Gulat itong tumingin sa akin. He was on his phone and I can hear the voice that is calling him. Tumalikod ito sa akin.
"Mag usap tayo mamaya. Oo. Pupunta ka sa-huh? Wag na. Sa phone nalang. Gabi na. Oo. Sige."
Binaba niya ang phone niya bago humarap sa akin. Lumabas ako ng elevator at tumingin sa paligid.
"What are you doing here?! I mean anong ginagawa mo dito?"
Mahina kong sabi. Kumunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. Tumingin ito sa paligid bago tumingin sa akin ulit.
"May hinatid ako sa Manager ko."
Hinatid sa Manager? Dito nakatira manager nila? Baka may makakita sa kanya dito at baka ano pa isipin yung mga tao.
"Kaibigan ko ang may ari nito."
He said plainly. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa bago ako sinimangutan.
"Lumabas kang nakapajama? Pumasok ka na nga sa room mo. Ang pangit nito."
Agad akong umiling. Sakit ah! Pangit pala. I rolled my eyes.
"Di ah! Kinuha ko lang itong inorder ko."
Sabi ko at pinakita ang pagkain. He just give me his cold expression. How rude but... ahmm cute? He glared at me.
"Saan-pumasok ka na nga."
Sabi nito at pumindot sa elevator. Tumingin ulit ako sa paligid.
"Ahh si-sige. Byee."
Sabi ko at kumaway. Tumalikod na ako at naglakad. Mukhang nagkakagulo na sa room 7 ang ingay kasi. Narinig kong tumunog ang elevator. Hindi na ako tumingin pa. Baka pumasok na si Yoongi. Hinawakan ko ang door knob ng room ko at pumasok.
"I should have ask him a coffee?"
Nagulat ako ng hindi ko maclose ang door. What the?! Tumingin ako sa baba. Okay kaninong sapatos yan?
"Masakit."
Nagulat ako ng may biglang nagsalita. Agad ko itong binuksan.
"Magkakape ako."
Bungad nito sa akin. Ano ano ginagawa niya dito?!
"A-akala ko umalis ka na?"
Walang pakialam itong pumasok. Lumabas ako ng room at tiningnan ang paligid bago nakahinga ng maluwang. Pumasok ako.
"Yahhhh! Sigurado-"
"Babae kaba talaga? Kasi yung room nagsasabing hindi."
Tamad nitong sabi bago nagcross arm. Nanlaki ang mga mata ko at tumakbo sa sala. Nilagay ko sa paper bag ang mga binili ko at pinasok ito sa bedroom. I was still standing outside my bedroom pagkatapos kong ipasok ang mga gamit ko napapapikit ako dahil sa hiya. Napakagat ako ng labi at nagkamot ng ulo.
"Nakakahiya."
"Ang kape ko!"
Sigaw ni Yoongi. Agad akong pumunta sa kusina at nagtimpla ng kape.
"Bakit ang tagal? Bilisan mo."
Sigaw ni Yoongi galing sa sala. Nagmamadali naman akong nagtimpla ng kape niya nang bigla kong naalala. Huminto muna ako at tiningnan si Yoongi na nililipat ang channel ng TV. Ginawa akong katulong just wow.
"Asan na?"
Sigaw nito ulit. Nagmadali akong nagtimpla at agad akong pumunta ng sala at binigay yung kape niya.
"Eto na po yung kape niyo SIR."
Tumango ito tela isa talaga akong katulong. Walangya! Tinaas nito ang kamay niya at nagsinyas na umalis na ako. I choked. I stumped my feet bago kinuha ang inorder kong pagkain na dadalhin kong kusina para kumain. Tumalikod na ako ng may dumapong basang towel sa ulo ko. Agad ko itong kinuha bago tiningnan si Yoongi ng masama.
YOU ARE READING
The Bulletproof Fan (Forever) Series II
FanfictionMy LIFE became colorful because of them I decided to live more because of them Their smiles, laugh and group hug is the only thing I need in my LIFE As long as they are complete and happy I WILL BE THEIR FOREVER ARMY