bago tumakbo paalis. Tumigil ako at naglakad sabay lingon lingon sa paligid.
"Nagugutom na ako."
Wala akong alam na kainan dito. Well except the one near the Han River. Tumitingin tingin ako sa paligid baka sakaling may makita akong kainan. Tumingin ako sa phone ko. Uy dalawang mensahe. Binuksan ko ang mensahe ni Ahjumma.
'Ahjumma?'
'Kumain kana?'I don't know why is ahjumma always sending me 'ahjumma?' kahapon ganun din yung text niya.
'Naghahanap pa po ako ng kainan.'
Napatigil ako ng makita ang isang restaurant. Walang masyadong tao. It's already 2pm Lily.
"Samwon Garden?"
Tumunog ang bell ng pumasok ako. Ngumiti ako ng makita ang nakangiting babae. She has this long blonde hair and a curl at the tip of it.
"Annyeonghaseyo! Welcome to Samwon Garden!"
Umupo ako sa mesa na may apat na upuan yung malapit sa bintana. Wow the place is huge. This is good for group of friends to eat. Napanganga ako ng makita ang isang garden at meron itong falls. May kainan sila sa labas at doon mo makikita yung garden na may falls.
"This is our menu. Our signature foods are beef short ribs, rib soup and rib eye soup."
Napapasulyap ako sa labas pero agad ko rin tinuon ng pansin ang menu. It's quiet expensive for a single person that's why you have to bring your friends if ever you have friends but I have none so I have to deal with it.
YOU ARE READING
The Bulletproof Fan (Forever) Series II
FanfictionMy LIFE became colorful because of them I decided to live more because of them Their smiles, laugh and group hug is the only thing I need in my LIFE As long as they are complete and happy I WILL BE THEIR FOREVER ARMY