Special Chapter

75 0 0
                                    

"Arghhhhh sino ba yan?!"

Bumangon ako sa aking higaan. Ang aga-aga nang iisturbo. Kanina pa tumutunog ang door bell ko!

"Nasaan ba si Yul?"

Tumingin ako sa paligid. Nakita ko ang isang sticky note na nakalagay sa ref ko.

"Unnie! Nasa grocery ako. May pagkain na sa mesa. Bye~"

Napatingin ako sa mesa. May mga pagkain na nakahanda. Tumunog ulit ang doorbell.

"TEKA!!"

Sigaw ko. Dinikit ko ulit ang sticky note at agad naglakad papuntang pintuan. Agad bumulaga sa akin nakasimangot na lalaking nakasuot ng cap. May dala itong box.

"May padala po kayo Ma'am."

Sabi nito. Nagtataka ko itong kinuha.

"Permahan niyo lang po dito."

Halatang naiinis na yung lalaki. Madami pa siguro itong pupuntahan. Agad ko itong pinirmahan at pumasok ng bahay.

"Mabigat ng konti."

Walang pangalan sa labas. Malinis na malinis ito.

"Ano to?"

Ginalaw ko ito ng konti at pinakinggan ang nasa loob.

"Baka naman bomba ito?! Alam naba ng mga fans kong saan ang bahay ko?!!"

Nanlaki ang mata ko at agad tumakbo at nagtago sa sofa.

"Ayaw ko pang mamatay!!! Magbabagong buhay na po ako! Lord! Patawarin niyo po ako! Hindi ko na susundan ang mga celebrity!"

Nakapikit kong sabi. Mga ilang minuto akong nanatili sa sofa pero nang walang nangyari ay lumabas na ako. Lumapit ulit ako.

"Baka naman pagbukas ko doon ito sasabog!"

Para na akong baliw dahil hindi mapakali. Ilang minuto akong nakatingin sa box hanggan napagdesisyonan kong buksan ito. Huminga ako ng malalim bago binuksan ang box. Binuksan ko ang aking mga mata ng walang nangyaring pagsabog. Tumingin ako sa laman ng box.

"Te-teka?! Ito yung bagong labas na camera ah!!"

Agad ko itong kinuha sa box at tiningnan. Katulad ito ng brand ng nasirang camera ko pero ito yung bagong labas nila. Pinag iipunan ko pa lang na bilhin ito!

"Ottokae!? Baka naman maling address napadalhan nito!"

Tiningnan ko pa ang mga materyalis sa loob. Kompleto ito. Nangmakakita ako ng papel ay agad ko itong kinuha at binuksan. May halong Hanggul ito at English ang pagkakasulat.

"Hello Dispatch,
Pasensya kong natagalan ang pagpadala ko ng camera mo. I'm sorry for ruining your camera. Alam kong mahalaga ito sayo kasi diyan ka kumikita but your job is inappropriate. YOU'RE invading someone's privacy. Wala rin naman talaga akong pakialam sayo. Kampante rin ako kung susundan mo ang Bangtan. Wala rin ka namang mahahanap na issue sa kanila. But please try to respect them. They are human and they can also feel uneasiness too.

By the way try using your talent to a good way. I know you are better than this.
-ARMY~"

Ito ba yung babae na nagsira sa camera ko. Yung kasama ni Yoongi. Napailing ako at ngumiti.

"Pwede mo namang hindi palitan yun."

Ibang klase rin itong fans ng nila.

"Tumigil na nga ako kakahanap ng ebidensya para sa Bangtan. Nilalamig lang ako kakahintay sa labas at nauubos pera ko tsk!"

Natatawa kong naaalala ang nangyari. Wala talaga akong mahanap sa kanila. Kakaiba silang lahat pati fandom nila.

The Bulletproof Fan (Forever) Series IIWhere stories live. Discover now