Bulletproof 13

90 2 0
                                    

Ano nga ang nangyari? Bakit nasa iisang table kami ngayon? Nandito si Yuri sa table namin. Si Ahjumma nakatingin sa amin.

"Yuri ano ang gusto mong kainin?"

Tanong ni Ahjumma. Uminom ako ng tubig.

"Ramyeon po."

Sabi nito. Ngumiti si Ahjumma pagkatapos tumingin ito sa akin.

"Lily iha sabay muna kayong kumain ni Yuri hah. Shin wag magulo!"

Tumawa si Yuri. Tumango ako bilang sagot. Hindi ko alam pero na aawkward ako. Nakakahiya ka Lily. Uminom ulit ako ng tubig.

"Unnie naubos mo na yung tubig mo. Ano ba yan! Yuri ito nga pala si Lily Unnie. Masungit pero okay naman."

Sinamaan ko ng tingin si Shin. Nagpeace sign ito. Narinig kong tumawa si Yuri.

"Magkakilala na kami. Nakita ko siya noong bumisita ako dito pag uwi. Pinakilala ni Tita sa akin."

Nakangiti nitong sabi. Awkward akong tumango. Nagulat ako sa pagtingin niya pero ngumiti ito kaya ngumiti na rin ako. Langye talaga ang awkward naman! Teka siya yung nakita ko sa posti kaninang umaga ah! Pero tumakbo siya ng makita ko siya. Matanong nga.

"Diba ika-"

"Nagkita na ba kayo ni Yoongi?"

Napatigil ako sa tanong ni Shin. Napansin kong nanigas si Yuri pero ngumiti rin ito agad kay Shin.

"Hindi pa eh~ tuwing pumupunta ako dito wala siya."

Hah? Magkasama kami ni Yoongi kanina. Baka di niya nakita. Napahawak si Shin sa leeg niya.

"Kasi si Yoongi-"

"Ano kaba? Syempre alam ko. Sa sikat ba naman ng grupo nila. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa kanila. at ang daming ARMYs sa lugar namin no~. Sa wakas natupad na rin ang pangarap niya."

Naging awkward ang ngiti ni Shin. Nalilito ako sa mga pinag uusapan nila.

"Oo nga eh~ kaya nagiging busy na siya. Minsan lang siyang umuwi."

Sabi ni Shin. Ngumiti si Yuri.

"Buti di na siya pinagalitan ni Tito at pinigilan."

Tumawa si Shin at pumalakpak.

"Wala na! Sumuko na si Tito. Pumunta nga sila sa Concert ng BTS eh tapos doon sila nagdrama."

Is she talking about the Concert kung saan nagsi-iyakan ang Bangtan. Lumuhod pa nga si Yoongi nun nang makita niya ang parents niya sa crowd. First time nun umattend ng parents ni Yoongi. Alam ko kasi balita yun pagkatapos ng Concert sa Seoul ng Bangtan. Hanggang laptop lang ako noon eh! Nagsiiyakan nga rin yung mga ARMYs. Nakakainggit. Tumawa si Yuri.

"Ikaw kumusta ka na? Yung parents mo nasa abroad? Mas lalo kang gumanda. Ano sekreto mo?"

Ngumiti ito.

"Okay lang sila. Anong gumanda yah~ ganun pa rin ako noh"

Napatingin si Shin sa akin. Nagulat pa ito. Nakalimutan atang nandito pa ako. Takot itong tumawa habang nakatingin sa akin.

"Ahha-ha-ha yah~ Unnie si Yuri magkakilala na kami bata pa lang. Yuri si Lily Unnie nag aaral siya ng Korean mag iisang taon na siya dito. Feeling ko nga mag aapply ito dito sa-"

"Mag aapply? You mean mag aapply ako bilang taga salo ng gawa mo? No thanks."

Sabi ko. I heard Yuri snorted. Napatakip pa ito ng bibig. I can see her eyes smile. How pretty~

"Hindi ka pa rin nagbabago Shin. Naalala mo noong junior high nagpatulong ka sa amin ni Yoongi tapos sa huli kami ang gumawa lahat. Kung alam mo lang kung gaano kainis si Yoongi nun tulog ka kasi."

Nagsitawanan sila. I'm honored to meet Yoongi's childhood friend. When I look at her she seem nice and gentle. The awkwardness lessen. I started to feel comfortable.

"Pasensya na. Ilang araw naman kasi ako nun na walang tulog. Buti naalala mo pa. Akala ko talaga kinalimutan mo na kami."

Naging malungkot ang boses ni Shin. I look at them intently. Hindi ako chismosa ah sadyang magkasama kami sa iisang table kaya naririnig ko pinag uusapan nila.

"Magagawa ko ba yun? Bakit ko naman kayo kakalimutan aber? Sa tagal na nating magkaibigan kakalimutan ko kayo? Ang kukulit niyo kaya."

Sabi nito at tumawa.

"Akala ko kasi hindi kana babalik pagkatapos niyong maghiwalay ni Yoongi."

Nahulog yung siko ko sa mesa. Did I heard it wrong? Gulat akong nakatingin sa kanila. Hindi rin nila napansin dahil seryoso silang nagtitigan. Ngumiti si Yuri at hinawakan ang balikat ni Shin.

"Alam mo naman na nag usap kami ni Yoongi bago nanyari yun. Parehas yung desisyon naming dalawa. Mas pinili naming maging kaibigan. Ano ka ba? Cheer up!"

Oh demi what the hell I heard?! Is this effin true? I mean we know Yoongi's past relationship and he even talk about it. Its just that the girl sitting with us is Yoongi's childhood friend and a past girlfriend fudge this is a revelation that ARMYs can't handle!

"Lily Unnie? Unnie! Yohhoo earth to Unnie?"

"Ha-huh?"

Gulat akong tumingin sa kanila. Nagtataka naman sila sa kinikilos ko. Buti dumating si Ahjumma at Ahjussi sabay lapag ng pagkain. Alanganin akong ngumiti.

"Iha Lily ayos ka lang ba?"

Bakas ang pag aalala nito. Ngumiti ako bago umiling. Hindi ko pa rin na da-digest ang sinabi ni Shin. Lutang kong sinubi ang pagkain. Napaso pa ako.

"Shin may problema ba tong si Lily."

"Ewan ko diyan Tita kanina pa siya ganyan."

Yoongi's ex girlfriend is beside me. Hindi ito dapat malaman ng ARMYs na siya ang ex. Some fans can't handle this and expect for the others to slander her. I remember how Yoongi write a letter and even composed a song for her. He was sorry of how they end up. He was sorry because he can't pay attention to her. Tiningnan ko si Yuri na nakikipag usap kay Shin. She looks lively and happy. Baliw si Yoongi pinakawalan pa niya. I snorted of what I was thinking. Pag ito narinig ito ng mga ARMYs na parang sinusuportahan ko sila naku ewan ko na lang. But actually whoever those girls that Bangtan will end up with i'll support them as long as they make Bangtan happy I'LL SUPPORT THEM but not now ARMYs are not yet ready. Ugh those girls are so lucky. I hope those girls are ARMYs i'm sure they will take care of Bangtan.

"Lily?"

Napatingin ako kay Ahjumma. Ngumiti ito. How the hell I end up thinking with those? Nakita ko lang yung ex ni Yoongi kung saan na napunta yung isip ko.

"Gusto mo ng choco?"

Tumawa ako ng konti bago umiling.

"Bigyan mo nga ng kape ng magising."

Nagulat ako sa pagsulpot ni Ahjussi. He glared at me. Pilit akong ngumiti. I'm dead.

"Pero hindi ko daw dapat siya bigyan sabi ni-"

"Sige na. Kawawa naman oh. Lutang itong bata na ito. Yung kape americano. Bigyan mo rin ako."

Narinig kong tumawa si Shin. Tumingin ang lahat sa kanya.

"Ahh ano po kasi- siya po kasi ang pinaturo ko sa mga estudyante ko kanina kaya siguro lutang siya ngayon."

Sabi ni Shin. Tumahimik ka na diyan hindi yan ang dahilan yahh! Pinukpok ni Ahjussi ang ulo niya gamit ang dyaryo kaya napatawa kami.

"Tito!"

Sigaw nito at hinimas ang ulo.

"Ikaw bata ka! Magbago kana hindi ka aasenso nyan."

Sabi nito. Nagsitawanan kami. Kawawa naman si Shin. Buti nga sa kanya haha.

"Tito ngayon lang naman eh!"

Ayan nagtalo na sila. Nagtawanan lang kami bawat sagot nila. Napatingin ako kay Yuri. Unti-unting nawala ang tawa ko. Ano kaya ang reaksyon nila kong magkita silang dalawa?

The Bulletproof Fan (Forever) Series IIWhere stories live. Discover now