Nagising akong nakahiga sa kama. Tumingin ako sa paligid. Wala na si Yoongi. Nakatulog na ako kagabi. Kinarga niya siguro ako papunta dito.
"Ang sakit ng ulo ko."
Tumingin ako sa wall clock. It's already 8 am. Naalala ko bigla ang nangyari kahapon dahilan para matulala ako ng ilang minuto. Pinapauwi na ako ni Kuya. Umiling ako at tumayo. Lumabas ako ng room ko.
"Wait? I smell food."
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang sala'ng nakabukas ang TV. Tumingin ako sa kusina at nakita ang likod ni Yoongi. Napangiti ako. Akala ko umalis na siya. Napaisip ako bigla at dahan dahang naglakad. Pinipigilan kong tumawa habang palapit sa likod niya.
"Wag mong balakin na gulatin ako."
Napahinto ako ng magsalita ito. Napaismid ako. Tumingin ito sa akin using his stoic face. He was wearing my pink apron dahilan para matawa ako.
"Pasalamat ka ako nagluto sayo."
Sabi nito at bumalik sa ginagawa. Sinimangutan ko siya. Minsan ka nga lang magluto eh!
"KAMSAHAMNIDA!"
I said sarcastically. I heard him clicked his tongue. Umupo ako sa upuan. I smiled while watching his back.
"Bakit ganun ang suot mo?"
Napatigil ako. Did he mean the dress I wore last night. Nag isip ako ng maisasagot. It's my brother's fault!
"Madami kayang nagsusuot nun."
He glared at me pero bumalik rin sa ginagawa niya. What did I do? I saw a lot of foreigners wearing casual dress yesterday.
"Pumunta ka bang club kahapon kaya nawala camera mo?"
Malamig nitong sabi. Nilagay niya ang mga niluto niya sa mesa. He leaned his other hand to the table while the other is in the chair pinning me in between. Nilapit nito ang mukha niya sa mukha ko na tela ba sinusuri ako. Napaatras ako sa gulat.
"Ya-yah!"
"Saan ka galing kagabi?"
Tanong nito. Napalunok ako ng laway. Tumingin ako sa kabilang deriksyon.
"Nawala nga yung camera ko diba? Hinanap ko ito kaya na gabihan ako. Tsaka di ko naman kasi alam na pupunta ka-ouch!"
I glared at him. Pinitik kasi niya ang noo ko. He glared at me.
"Tawag ako ng tawag sayo kahapon Lily."
Napalunok ulit ako. Natatakot talaga ako pag tinatawag niya na ako sa pangalan ko.
"Yah! Nawala nga camera ko diba? Busy ako kakahanap kahapon."
Hindi ito sumagot. Nakatingin lamang ito sa akin. Nakasimangot akong hinimas ang noo ko. Walanghiyang babae ka Lily napakasinungaling mo!
"Wag mo nang gagawin ulit yun. Muntik na akong tumawag ng police kahapon para ipahanap kang babae ka."
Napatingin ako sa sinabi niya at magtatanong sana kasi hindi ko narinig masyado. Bigla nitong kinuha ang kamay ko na nakahawak sa aking noo. Napatigil ako ng maramdaman ko ang labi niya sa aking noo. Hindi ako nakapagsalita.
"Kumain kana diyan. May tatawagan muna ako."
Wala ako sa sariling tumango. Tiningnan ko si Yoongi'ng lumabas ng kusina. Napahawak ako sa noo ko.
"That is so sweet."
Napangiti ako. Yoongi don't really act that sweet. He act like a child and spoiled sometimes hindi nga lang halata kaya palagi kaming nagbabangayan at nagbibiruan. But most of the time he is serious.
YOU ARE READING
The Bulletproof Fan (Forever) Series II
FanfictionMy LIFE became colorful because of them I decided to live more because of them Their smiles, laugh and group hug is the only thing I need in my LIFE As long as they are complete and happy I WILL BE THEIR FOREVER ARMY