Bulletproof 32

103 3 0
                                    

"Lily iha! Hindi kaba babalik ng Seoul?"

Nakangiti akong umiling. It's been 3 weeks since I came here in Daegu. I missed the remaining fansigning event. I've seen Bangtan a lot that time even Yoongi maybe it's time to give another ARMY some chance to see them. I'm just lucky.

"Hindi ganun kadaling makapasok sa fansigning event Ahjumma. Kailangan pang raffles o baka maswertehan ka eh baka makapasok ka~"

It's really hard tho. Pero ganun talaga wala tayong magagawa. Hindi lahat libre. Buti nalang talaga sa music show nakakapasok ako. Libre mga foreigners!

"Ah ganun ba? Sabihin ko kay Yoongi na papa-"

"Ahjumma~ ayos lang. Walang special treatment dito. Ang swerte ko na nga kasi nakilala ko kayo. Kaya ayos lang."

Lumapit si Ahjumma sa akin. She tucked some of my stranded hair behind my ear and gave me a smile.

"Inumin mo na kape mo baka lalamig na yan."

Tumango ako. Pumunta itong kusina. Napatingin ako sa labas. Balik routine na ako. Pagkatapos nito lalabas ako para mag jogging. Napatingin ako sa dala kong paper bag.

"Ahjumma!"

Sumilip ito sa akin. Natawa ako.

"Bakit?"

"Ahjumma~ may ibibigay ako kay Holly."

Tinaas ko ang paper bag. Nagpunas ng kamay si Ahjumma at inayos ang glasses niya. Ngumiti ito.

"Alam mo naman bahay namin diba? Nandoon si Ahjussi mo sa bahay. Magdoor bell ka. Total magjo-jogging ka naman."

I stand up after my last sip. Tumango ako sa sinabi ni Ahjumma.

"Ah oo! Ilabas mo na rin siya. Nagiging si Yoongi na kasi ito."

Tumawa ako. Parang si Yoongi? Tulog ng tulog. Lumabas ako ng restau at nagsimulang mag jogging. Napangiti ako ng matanaw ang gate nina Ahjussi. Muntik pa akong madapa dahil sa excite. Pagdating ko ay agad kong pinindot ang bell.

"Ahjussi~"

Pindot ako ng pindot. May narinig akong pintuan baka lumabas na si Ahjussi.

"Eto na! Masira doorbell namin."

Sinimangutan ako nito ng makita ako. Nakangiti kong tinaas ang paper bag.

"Para kay Holly po!"

Sumenyas ito na pumasok ako. Sumilip muna ako bago sumunod kay Ahjussi. Malawak ang harapan nila. Malinis at may mga tanim na halaman. Nakakita pa ako ng sakura tree sa gilid ng bahay nila. It's so refreshing. Puro green makikita mo.

"Nasa sala si Holly. Ilabas mo na rin siya. Hindi kasi ito naaarawan."

Tumango ako. Sumilip ako sa loob bago ako pumasok sa bahay. Malinis napaka linis. Fully furnished cabinets, tables, and chairs. May nakikita rin akong old photos and classic stuff. Beside the glass window is the white grand piano.

"It's so Yoongi style."

Napatingin ako sa paligid. A family pictures, a baby Yoongi and his brother, a solo picture of baby Yoongi, and other stuff. I smile when I saw a very cute Yoongi with a panda bear.

"Suwerte mo. Ikaw lang ang fan na nakapasok dito."

Napahawak ako sa batok ko. Swerte ko nga.

"Ahjussi~ pwede mo namang hindi ako papasukin."

Nagkibit ito ng balikat bago lumapit sa akin. Tumingin ito sa picture.

"6 years old yata si Yoongi dito. Galit kasi siya sa akin kasi hindi ako pumayag na pumuntang sa eskwelahan niya. Madami kasi akong ginagawa nun. Kaya bumawi nalang ako. Lumabas kami noon at nanood ng shows. Hanggang sa nakalimutan niyang galit siya sa akin."

The Bulletproof Fan (Forever) Series IIWhere stories live. Discover now