Bulletproof 65

132 3 6
                                    

Why the hell did it end up like this? I sighed as I hold my seatbelt. Iniwan ko ang secretary at photographer ko para trabahuin yung restaurant nila Jungkook at Yoongi.

"Ano ba problema mo? Kanina ka pa ah!"

Sinamaan ko ng tingin si Yoongi. Nakasimangot itong nagmamaneho.

"Nasaan ba kasi sina Ahjumma at Ahjussi? Akala ko ba kasama natin sila."

Tanong ko habang hindi nakatingin sa kanya.

"Sabi nila sunduin daw kita. Nasa van sila sumakay."

"Dapat sa van nalang ako."

Bulong ko. Kinakabahan kasi ako. Hindi ako mapakali pagkasama siya. Nanlaki ang mga mata ko ng binilisan bigla ni Yoongi ang pagpapatakbo.

"Yah..yah!!"

Sigaw ko at pinalo siya. He was smiling while driving! Nang hininaan niya na pagpapatakbo niya ay tumingin ito sa akin.

"Yah!! Papatayin mo ba ako!"

Sigaw ko. Tumingin ito saglit sa daan.

"Takot ka rin pala."

Napahinto ako sa sinabi niya. Huminga ako ng malalim at tinikom ang bibig ko. Umupo ako ng maayos. Isang katahimikan ang bumalot sa aming dalawa.

"Lily."

Hindi ako sumagot. Nilagay ko sa bulsa ng sweater ko ang mga kamay ko.

"Lily~"

The softness of his voice when he mention my name really warms my heart. It was different. Wag na wag mo akong daanin sa ganyan Yoongi. Langya effective kasi. Di ko pa nakakalimutan kasalanan mo!

"Ayos lang sa akin kung hindi ka magsalita. Total kasalanan ko naman kung bakit... bakit tayo nagkaganito."

Nakarinig ako ng malalim na paghinga. Oo kasalanan mo talaga!

"Lily. Babawi ako."

Napatingin ako sa kanya. Anong babawi? Akala niya papalagpasin ko lahat ng ginawa niya.

"You think I'll forget what you did?"

Tumingin ito sa akin saglit.

"Hindi mo kailangang kalimutan Lily."

Wait what?! Seryoso itong nakatingin sa kalsada. Napahigpit ang hawak niya manebela.

"Ang kailangan mo lang gawin ay bigyan ako ng pangalawang pagkakataon. Alam ko mahirap pero Lily."

Biglang humina ang pagmamaneho niya hanggang sa huminto ito. Napatingin ako sa paligid. Nasaan ba kami? Tumingin ito sa akin.

"Kahit palagi mo akong inaaway titiisin ko, kahit pilit mo akong pinapakain kahit diet ako kakainin ko lahat ng gusto mo, kahit na ayaw kong umuwi sa Daegu uuwi tayo kahit hindi na kami nakatira doon, kung gusto mo ng corny na date o sige pagbibigyan kita isang beses lang, kahit hindi mo ako pagbuksan ng pintuan matutulog ako sa labas, isa lang hindi ko maipapangako sayo. Hindi ko mamemaintain na itim ang buhok ko ikaw na kumausap sa mga manager ko."

Napanganga ako sa sinabi niya. Saan ako nagulat? Sa mataas niyang sinabi o yung sinabi niya na parang pinapalabas niyang ako ang masama sa aming dalawa. Napakurap ako.

"Sinasabi mo bang masama ako-"

"Hindi Lily!"

Lumapit ito sa akin dahilan para mapaatras ako. He was looking at me seriously.

"Hindi. Ang sinasabi ko lang-"

Nakita ko itong napalunok sabay pikit. Binuksan ulit niya ang mga mata niya. Napahigpit ang hawak ko sa seatbelt.

The Bulletproof Fan (Forever) Series IIWhere stories live. Discover now