Bulletproof 9

92 2 1
                                    

"Ahjumma!!!"

Sigaw ko habang papasok ng restau. I was taken a back when I saw a woman infront of the counter kaharap nito si Ahjumma. Napatingin sila sa akin. Ngumiti ang babae sa akin at binigyan ako ng bow. Nakaramdam ako ng hiya. Nagbow rin ako pabalik sa kanya.

"Lily iha! Nakabalik ka na. Si Luke okay lang ba siya habang paalis?"

Lumabas ito sa counter. I gave an awkward smile. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang balikat ko.

"Nahirapan ako ng konti. Pilit kasi akong pinapasabay sa kanya."

Tumawa ito. She tucked my hair behind my ear.

"Hay naku. Yung batang yun. Baka babalik rin yun agad. Buntot mo yun eh."

"Hindi naman siguro ahjumma. Iniwan na nga ako eh."

Tumawa ito sabay hawak sa balikat ko. Tumingin ito sa babae.

"Ah! Oo nga pala! Lily ito nga pala si Lee Yuri. Kaibigan ito ng pamilya namin. Itong batang to ngayon lang bumalik sa Korea."

"Annyeohaseyo."

Sabi nito at nagbow sa akin. She gave me a sweet smile. Her cheeks are minty pink. Her eyes are single eyelids pero yung pilik mata niya ay makapal. Tela para itong nakamaskara pero ang totoo natural yun. She wore a minty blue dress and a white converse shoes. She's so cute.

"Nag aral kasi ito sa ibang bansa ngayon lang bumalik. Hmp! Tong batang to! Kumusta naman yung Mama mo? Sino kasama mo dito?"

"Titaaa ako nga lang mag isa. Pang ilang beses mo na yang sinabi."

Natatawang sabi ng babae. Tumawa si ahjumma.

"Tumatanda na talaga ako."

They look so close. For the first time I feel out of place. Well it's okay as long ahjumma looks happy it's okay.

"Hoy bata!"

Napatingin ako sa biglang nagsalita.

"Tito"
"Ahjussi"

Sabay naming sabi sa babae. Nagkatinginan kami. She awkwardly smile at me.

"Yuri? Ikaw na ba yan?"

Nanlaki ang mga mata ni Ahjussi ng makita ang babae.

"Tito."

Matawa tawa nitong sabi. Lumapit si ahjussi tapos binigyan ito ng isang mahigpit na yakap.

"Kumusta kana?"

Nakangiti nitong tanong. She tucked her hair behind her ears and gave a beam.

"Okay lang po ako."

Pabalik balik yung tingin ko sa kanila habang nagsasalita. Napahawak ako sa leeg ko at doon ko lang naalala. Naiwan ko sa room ko ang scarf ni Yoongi. Tumalikod na ako para lumabas at kunin yung scarf para maisauli ko na.

"Bata saan ka pupunta?"

Napatigil ako. Tiningnan ko si Ahjussi at ngumiti ako ng pilit.

"Ahh ano po... ahmm uuwi.. kuku-"

"Hah? Uuwi kana? Kakabalik mo pa galing Seoul diba? Kumain ka muna."

Napahawak ako sa likod ng leeg ko at napatingin sa babae. Nakangiti ito sa akin. Si Ahjumma naman tumango.

"Bigyan mo ng beef stew si Lily. Itong batang to baka nagpapalipas na naman ito ng gutom."

Sabi ni Ahjumma. Ginulo ni Ahjussi yung buhok ko.

The Bulletproof Fan (Forever) Series IIWhere stories live. Discover now