Chapter Twenty Two

52 3 0
                                    

BACK TO EACH OTHER ARMS







Naalimpungatan ako sa vibrate ng cellphone na narinig ko.


Nang ikilos ang katawan ko, ay agad kong nakaramdaman ang mahapding pakiramdaman sa babang parte ng katawan.


At nagkikilos ako para hawakan iyon at napansin ko agad na may katabi ako at nang ilibot ko ang aking tingin ay duon nag-umpisang mag-sync in ang mga nangyari.


Napabaliwas ako ng bangon. At mas lalo kong naramdaman ang pananakit ng katawan at lalong paghapdi ng pagkakababae ko.


Dahan dahan akong bumangon at nagtungo sa banyo. Hindi ko na nagwang isara ang pinto ng banyo.


Agad akong tumingin sa salamin upang tingnan ang hubad kong sarili. Nakita ko agad ang markang pula sa akong leeg. At meron din sa aking dibdib. Pati narin sa aking tiyan.


Umiling-iling ako. Dahil hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Madaming tanong ang naglalaro sa isip ko. Lalo na sa nararamdaman ng puso ko.


Naalis lang ang tingin ko aking sarili mula sa salamin ng marinig ko naman ang vibrate ng cellphone.


Agad kong hinanap ito. Nang matagpuan ko iyon sa ibabaw ng side table ay agad ko itong dinampot. Cellphone ko pala ang kanina pa nagba-vibrate. Napansin kong madami na itong missed calls at text message.


Nang tingnan ko ito. Ay mula ito lahat sa aking tiyahin at pinsan. Agad kong binugsan ang mga text message dahil bigla akong sinakluban ng kaba.


Napaupo nalang ako sa sahig ng mabasa ko ang isang message. Dahil biglang mas nanlambot ang mga tuhod ko. Hindi ko narin naiwasan mapaiyak dahil sa nabasa ko.


Allynna asan ka ba. Nasusugnog ang lugar natin. Kasama na sa sunog ang bahay natin  kanina ka pa namin tinatawagan. Hindi ka sumasagot.”


Nagbalik lang ang ulirat ko ng marinig muli kong mansin na may nagtext sa cellphone ko.


“Ally, where are you. Tumawag sa akin ang pinsan mo. Nasusunog ang bahay niyo. Please pick up the call.”


Nang mabasa ko iyon ay agad kong kinuha ang damit kong nagkalat sa sahig. Walang pagiisip na basta ko nalang isinuot ang mga iyon. Ni hindi ko narin ininda ang sakit na nararamdaman ko mula sa nangyari kagabi.


Nangdadamputin ko ang bag ko sa gilid ng kama. Ay napatingin ako sa mahimbing na natutulog na si Lance. Hindi ko maalis ang titig ko sa napakagwapo niyang mukha. Hindi ko rin namalayan na napangiti na ako ng maalala ang bawat paghalik niya sa akin.


James Matthew.


Nasabi ko iyon sa akin isipan ng mapansin ang taong tumatawag sa aking cellphone. Kaya agad na akong lumabas sa kwarto ni Lance.


Nang makalabas ako at patungo na sa elevator. Naramdaman ko bigla ang mahapding parteng iyon ng katawan ko.


Gosh. Ganito ba kasakit kapag first time mo..


Napahinga nalang akong ng malalim habang palabas ng elevator.


“James Matthew.”

Back To Each Other ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon