Bulletproof 14

116 3 2
                                    

"Lily?"

"Iha?"

Gulat akong napatingin sa tumawag sa akin. Ngumiti ako ng makita si Ahjumma.

"Ahjumma~"

Kumunot ang noo nito at umupo sa harapan ko.

"Umamin ka nga sa akin. May problema kaba?"

Tumawa ako sa sinabi niya. Dalawang araw na ang nakalipas noong nagkita kami ni Yuri hanggang ngayon may hang over pa rin ako. Natutulala nalang ako minsan at iniisip kung anong posibling mangyari kung magkita sila ni Yoongi.

"Wala naman po."

Tiningnan ako nito ng maigi. Hinawakan ko ang mug ko na naglalaman ng kape at tumingin sa labas. It's still early. The usual routine I do every morning.

"Lily bakit hindi ka umuwi sa inyo noong umuwi si Luke?"

Tumingin ako kay Tita at ngumiti. Ahjumma naman syempre nandito ako para makita ang Bangtan.

"Para makita ang Bangtan."

Sabi ko. Nakangiti itong umiiling.

"Ikaw talagang bata ka. Wala ka bang ibang gustong gawin maliban sa pagiging fan mo?"

Nag isip ako. Wala naman. Gusto ko lang makilala at makita ang Bangtan.

"Wala naman~"

Umiling ito sabay cross arms. Well wala naman talaga kasi.

"Paano ang pangarap mo?"

Napahinto ako sa sinabi ni Ahjumma sabay tingin sa kape ko. Huminga ito ng malalim sabay haplos ng buhok ko.

"Alam mo ba kung ayaw namin pumayag na maging singer si Yoongi?"

Tumango ako habang nakatingin sa aking kape. Nakarinig ako ng pakawala ng isang malakas na hininga.

"Natatakot kasi kami noon. Maliban sa walang pera walang kasiguraduhan ang pangarap ng anak namin."

Napatingin ako kay Ahjumma. Malungkot itong ngumiti. Tama nga ang akala ko. Natatakot sila para kay Yoongi

"Yung pera? Gagawan yan namin ng paraan. Bahala na magkakanda kuba kami sa kakatrabaho makatapos lamang at magkaroon ng maayos na trabaho."

Hinawakan nito ang kanyang noo at umiling na parang hindi makapaniwala.

"Alam mo ang pinakamaling desisyon na ginawa namin kay Yoongi ay ipagkait ang pangarap niya."

Maluha-luha itong tumangong nakatingin sa akin.

"Umalis siya sa bahay at pumunta sa Seoul. Nagtrabaho at nagsikap mag isa. Nahihiya kami sa anak namin."

Umiling ako at hinawakan ang kamay ni Ahjumma.

"Kasi ang pagiging isang sikat isang buwis buhay. Minsan ito ang sisira sayo. Wala tong kasiguraduhan kung kailan ka babagsak o sisikat. Masisilaw ka sa kasikatan hanggang ikaw ay mabulag."

Ngumiti ako at umiling.

"Ahjumma~ alam mo ba si Yoongi ang gusto niya ay ipagsigawan sa buong mundo ang kanta niya. Hindi dahil sa gusto niyang sumikat kondi dahil mahal niya ito. Ganun din sa ibang members. Mahal na mahal nila ang pagkanta. Halatang masaya sila sa kanilang ginagawa at mahal nila ito."

Pangarap nilang pito ito. Kaya kaming mga ARMYs todo suporta sa kanila. Basta ikakasaya nila gagawan namin ng paraan.

"At Ahjumma~ wag na kayong malungkot. Oo nagkamali kayo ni Ahjussi pero tao lang naman tayo nagkakamali. Atsaka si Yoongi naku yung ugali nun hindi na nga siguro naalala yung nangyari noon."

The Bulletproof Fan (Forever) Series IIWhere stories live. Discover now