Chapter Three

123 7 0
                                    

Back To Each Other Arms
"The First Meeting"

Malaking sign nang Pangalan ng Anderson Private University ang bumungad sa akin harapan,
Ito na kasi ang unang araw ng klase ko dito.
Isang buwan ko din pinaghandaan itong unang araw ng pagtung-tong ko dito sa University bilang isang ganap na estudyante.
Andito parin ang kaba, tulad ng unang araw ng pagpunta ko dito para sa Entrance Exam.
Parang walang nagbago sa pakiramdam na yun,
kahit na alam kong isa na akong ganap na estudyante ng private school na ito.
Ganun parin ang pakiramdaman ko,
Hindi parin ako makapaniwala na dito na ako mag-aaral,
At ito an ang magiging daan ko upang makamit ang pangarap ko at pangako kay mama.
Hindi ko parin talaga lubos maisip na bibigyan ako ng isang magandang pagkakataon,
Mula sa panauhing pandangal nung graduation night,
hindi parin ako makapaniwala sa pangyayari nung mga oras na yun.

(Allynna's Graduation Night Recalls)

"Congratulations, Allynna,"
bati sa akin ng aming principal na si Mrs. Alarcon.

"Salamat po Ma'am,"

"Allynna, Ito nga pala si Mrs. Lucille Anderson,
Isa siya founder ng Anderson Private University,"
Pagpapakilala ni Mrs.Alarcon, sa kasama niyang napakagandang panauhing pandangal.

"Hello po, Ma'am."

"Hi ihija, Congratulation."
Pagbati ni Mrs. Anderson kasabay ng pagyakap sa'kin na ikinagulat ko,
pero kahit na nakakapagtaka, ay niyakap ko narin siya,
Yun pakiramdam na para akong nakayakap sa isang anghel,
Hindi ko maintindihan bakit ganun nalang kagaan ang pakiramdam ko nung yakapin ko din siya.

"Thank you po."
masaya kong sagot sa pagbati niya.
Kasabay ng pagkakabitaw namin sa yakap ng isa't isa.

"I'm very amazed with your speech and knowing that you study so hard,
even you have so much struggles, and circumtances in life, na-feel ko kasi sa speech mo kung paano mo pinahalagahan ng sobra ang pag-aaral mo,
and that is really amazing."
nakangiting papuri ni Mrs. Anderson.

"Maraming salamat po Ma'am."

"I have a special gift for you,
alam ko kasing mabuti kang bata at magaling na mag-aaral ng school na ito,
This is an invitation for you to try the entrance exam in the Anderson Private University, and if you pass the entrance exam, we will give you the opportunity to study in the university with half paid of your full term course. But, more good news, is when you get the top one of the examination of the course you want to take, we will give you a full scholarship in your full term course, and a bonus of school allowance if you maintain to be number one in the class."

Parang sasabog ang puso ko sa saya at pagkagulat sa mga sinabi ni Mrs. Anderson.
Ito na kasi ang malaking sagot sa dasal ko na sana makapagkolehiyo ako,
para matupad ko ang pangako ko kay Mama.

Hindi ko napigilan ang sarili kong maiyak habang nagpapasalamat kay Mrs. Anderson, sa oportunidad na ito.

"Maraming maraming salamat po. Ma'am."
Pasasalamat ko kay Mrs. Anderson habang napayakap ako sa kanya dahil sa lubos na kaligayahan,

"It's my pleasure to help, my little child."

Para akong nakarinig ng isang anghel sa mga sinabi na iyon ni Mrs. Anderson,
habang nakayakap sa'kin.

Back To Each Other ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon