"ARMY ka rin?"
Hindi ako sumagot. Ba't ka nandiyan? Pwesto ko yan. Yumuko ako para hindi makita ang mukha ko.
"Camera shy kaba?"
Natatawa nitong sabi. Nagtiimbagang ako. Naiinis ako sa kanya. Naiirita ako sa boses niya. Inisturbo niya ang pagtulog ko.
"Sa playground po ka-"
Agad kong tinakpan ang bibig niya. Ibubuking pa yata ako kay Mama! Kainis tong babaeng to! Lahat nalang pinapakiilaman niya.
"Ma~"
"Yoongi anak~ nandito ka?"
Tumingin ako sa paligid. Ngumiti ang Mama ko sa akin. Sinimangutan ko ito.
"May hinahanap ka no."
Hindi ako sumagot. Tumawa ito bago umiiling na umaalis.
Hindi ko alam isang araw nagising nalang akong hinahanap siya. Ni hindi ako mapakali kong hindi ko marinig boses niya o makita. Umuuwi ako ng Daegu kahit mahirap sa schedule. Ba't kasi doon siya? Pweding sa Seoul nalang siya para mas malapit.
"Wag ka nang pumuntang music show."
Napahinto ito sa sinabi ko. May pasa siya sa labi at may sugat sa leeg. Pumunta ba siya doon para makipag away?! Kahit kailan tong babaeng to mahilig sa eksena. Kung nagagalit siya masyado siyang maingay kaya sinusunod ko nalang inuutos niya.
"Autograph nalang ng ibang members."
Ni hindi kita magawang ipakita sa iba kasi gusto ko ako lang. Oo nagalit ako noong sinabi mong magkaibigan lang tayo. Pero natakot ako noong nagalit ka dahil sa kaibigan ko. Nakakatakot kang magselos! Tangna kahit lasing ka para akong tangang kinakausap ka kasi ayaw mong maniwalang gusto kita! Pinigilan ko pa ang sarili ko kasi nirerespeto kita!
"Lily?!"
Nung matagal kang umuwi muntik na akong tumawag ng pulis akala ko ano na ang nangyari sayo. Kinabahan ako ng umiiyak kang umuwi nun. Papatayin ko talaga ang gagong gumawa sayo nun!
"Hello Namjoon! Bilhin ko yung camera mo! Yung sayo hah! Yung hindi mo ginagamit. May bigay naman ang ARMY sayo. Wala na akong time para bumili sa labas. Babayaran kita mamaya."
"Bakit Hyung?"
"Basta! Babayaran kita mamaya!"
Tinawanan ako ni Namjoon ng malaman niyang sayo ko binigay ang inutang ko. Ibibigay lang sana niya ito pero binayaran ko siya. Gusto ko sa akin dapat galing!
"Yoongi saranghaeyo."
Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya. Ilang camera ba ang gusto niya? Pagbibiro ko sa kanya. Feeling ko naging kompleto ako.
"Hah? May sched tayo ngayon?"
Tanong ko. May usapan kami ni Lily na uuwi kami ng Daegu. Pagkatapos ng photoshoots namin ay dumeretso ako sa recording. Oo inaamin ko nakalimutan ko. Naging abuso ako kay Lily. Akala ko kasi mananatili lang siya.
"Pabayaan mo muna kami Lily."
Sabi ko bago sinara ang pintuan. Nagkagulo kami sa loob. Ni hindi ko magawang makilala ang mga kaibigan ko pati sarili ko. Ilang araw akong hindi nagpakita kay Lily naguguluhan kasi ako.
"Namjoon alis muna ako."
Tumango si Namjoon habang nakahawak sa noo niya. Hindi kami makatulog ng maayos. Si Jimin nagbabad kakasayaw. Pagpunta ko sa apartment niya may kasama siyang iba kaya sinara ko ang pintuan at umalis doon. Galit na galit ako. Nagseselos kasi ako. Hindi mo man lang sinabi sa akin na may pupunta doon na iba.
YOU ARE READING
The Bulletproof Fan (Forever) Series II
FanficMy LIFE became colorful because of them I decided to live more because of them Their smiles, laugh and group hug is the only thing I need in my LIFE As long as they are complete and happy I WILL BE THEIR FOREVER ARMY