BACK TO EACH OTHER ARMS
WARNING SPG...
Hindi ko din alam ang dahilan bakit natagpuan ko nalang ang aking sarili dito sa condo ni Lance.
Paano ba naman kasi hindi rin nag-paawat si ni Nikko sa pagkukumbinsi sa akin na samahan siyang maihatid si Lance sa condo nito.
Wala narin kasing ibang ginawa si Lance kundi ang banggitin at isigaw ang pangalan ko kaya naman wala narin akong nagawa kundi ang sumang-ayon na samahan maihatid si Lance sa kanyang condo.
Inalalay kong makahiga si Lance sa kanyang kama nang makarating kami. Mag-isa ko nalang siyang inalalayan papasok sa kwarto niya.
Siraulo ka talaga Nikko. Hayaan ba naman akong mag-isa ihatid itong lalaking 'to dito sa kwarto. Humanda ka sa akin kapag nagkita tayo ulit..!!
Galit kong sigaw sa aking isip. Paano ba naman nang malapit na kami sa kwarto ni Lance ay biglang binitawan ni Nikko ang pag-akay kay Lance dahil may emergency daw siya.
"Hindi manlang inihiga muna 'tong tao bago umalis. Nakakainis.!! Ang bigat pa naman."
Naiinis paring sambit ko sa aking sarili.
Nang maihiga ko na ng maayos si Lance ay naramdaman ko itong parang susuka.
"Naku naman Lance."
Agad akong tumakbo sa kusina nito.
At naghanap ng basin at lagyan nang tubig upang iyon ang maging pang-samantalang sukahan ni Lance.Namangha naman ako sa kusina nito. Hindi maipagkakailang mayaman ito. Sobrang ganda kasi ng condo niya. Mukha din organize. At halata din na maganda ang konsepto nito.
Nabali lang ang pagmamasid ko sa paligid nang marinig ko nang nagsuka si Lance. Dali dali na akong nagtungo sa kwarto niya dala dala ang basin na may tubig.
"Naku Lance!!! Yan na nga ba ang sinasabi ko ihh. Lakas lakas mo maginom tapos susuka ka naman."
May inis man sa aking tinig ngunit may lungkot naman akong naramdaman nang tignan ko siya at alalayang itapat sa basin upang duon sumuka.
Nang matapos ang suka niyang iyon agad akong bumalik sa kusina at kumuha ang tubig na inumin agad ko siyang pinainom ng tubig. Pagkatapos ko siyang mapainom ng tubig ay nagtungo sa banyo ng kwarto niya.
Hindi rin ako makapaniwala na ganun din ka ganda ang banyo iyon sa kwarto niya. Para tuloy akong nagmukhang bagong baba sa bundok sa mga pinaggagawa kong paghawak at paghimas sa mga bagay sa loob ng banyo.
Napailing nalang ako para magising sa kabaliwan ko. Agad akong naghanap ng maliit na towel na gagamit pamunasa kay Lance para mahulasan ito kahit papano.
"Lance pupunasan lang kita ha. Medyo malamig yung tubig."
Agad ko naman siya pinusan pagkasabi ko ng mga iyon. Narinig ko ang mahinang ungol ni Lance dahil siguro sa ginawa kong pagpunas sa kanyang mukha.
"O, Lance, yung sa dibdib mo naman ha. Wag ka magagalit. Hindi kita mamanyakin noh.. kailangan lang talaga kita punasan."
Ang yummy naman.. nakakagutom tuloy.. naku! Anu ba naman pinagiisip ko. Erase erase erase..
Napapitlag naman ako nang pupunasan ko na sana ang kanyang dibdib nang hawakan niya ang kamay ko.
Maliit lang ang pagkakabukas ng kanyang mga mata pero kitang kita ko ang pagtitig nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Back To Each Other Arms
Romantizm((⇨All the stories of Lady Covet Stories written in English-Filipino..⇦)) .♡⇨♡⇨♡⇨⇦♡⇦♡⇦♡. This story is about the son and daughter of the member of MBC. (Multi-Billionaire-Corporation) .♡⇨♡⇨♡⇨⇦♡⇦♡⇦♡. A story of a simple girl Allynna Samonte who will...