"Hmmm."
Kinusot ko ang mga mata ko at tumingin sa bintana. I spread my arms and my legs to stretch my body. Nanigas ako ng makita si Yoongi na natutulog katabi ko! My leg automatically kicked him out of my bed. I heard a loud thud.
"Ano ang ginagawa mo dito?!"
Sigaw ko. Ilang segundo na ang nakalipas hindi pa rin tumatayo si Yoongi. Sumilip ako sa baba ng bed.
"He-hey~"
His eyes are painfully close. He was touching the right side of his stomach. He was biting his lips as if he was stopping his self from shouting. Namumula rin siya. Did I hurt him?!
"Yoongi?!"
Agad ko siyang hinawakan sa mukha at sinuri ang gilid niya. I shouted when he suddenly pulled me down from my bed. Napahiga ako sa sahig.
"What the hell is wrong with you?!"
Sigaw ko. He suddenly hug me from my back. Napatigil ako sa ginawa niya.
"Isang minuto lang."
I can feel his warm breath at the back of my neck. He snuggle down to me. I feel so... comfortable and warm. Humigpit ang yakap nito sa akin. I can actually feel his chest at my back.
"Binalikan kita Lily."
My heart started pounding when he said those. Binalikan niya ako?
"Ang tanga ko! Kahit alam kong pagsisisihan ko ang ginawa ko sayo lumayo pa rin ako. Pinangunahan kasi ako ng takot. Pero binalikan kita Lily. Hindi ko kasi kaya. Binalikan kita para bawiin ang sinabi ko. Na okay lang sa akin na kulitin mo ako, tawagan mo ako, na ayos lang sa akin na pumuntang condo mo kahit busy ako, gagawa ako ng paraan para matuloy ang pag uwi natin sa Daegu."
Napakagat ako ng labi. Hindi ka bumalik Yoongi. Hindi ka bumalik.
"Pero nakita ko kayong magkasama."
Napatigil ako sa sinabi niya. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa akin. Deo was with me that time. He saw us two times together?
"Oo aaminin kong nagalit ako pero hindi ko inisip na ganun kang babae Lily kasi alam kong matino ka. Nagselos ako oo! Pero tangna di ko lang talaga mapigilan. Mahal na mahal kasi kita."
Tinikom ko ang bibig ko at pinigilang humikbi. This is the first time I heard Yoongi saying he loves me.
"Ni hindi kita magawang ipakita sa Bangtan kasi ayaw kong tingnan ka nila. Makasarili ako. Gusto ko ako lang. Ayaw kong may pumupuntang iba sa condo mo o kahit lumapit sayo. Ako lang Lily. Ako lang."
Tumulo ang luha ko. I'm not ready from anything like this. I'm too weak. My heart shouldn't betrayed me like this! I don't want to be soft. Bakit hindi mo ako pinigilan Yoongi?! Hindi ka lumapit!
"Oo hindi kita nilapitan. Galit na galit kasi ako. Hindi ko magawang mag isip ng tama paggalit ako kaya pinalipas ko muna. Kampante ako nun Lily na makikita kita ulit at makikiusap ako sayo. Ni hindi ko magawang mag alala kasi ang alam ko nandiyan ka. Siguro inabuso ko na rin ang pagiging ARMY mo kasi kampante akong mananatili ka lang. Na nandoon ka lang sa Daegu at naghihintay tuwing show case at concert namin."
Napapikit ako ng maalala si Ahjumma at Ahjussi.
"Para akong nabaliw Lily. Nawala ka nalang bigla. Hindi ko alam kong saan ka hahanapin."
Bumilis ang paghinga ko. I can't deal something like this. Not from Yoongi. This will not touch nor change everything from me. Pinilit kong kumawala sa kanya at umupo. Pinahid ko ang mga luha ko.
YOU ARE READING
The Bulletproof Fan (Forever) Series II
FanfikceMy LIFE became colorful because of them I decided to live more because of them Their smiles, laugh and group hug is the only thing I need in my LIFE As long as they are complete and happy I WILL BE THEIR FOREVER ARMY