BACK TO EACH OTHER ARMS
ALLY's POV .....
Hindi ko alam kung anung mararamdaman ko habang tinitingnan ko si Lance at James Matthew.
Kung nakakamatay lang kasi ang masamang titig. Siguro ilang ulit na nilang pinatay ang isa't isa.
Habang ang isang magandang anghel sa harapan ko ay patuloy lang sa pagkukuwento at pag-ngiti na lalong nagpapaganda sa kanya.
Hindi ko tuloy maiwasang ma-ilang sa kanila. Paano kasi parang may sari-sarili silang mundo kahit na nasa iisang lamesa lang kami.
Hindi rin nakaligtas sa paningin ko kung paano nila parehong tingnan si Brenda.
Kahit nakalimutan na nilang ipakilala ito sa'kin ay ayos lang. Dahil narinig ko na sa kanila pareho kung paano nila tawagin ang pangalan nito.
Haist.. sana pala tumanggi nalang ako sa pag-aaya ni James Matthew. Kung ganito lang din naman. Out of place naman pala ako.. nakakainis..
Hindi ko namalayan na halos naubos ko na pala ang iniinom kong smoothies kaya nakagawa ako nang ingay na nagsasabing wala na itong laman.
Kaya naman nabaling ang atensiyon nilang tatlo sa akin.
Nakakahiya.. anu ba naman..
Inis na nahihiyang sambit ko sa aking isipan. Nang magsalita si Brenda.
"Oh sorry, we forget about you."
"Ah okay lang."
Napansin ko kaagad ang pag-aalalang tingin ni Lance at James Matthew sa akin.
Kaya naman nginitian ko nalang sila na may halong biro. Pero sa totoo lang nahihiya ako sa nangyari.
"Okay lang ako.."
Sambit ko sa kanilang dalawa upang mabawasan ang pagkakatitig nila sa akin.
"Do you want more."
"Ah hindi na Lance. Busog na ako. Thanks."
"How about cake."
"Kakasabi ko lang James Matthew, busog na ako. Thanks.."
"How about fruits."
Halos sabay na nasabi iyon ni James Matthew at Lance na ikinagulat ko. At pareho silang nagkatinginan.
Hindi ko maintindihan kung bakit bigla silang nagkaganun. Kaya naman nginitian ko nalang sila pareho.
"Relax lang kayong dalawa. Magsasabi ako kapag gusto ko pang kumain, okay ba yun."
Halos sabay din silang tumango. Pagkatapos kong sabihin 'yon. At ayun na naman ang nakamamatay nilang masamang titig sa isa't isa.
Eto talagang dalawang 'to ohh. Parang mga serial killer kung magtitigan...
Nabali lang ang pagtitig ko sa dalawang naggagwapuhang mukha nang magsalita si Brenda.
BINABASA MO ANG
Back To Each Other Arms
Romance((⇨All the stories of Lady Covet Stories written in English-Filipino..⇦)) .♡⇨♡⇨♡⇨⇦♡⇦♡⇦♡. This story is about the son and daughter of the member of MBC. (Multi-Billionaire-Corporation) .♡⇨♡⇨♡⇨⇦♡⇦♡⇦♡. A story of a simple girl Allynna Samonte who will...